Chapter 4: Evoke

1332 Words
                                                                                            BASTIEN I was sure as the sun sets in the west that Kris must be wondering why I was doing this to him now. Why approached him. Or why I was being too forward to him. Hindi niya yata lubos maisip na “magkabaro” kami. Wala naman talaga siyang alam. He was always clueless. Innocent. And maybe more in control of himself. Unlike me. Kung hindi sinabi sa ‘kin ng future self ko ang tungkol sa ‘kin at kay Kris, siguro nga ay wala akong gagawin. Pero sa kabilang banda, wala nga ba talaga? Mahal na mahal ko siya simula pa noon. Alam ‘yon ng langit. ‘Tsaka siguro naman darating din ang araw na aamin din ako sa kanya sa nararamdaman ko. At nagsimula na nga ako dahil ayokong mawala siya sa buhay ko. Gusto kong magkaroon kami ng tsansa na magkasama. Kahit na sasabihin pang maikling panahon lang nang dahil sa nakatakdang kapalaran niya. Pero hindi ko hahayaang mangyari ang nakatakda na. Kung maaari ay gusto ko itong pigilan. Kung paano, sana naman ay malalaman ko ang kasagutan nito sa tamang panahon, bago pa man mahuli ang lahat. Noong isang gabi, bumalik ako sa hinaharap para silipin kung ano ang nangyayari. Kaya lang ay nakita ko ang sarili kong nakasuot ng itim. Ibig sabihin ay wala pa akong nagagawang tama sa panahon ko para pigilan ang pagkawala ni Kris. Pero ano nga ba ang dapat na gagawin ko para hindi mamamatay ang pinakamamahal ko? Nagbihis na lang ako pagkatapos mag-swimming sa pool ko. Naisip kong bisitahin si Kris. Nami-miss ko na siya kahit nagkita kami kaninang umaga. It was fun to talk with him and his dad. Kahit paano ay hindi ko naisip ang malaking problema ko kung paano mananatiling buhay si Kris at hindi kasal kay Talia. That b***h! I wanted to kill her. Not that I didn’t try before, but it was weird. Whenever I traveled through that mysterious portal, hindi ko naman nakikita ang mukha niya. Pero sure akong siya ang magpapakasal kay Kris. Ayon sa future self ko, ginawa na rin niyang patayin ang babaeng iyon sa isa sa mga past realities but the future outcome was the same. Kris was murdered on the day of his wedding! That was totally weird and frustrating! Bakit ba kasi nangyayari ‘to sa ‘min? Is fate just too cruel to not let us be together? Wala ba kaming karapatang magiging masaya at magkasama hanggang sa tumanda kami? Is loving someone of the same s*x so horrendous that I have to experience such dreadful loss? That I would lose him in the end? I let out a big sigh and knocked on his door.                                                                                                     ***                                                                                                    KRIS “What are you doing here?” Nganga ako nang mapagbuksan ang condo unit door ko si Bastien. Mukhang bago lang siyang ligo at nakabihis din. Halatang may lakad. Duh! Nandito nga sa condo ko kaya may lakad. Tss! Still, he looked gorgeous in just a casual clothing—in blue jeans and V-neck light blue T-shirt. Ang papable niya talaga sa suot niya kahit simple lang. “Binibisita ka. Hindi mo ba ako patutuluyin, Kris?” tugon niya nang patay-malisya. Pero ‘yong mga mata niya, ang hot! Bumuga ako ng hangin at nag-sidestep. There was no use bickering with him while my unit is open. Baka may iba pang taong makarinig sa amin. Ayoko ng eskandalo. “Why aren’t you living with your parents?” tanong niya. Napatingin siya sa kabuuan ng malaki kong condo malapit sa Hibbard Avenue. It was luxurious and spanned like three units. May pangalawang palapag at extra rooms ako. Sa baba ay kusina, dining area, bathroom and living area. Meron din akong pool table. Paminsan-minsan ay naglalaro kami ni Gavi rito at nag-iinuman, while talking about girls. Yuck! “Old enough to be on my own and I can do anything. Walang nagger sa malapitan, in short.” Bastien sneered at my answer. He turned around to look at me. Napatingin siya sa kabuuan ko. “It looks like you need a shower, Kris. Why don’t you go and then change? Aalis tayo.” “What? Saan naman tayo pupunta? Ito na ba ‘yong usapan natin?” Bigla akong kinabahan. “No. I’m saving that night for another time.” “What? Ano ba talagang gusto mo, ha, Bastien?” Nakaka-frustrate na siya. Wala akong alam kung bakit niya ito ginagawa sa ‘kin. “I want you to tell me the truth, about yourself. Until then, I’ll keep on bugging you. Just like this.” Ngumisi siya. Umiling na lang ako. Nagpunta na ako sa banyo para maligo. But it wasn’t like he told me to do so. Dahil kailangan ko talaga. Nanlalagkit ang pakiramdam ko nang dahil sa nasa field ako today. Kailangan kong ako mismo ang mag-check sa ilang trucks na kailangang ipaayos. May alam naman ako sa mekanismo ng mga sasakyan kaya dapat lang na ma-assess ko bago mapalitan ng mga piyesa and whatnots. It was such a long and hectic day. Bukas naman ay titingnan ko ang monthly report ng auditor para tingnan kung may mali o wala. Dino-double check ko kasi ito bago pina-finalize at pina-file kay Liza para walang problema sa yearly business tax reports. Honest naman ako sa mga reports dahil ayoko ng karma. Nakatapis lang ako ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan ko nang lumabas ng banyo. I didn’t know Bastien was waiting for me in my very own room! What the hell? Why was he there waiting for me? He looked me up and down. In fairness, nabasa ko sa mga mata niya ang paghanga sa katawan ko. Not to brag but I did have a lean build. Sakto lang. Hindi iyong tipong sobra-sobra ang muscles na nakakaumay o nakaka-cringe tingnan. Huminto ang paningin niya sa pinakagitnang bahagi ng katawan ko, and it is kind of embarrassing as I started to get a hard-on. Bwisit! With just one seductive look of his, heto ako. I feel so weak and transparent in front of him. Bakit ba talaga kasi? Dahil ba sa crush ko na siya noon pa man? “You’re aroused, Kris,” he stated. “Of course I’m not!” deny ko naman na nag-iinit ang mukha. “Malaki lang talaga ang harapan ko.” Lintek! Sinabi ko ba talaga ‘yon? Narinig ko ang malakas niyang tawa. Lumapit siya sa akin pero umatras ako. I won’t let him touch me ever if I could ever help it! Ayokong malaman niya ang tunay na nararamdaman ko at ang tunay na ako. He would even taunt me more, I’m sure of it. Ngayon pa nga lang ay pinagtatawanan na niya ako. What if umamin na ako? I will be even more mortified! Baka gustuhin ko nang lamunin ng lupa. Worse, baka magbigti ako sa kahihiyan. No. No. No. Hindi ako suicidal. Hindi tama iyon. Tinalikuran ko na lang siya nang pasimple pero hinawakan niya ako sa braso. Itinabig ko siya pero hinawakan niya ulit ako sa isa na namang braso. “Just leave me alone, Bastien! Get out of my room!” Nagkatitigan kami habang hawak niya ako sa magkabilang balikat. Isinalya niya akong bahagya sa kongkretong dingding at titig na titig pa rin sa light brown eyes ko. “Tell me that you like me, Kris.” His breath fanned my face. Ang bango. Peste! Parang mint and sort of sweet. “What? Are you insane?” Tumaas ang boses ko. “Tell me, Kris or I’ll kiss you right here, right now!”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD