Chapter 5: Come On, Tell!

1200 Words
                                                                                             KRIS Bastien’s lips are hovering above mine. Our warm breaths mingled. Bwisit! Lalo lang akong nagiging aroused sa close proximity naming dalawa. And I really think that our breaths are shallow, fast and heavy. I can practically hear my heartbeats go crazy, like a maniac. Para na akong mabibingi sa lakas. Huwag naman akong aatakihin ng presyon, Lord. Well, not that I have HB pero baka kasi dahil sa Bastien na ‘to! “You’re so insane, Bastien. Why would a guy like me likes you?” Pinilit ko pa ring huwag umamin sa gusto niyang mangyari. I see his eyes shift from smoldering hot to hysterical amusement. Tumawa siya. Nainis ako at sinampal ko siya. Shet! That was so gay! Sinapo niya lang ang pisnging sinaktan ko. Panandalian siyang napatigil sa pagtawa pero nagpatuloy na naman at marahang napaatras. Baliw ba siya? Jusko. Ayokong magkagusto sa isang baliw. Please lang, Lord Almighty. I can’t handle crazy men. Or him. “Okay. Let’s do it your way. But, for now. May ilalahad lang ako sa ‘yo when I think it’s the right time. Right now, you have to change before I can’t control myself.” Pinasadahan niya ako ng tingin bago tumalikod at iniwan ako sa silid ko para makapagbihis. In peace. Pero… ano raw? Before he can’t control himself? Seriously? What’s up with this guy? Hindi ba tinutuya niya lang ako? I think he was one of those guys that loved to goad gays. Katulad ko. Pero hindi. Hindi niya alam na bakla ako. Ayokong isipin na alam niya ‘yon. Tama. Tama. I should not read between the lines. Dapat hindi ako mag-a-assume na may gusto siya sa akin dahil… hell-ow? Siya lang naman ang may Bad Boy title sa high school namin. How could a Bad Boy like someone like me? Isang baklang nasa loob ng closet. It is unthinkable and it is impossible! Lumabas na ako sa silid ilang minuto ang lumipas. Nakabihis na ako ng casual just like him, but black jeans and white T-shirt. “Where are we going?” Pilit kong pinalamig ang boses ko. Ayokong isipin niyang big deal sa akin ang nangyari kanina. Yeah, I have to act cool. I shouldn’t lose it or I’ll lose. “The bar. Then, let’s talk about business.” “You’re unbelievable. One moment you keep on teasing me and then now, that?” Naiiling ako at kinuha na ang susi ng kotse ko. He took it and put it back, deliberately caressing my hand. Grabe talaga ang taong ‘to! Parang nanginginig ang bawat himaymay ng pagkabakla ko. “Let’s just use my car, Kris.” Siya ang nag-drive at nagpunta kami sa Sibulan. Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil tumgil kami sa harap ng sa isang… Napalunok ako ng laway. “A gay bar?” Namilog talaga ang mga mata ko at saka napasigaw sa kanya. “No worries. Just play it cool,” he advised. “The hell I’m going to play it cool, Bastien! I’m not going in!” Nagmamatigas ako kahit na lumabas na siya ng kotse at ipinagbukas ako ng pinto. Kumapit ako sa seatbelt kong hindi ko inalis. Childish and ineffective it may be, but the hell with it! Ayokong bumitiw sa seatbelt! “Alam mo bang may sumusunod sa akin na tauhan ni Dad? What if magre-report siyang nagpunta ako rito, Bastien? You’re really out of your mind!” Binigyan ko siya ng isang napakatalim na tingin. Halos umuusok na ang ilong at tainga ko sa sobrang inis ko sa kanya. Hinila niya ako pero kumapit pa rin ako sa seatbelt na parang nakasalalay ang buhay ko roon. Oh, seatbelt! Please save my ass! Virgin pa naman ako. What if may mangyayari sa akin sa loob ng gay bar na ‘yon? Never pa nga akong pumapasok ng ganoon, eh. Wala akong lakas ng loob at baka kasi malaman pa nina Dad ang itinatago kong pagkabakla. “Take that off! Or else, hahalikan na talaga kita!” banta ni Bad Boy Bastien. He was really, really bad! “You’re f*****g insane!” sabi kong nagtiim-bagang. “No, hindi pa. Tingnan mo na lang kung insane na talaga ako, Kris. I’m warning you. Hindi mo ba nakikitang umeeksena na tayo rito, ha?” Now he said it. Napatingin ako sa paligid namin. Jusko! May ilang tao ngang napatingin sa amin. Curious sila sa anong nangyayari sa pagitan namin. Shet! Pahamak talaga si Bastien! Paano kung mai-report nga ako ng ispiya ni Dad sa ginawa kong ito? Bwisit na Bastien! He’ll be my undoing! Promise! “Kung nahihiya kang umeeksena tayo rito, then so be it. Hindi pa rin ako papasok diyan sa gay bar na ‘yan! Tapos ang usapan! Or else, kill me now, Bastien!” Nag-aapoy ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nagngangalit din ang bagang niya. Napasuklay siya sa buhok dahil sa prustrasyon. So what? I didn’t care! Pabalibag niyang isinara ang pinto. Pumasok siya ng kotse at mabilis na nag-drive palayo roon. Napangiti ako sa sarili ko nang matagumpay. Huh! I won. We ended up going to a more public place, sa Tiki Bar. I thought it was better. Open ang setting. May limited na enclosed space and dance floor pero mas type ko ito kaysa kanina na pinagdalhan niya sa akin. Para talagang ipinagsisigawan niya kasing bakla ako. What the hell was that about, anyway? I didn’t want anyone to know. The hell with him! We drank some cocktails. Napansin kong hindi siya masyadong umiinom at ako lang ang tungga nang tungga at hindi na mabilang ang kopitang naubos ko. Parang bottomless tea lang. “Aren’t you going to drink more?” untag ko sa kanya na parang may malalim na iniisip. “I’m driving, remember?” sagot naman niya. He almost snapped at me. “Point taken. So, what are we going to talk about? Business sabi mo, ‘di ba?” paalala ko sa kanya. Hanggang ngayon naman kasi ay tahimik lang siya. Hindi ko talaga siya ma-spelling. Ang hirap! Spell BASTIEN. Gosh! I’m. So. Gay. For. You! Humarot talaga ang isip ko habang nakatitig sa kanya. Ang guwapo-guwapo ng hayop! “The other day, na-mention ko na sa inyo ni Tito ang tungkol doon. So, I need your help.” Narinig kong sabi niya. “How am I suppose to do that?” “Secure some clients for me. I know you have some connections, Kris. If not, you can just do anything you think is best.” Tumawa akong parang baliw. “If you wanted help, why all that fuss?” “Can’t tell you now. Sasabihin ko sa ‘yo sa tamang oras. Now, you really have to help me with the business I’m handling. I feel like I’m powerless.” Medyo napailing pa siya. I could see he was quite derailed. I don’t know. Feeling ko lang na gano’n. “I was thinking of helping you. But right now, I’m having second thoughts, Bastien.” Binigyan ko naman siya ng malamig na tingin. “Why is that?” Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa ‘kin. “Dahil sa ‘yo, gago ka! Kung hihingi ka naman pala ng tulong, dapat naging mabait ka sa ‘kin, not harassing me like you did!” pakli ko naman sa kanya. “Is that what you think I’m doing? Harassing you?” Lalong kumunot ang kanyang noo pero hindi iyon nakabawas sa kagandahang lalaki niya. “What else? How do I interpret it then, Bastien?” I challenged him.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD