Gianna-18

1412 Words

"Kaya ko na, huwag mo na kong samahan pa Calvin," sabi niya kay Calvin nang nasa parking lot na sila. Calvin na lang ang tawag niya rito dahil tapos na ang oras ng kanyang trabaho. "Gianna wala ka sa bayan ng San Sebastian na halos pagmamay-ari ng pamilya mo. Nasa Maynila ka, hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa iyo rito," seryosong sabi ni Calvin sa kanya na tila ba concern ito. "Pwede ba Calvin huwag kang umarte na concern ka sa akin," inis pa niyang sabi at lumakad na para maiwasan ito. "Gianna!" Malakas nitong tawag sa kanya sabay hila sa braso niya. "Aray!" Reklamo niya. Hinarap siya ni Calvin rito. "Sasamahan kita, huwag ka nang magmatigas pa pwede!" Mariing sabi nito sa kanya habang mahigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Nagkatitigan sila nito. Humugot na lang siya ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD