"Teka lang Calvin, hindi ito ang daan patungo sa bahay namin!" Sita niya kay Calvin nang mapansing iba ang dinadaanan nila. Wala din naman short cut doon, kaya mali talaga ang daan nito, hindi iyon pauwi sa bahay nila.
"Hindi ba't ayaw mong magkaharap kami ng mga magulang mo, lalo na ang Papa mo," kalmadong sabi ni Calvin sa kanya habang nasa kalsada ang buong atensyon nito.
"Yeah, they hate you," taas kilay niyang sabi rito.
"I know," Calvin said.
"Eh saan ba tayo pupunta?" She asked at inilibot sa labas ng bintana ang mga mata.
"Sa penthouse ko," Calvin answered.
"What?!" Bulalas niya at nilingon ito. Patuloy lang ito sa pagmamaneho.
"Calvin, stop the car!" Mariing niyang utos. Hindi siya nito pinapansin.
"Calvin! I said stop the car!" Hiyaw niya sabay hampas sa balikat nito.
Wala siyang planong sumama kay Calvin sa penthouse nito o kung saan pa man. Nais na niyang umuwi at magpahinga. Pinapangakong hinding-hindi na siya magtutungo sa bar dahil sa mga nangyari sa kanya. Pakiramdam niya dalawang beses siyang nabastos. Una kay Calvin pangalawa sa pangit na lalaking iyon na basta na lang siya hinawakan kanina. Kahit papano, kahit inis na inis siya kay Calvin nagpapasalamat pa rin siya rito at dumating ito para iligtas siya sa manyakis na iyon.
"Calvin ano ba! Ibaba mo ko!" Patuloy siya sa pagtitili sa loob ng sasakyan. Hindi naman siya pinapansin ni Calvin patuloy ito sa pagmamaneho. Ilang beses pa nga niya itong pinaghahampas sa balikat.
"Gianna tumigil ka nga! Gusto mong mabangga tayo!' Asik nito sa kanya.
"Ahhhhhhhh!" Tili niya nang malakas dahil alam niyang hindi na siya mananalo pa kay Calvin. Dadalhin at dadalhin siya ng lalake sa penthouse nito. Kung anong gagawin nila roon, hindi niya alam. She needs to think how to survive this.
Pagdating sa sikat na condominium na pagmamay-ari ng mga Saavedra nabuhayan siya. Makakatakas siya panigurado dahil ang Uncle Gab niya ang nag mamanage sa Saavedra Condominium.
"Dito mo pa ko dinala, you think hindi ako makakatakas?" Matapang niyang sabi kay Calvin.
"Hindi mo kailangang tumakas Gianna. Malinaw naman dinala kita rito dahil ayaw akong makita ng Papa mo. Ayaw mo ng gulo right," Calvin said.
"Itong sapilitang pagsama sa akin sa penthouse mo, hindi ba gulo ito?" Matapang niyang tanong.
"Magiging malaking gulo kung mag eesterikal ka diyan na para kang kinidnap," Calvin said at nauna na itong bumaba sa kanya sa kotse.
Hindi siya agad bumaba sinundan ng tingin si Calvin na umikot patungo sa passenger seat. Kung magwawala nga siya at mag eesterikal tiyak ma eeskandalo na naman siya. Malalagay na naman siya sa kahihiyan. Walang maniniwala sa kanya na kinidnap siya ni Calvin dahil isa itong Ramirez mas mayaman ang mga Ramirez kesa sa mga Saavedra kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng Saavedra.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Sasakyan na lang niya ang laro ni Calvin. Iniligtas naman siya nito kanina. Kung may balak itong gawin sa kanya, hindi niya ito hahayaang magtagumpay.
"Baba," utos ni Calvin sa kanya nang pagbuksan ang pintuan niya. Masamang tingin ang pinukol niya sa lalake at nagtaas ng mukha saka bumaba ng sasakyan.
Tahimik silang naglakad ni Calvin patungo sa elevator na nasa parking lot. Silang dalawang lang ni Calvin ang sakay ng elevator kaya parang nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nila.
Pagdating sa penthouse napanganga siya. Nalulula siya sa ganda at karangyaang nakikita niya sa loob ng malawak na penthouse. Ang Uncle Gab niya may penthouse din katulad ng kay Calvin, pero iba ang pagkakadesenyo ng kay Calvin nagsusumigaw ang karangyaan. Hindi na siya magtataka myaman naman kasi talaga ito.
"Sinong kasama mo rito?" She asked.
"Ako lang," tugon ni Calvin habang naghububad ng jacket.
"Saan ako matutulog?" Mataray niyang tanong.
"May guest room dito," tugon Calvin sa kanya at nagtungo ito sa may mini bar. Kanina pa ito umiinom sa bar, tapos iinom na naman ito. Wala ba itong kalasingan.
"Drinks?" Alok nito sa kanya. Umismid siya.
"Wala akong balak malasing kasama ka! Baka kung ano pa ang gawin mo sa akin!" Mataray niyang sabi rito.
"Don't worry hindi ako nakikipag s*x sa lasing. Walang thrill masarap pa rin kung gising ka at maririnig ko ang ungol mo!' Calvin said. Naeskandalo siya sa sinabi nito.
"Bastos!" Sigaw niya, hinila ang unan na nahila niya mula sa sofa at binato iyon kay Calvin. Nasalo naman nito ang unan at ngumisi sa kanya.
"Ganyan ka ba kabastos talaga?" Nanlalaki pa ang mga mata niyang tanong rito.
"Depende sa kausap ko," Calvin answered at inisang lagok lang nito ang laman ng kopita.
Napalunok pa siya habang nakatingin sa labi nitong nakadikit sa labi ng baso. Para siyang nauhaw bigla. Nanuyo ang lalamunan niya. Isama pang pumasok sa isip niya ang eksena nila kanina sa VIP room ng bar.
"Damn," mahina niyang mura sabay iling ng kanyang ulo.
"Nasaan ang ref mo, nauuhaw ako," sabi niya kay Calvin
"Deretso ka lang diyan," sabay turo nito sa kanya sa daan patungo sa kusina ng malaking penthouse nito.
Lumakad siya patungo sa kusina napakagat labi pa siya, hindi pa kasi naalis sa isip niya ang eksena ng halikan nila ni Calvin.
Kumuha siya ng tubig sa malaking ref at sumandal sa counter habang umiinom. Iniisip niya ngayon kung ano ang sasabihin niya sa mga magulang niya at hindi siya nakauwi sa bahay nila.
Alam niyang kung gugustuhin niya makakauwi siya sa bahay nila. Pero bakit tila ayaw naman niya? Bakit tila nais niyang mag stay rito at makasama si Calvin?
"Why?" Tanong niya sa sarili habang hawak ang baso sa kamay. Maraming paraan para makauwi siya pero wala siyang ginagawa.
"Damn," mura na naman niya at iniling ang ulo.
"Nagugutom ka ba Gianna?" Napakislot pa siya nang biglang sumulpot si Calvin sa kusina. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na baso nang makitang wala itong damit pang itaas. Kumunot ang noo niya nang mapasulyap sa malapad nitong dibdib. Halatang alaga ang katawan ni Calvin sa gym, fit na fit kasi ito at may abs pa. Napalunok siya tila siya nauhaw muli habang hindi maalis-alis ang mga mata sa maganda nitong katawan.