Chapter 3: Deny, Deny, Deny Pa More

1453 Words
                                                                                               KRIS Nanigas ang katawan ko nang bigla. Naramdaman ko na lang na marahan niyang idinaiti ang kanyang malaking kamay sa ibabang katawan ko. Okay, specifically sa may bukol sa harap ko saka bahagya iyong hinimas. Shookt! My heart! Lumundag ito sa dibdib ko. Biglang para akong tinakasan ng hangin sa baga. Nang marahan niyang iginalaw ang kanyang kamay roon ay malakas ko na siyang itinulak. “What the f**k, Bastien? Ano’ng tingin mo sa ‘kin?” galit kong sabi sa kanya. Ito ang naratnan ni Dad sa office ko na biglang pumasok nang wala man lang katok-katok. Napatingin siya sa amin ni Bastien nang pabaling-baling. “What’s going on here, Kris? Who’s this man?” usisa ni Dad. Napailing ako. Napasulyap ako kay Bastien. He doesn’t even look remorseful. The hell? It was like he enjoyed it… well, as much as I did. But I shouldn’t let him see that! This is so embarrassing! Alam ko na ang iniisip niya. But so what? I can still deny it. “I’m Bastien Baltazar. You might have forgotten about me but we met a few times when Kris and I were in high school. Sir.” Leche! Ang pormal niyang humarap kay Dad, ah. Parang santo na dinadasalan. Parang wala siyang ginawang pagha-harass sa ‘kin ilang segundo lang ang nakalipas. Lumiwanag naman ang mukha ng may edad kong ama. There are some white hair on his head. Pero makisig pa rin siya dahil mestiso. Lahi kasi iyon namin, pareho kina Mommy na may lahing Kastila. In Dumaguete and the entire nation, kilala ang Eugraf bilang isa sa mga pinakamayamang pamilya. ‘Ika nga, from old money. Since the city is just small, halos magkakilala na lahat ng mga nasa alta-sosyedad. Siguro maliban na lang sa mga bagong salta and new money. “Ah, you’re old Baltazar’s son!” anang Dad. “Yeah. He’s rather old now,” kumpirma naman ni Bastien nang kalmante. “Your father was like a piece of s**t and flies gathered all around them. But don’t take it the wrong way. I meant that he was such a ladies’ man back when we were younger.” Napatawa si Dad. Shet! He seldom does that. Laugh. Tinapik niya pa si Bastien na nakangisi. Nang hindi tumingin si Dad ay kumindat si Bastien sa akin. Pesteng tao talaga, o! Parang sumemplang ‘yong puso ko. Pinili ko na lang siyang ignorahin. Inimbitahan siya ni Dad na maupo sa may living area ng office ko like I wasn’t there. What is just happening here? “Kris, don’t you orient your secretary? Bakit wala man lang refreshments na ibinigay rito sa old schoolmate mo?” Sumigaw na ako sa pangalan ng sekretarya ko. “Liza! Drinks!” Napangisi si Bastien habang napailing si Dad. Magkaharap silang nakaupo sa mahahabang sofa na kulay-light blue. I love the color, by the way. It looks manly but it is also girly. Subtle lang, ‘di ba? At hindi halata ang taste ko dahil sa modern naman ang istilo ng pagkakaayos ng opisina ko. “Here’s tea and juice, kung alin ang mas preferred n’yo, Sirs.” Napatingin ako kay Liza na dalawang pitchers ang dala. Binalikan niya lang ang tray na may cups at glasses bago inilagay sa center table sa tabi ng dalawang pitchers na pagpipilian namin. Pagkatapos no’n ay nagdala siya ng tatlong saucers with tuxedo cake. Palaging may cake sa opisina para iyon sa lahat. Umupo na lang ako sa pang-isahang upuan, adjacent sa mga bisita ko sa office. Sa kaliwa ko si Dad habang nasa kanan si Bastien. “You seemed to have a fight back there a little while ago, Kris, Bastien.” Napatingin sa amin si Dad. Umiling ako. “It was nothing, Dad. Just… just a misunderstanding.” Parang nag-iinit ang mukha ko dahil sa naalala. No one has ever touched me down there but me. Shet! Inabot ko na lang ang cake at nagbesi-besihan sa pagkain. Hindi ko na tiningnan si Bastien na umiinom ng juice. Peste talaga ang taong ‘to. Muntik na kaming mahuli ni Dad kanina. Or rather, muntik nang mahuli si Bastien sa ginawa niya sa ‘kin. “Don’t you have wine around here, Kris?” Napatingin ako kay Bastien dahil sa tanong niya. “Oh, he has. It’s Chateau Lafite 1787, which is the world’s most expensive wine. A close cousin of his gifted it to him. Kaunti lang ang nabawas dahil hindi naman siya palaging umiinom ng wine. He’s a man but he has low tolerance in alcohol.” Si Daddy ang nagsalita. Ipinagkakalat pang meron akong worth $160,000 wine sa office ko, pati na rin ang low tolerance ko. It’s just great! “Dad? Do you have to tell him that?” “You’re friends! Bakit hindi puwede? Para naman alam nitong si Bastien na may weakness ka. Ah, siyanga pala, Bastien. Are you married now?” Lumipad ang tingin ko kay Bastien na nakatingin pala sa akin. Ngumisi siya bago sumagot. Tumayo na lang ako para kunin ang mamahaling wine na iniregalo sa akin noon ni Paxton, ang pinsan kong may-ari na ngayon ng winery sa Paris. Gusto kong may gagawin para kunwari hindi interesado sa sagot ni Bastien. “No, Sir,” pormal na sagot niya kay Dad. Shet! Why aren’t you married, Bastien? “Oh, drop the ‘Sir.’ It’s not like our families don’t know each other,” himok ni Dad. “Okay… Tito.” Oh, my heart! Bakit ang sexy niya nang tawaging “Tito” si Dad? I felt like I was going to swoon because of it. Para kasi akong… kinikilig? Wow! Bading talaga ako! Aminadong-aminado na talaga ako. Peste! Nagsalin ako ng red wine sa isang kopita. Nakalagay lang iyon sa isang display cabinet na nasa tapat ng pintuan. Ibinigay ko na ang kopita kay Bastien. Leche! Sinadya niya pang himasin ang mga daliri sa kamay ko nang tanggapin iyon. Napatagis na lang ako ng bagang para huwag mapaigtad at magbawi ng kamay na parang napaso. Pasimple na akong bumalik sa kinauupuan ko. Inubos ko na lang ang cake. Kailangan kong maging abala. Or else, I’ll burst. Nandito pa naman si Dad. I see Bastien swirl the liquid in the wine glass, but he is looking at me with those hooded eyes. Iniwas ko na lang ang paningin ko. “So, tell me about your business with Kris. For sure meron dahil nakita kita rito sa office niya. He doesn’t normally receive random visitors when it’s office hours. Lahat may appointment. You must be his special friend. I know this because I trained him to have the businessman mindset ever since he started high school. Alam mo namang wala akong ibang tagapagmana kundi siya lang, ‘di ba?” Bahagyang tumango si Bastien. “I was going to… ask help from him, Tito. Sa totoo lang kasi, ang mina-manage kong publishing house is going down.” Nagtataka si Dad sa narinig. Pati na rin ako, siyempre. “How so? Are your clients pulling out?” tanong ni Dad. “It’s a business process outsourcing company, so medyo may ilan na akong kakompitensiya rito sa province natin. It looks like they are offering more mismo sa mga clients ko. So, I don’t know what to do, Tito. I heard Kris is doing great, so I thought why not approach him and ask for his assistance? He’s a brilliant person. I knew it since our high school days. I wonder though why he’s not married yet, Tito. How about a girlfriend, by the way?” Nasamid ako sa iniinom kong tea. Agad na iniabot ni Bastien ang box ng tissue na nasa tabi lang. I took a couple of sheets at nagpunas sa aking bibig. Napatingin si Dad sa akin. “That’s why I’m here. I was going to tell him to meet the daughter of the Riveras. Remember Talia, Kris?” Umubo pa akong lalo, pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko. I can still see Bastien smirking. “Talia Rivera, Dad? No way!” Halos may kasamang violent reaction sa tono ko nang magsalita. Nagsalubong pa ang mga kilay kong hindi masyadong kakapalan. “’Yon ba ‘yong chubby na mestiza, Tito?” marahang tanong ni Bastien. Napatingin ako sa kanya. Kilala niya si Talia? “Mind you, she’s not chubby anymore. Kaya nga naman ay isinet-up ko na itong si Kris kay Talia. May malaking gusto kasi ‘yon sa anak ko mula pa noon. Ewan ko ba itong si Kris. Hinahabol naman ng mga babae pero wala pa rin akong narinig na nililigawan. He’s saying he’s always busy at work. But I know that he’s managing it well, so walang problema sana para sa ‘min ng mommy niya. He could just date anyone.” Wait, what? Anyone? Seriously? Ano kaya kung sasabihin ko sa ‘yo, Dad na ang kaharap mo ang sa totoo lang ang gusto kong i-date? Matagal na. Napa-eye roll ako sa isip ko. Sa halip ay inubos ko na lang ang tea. Napansin ko namang tila umasim ang hitsura ni Bastien. What was his problem?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD