Prologue: The Portal
BASTIEN
August 5, 2020, my private residence in Dumaguete City.
I sniffled as I drank the whole bottle of gin, with tears silently rolling down my face. My life was one miserable hell! Hindi ko matanggap hanggang ngayon na wala na si Kris. Mas pinili niya pa kasing magpakasal sa babaeng iyon kaysa ipaglaban ang pagmamahalan namin. He was one shitty coward!
Nang makita kong binaril siya sa ulo ng isang hindi kilalang gunner kahit sa loob pa lang ng simbahan, tila biglang lumisan ang lahat ng pandama ko. Bumulagta na lang si Kris nang walang buhay pagkatapos na pagkatapos ng seremonya ng kasal. Nagsigawan, nagtakbuhan at nagkagulo ang mga tao na kapamilya nila ng babaeng pinakasalan niya, pati na rin ang mga bisita. Nanlaki naman ang mga mata ng pari na natalsikan ng dugo sa mukha at sotana at hindi ito nakakilos dahil sa pagka-shock, katulad ng sakristan nito. Ang bagong asawa naman ni Kris ay napasigaw habang nakaluhod sa tabi niya, umiiyak nang napakalakas.
“Kris! Kris!” Kapwa pa kami napasigaw at mula sa kinauupuan ko ay napatayo ako at napatakbo sa tabi niya.
Palinga-linga ako para makita kung sino iyong bumaril sa kanya pero dahil sa nagkagulo nang mga tao ay hindi ko makita kung sino.
“Bakit? Bakit ka binaril?” hagulgol na anang asawa ni Kris.
Hindi ko siya tiningnan sa mukha na nakakubli sa manipis niyang belo. Ayaw ko ring makita ang pagmumukha niya dahil ayokong iukit ito sa utak ko. I’d rather think of her as a faceless woman that Kris decided to marry. First time kong ma-meet ang babaeng ito at sa araw lang na ito dahil late ako sa pagdating. Nagdalawang-isip kasi akong um-attend. Bakit naman hindi? Masakit kayang makitang ikinasal ang taong mahal mo. Para akong inilibing nang buhay. Pero nagpakatatag ako. Gusto kong ipakita kay Kris na pagsisisihan niya rin ito balang araw. Dapat makita niya ang parang nakikiburol na hitsura ko sa araw mismo ng kasal niya.
Tinaon pa nilang June 30 ang kasal. Huli na nang malaman ko dahil galing ako sa isang business trip sa Singapore. Hindi ko man lang alam na ikakasal na siya kung hindi pa ako umuwi isang araw bago ang kasal niya.
I confronted him before his wedding day. Buong akala ko pa naman bago ako umalis ay hindi niya itutuloy ang pagpapakasal sa babaeng ito na nasa tabi ko ngayon at umiiyak. Isa nang biyuda.
Dapat ba akong magsaya dahil hindi mapasakanya si Kris ko? Dahil wala sa aming dalawa ang makaangkin sa kanya sa huli?
Lumapit na rin sa amin ang nakabawing mga kapamilya nilang dalawa at halos himatayin ang ina ni Kris habang lukot ang mukhang umiiyak naman ang ama niya. He was their only son, their only heir. Masakit mawalan ng anak lalo na’t nag-iisa lang ito. Alam kong naglaho na lahat ng pag-asa at pangarap nilang mag-asawa para kay Kris at sa mga negosyong hinawakan nito. At malamang wala na silang ibang tagapagmana ngayong patay na si Kris.
Everything went in a blur. May dumating na ambulansya pero DOA siya. Wala na akong matandaan pa na ginawa ko kundi ang umuwi na lang at nagmukmok. I was there when he was buried. Nasa likod lang ako nakamasid. Ayokong lumapit sa biyuda niyang nakasuot at nakabelo ng itim. But I did talk to his parents and tried to console them even though I believed I myself needed more consolation for his death. And yet, they had no idea who I reall was in their son’s life.
I was Kris’ lover.
And I loved him so, so much that I felt like dying. Or maybe I should die right now.
Marahan akong tumayo mula sa kinauupuan kong lounging chair sa may pool na nasa may gilid ng bahay na mag-isa kong kinatitirhan kasama ang isang mabait na katulong. Lumiliyo na ang pakiramdam ko pero naglakad pa rin ako patungo sa pool. Gamit ang hagdan, nakahawak ako sa stainless metal na banister nito. Ramdam ko ang medyo maaligamgam na tubig nang mabasa na ako mula paa hanggang balikat. Naaamoy ko na rin ang chlorine na panlinis sa tubig at naglakad na ako hanggang sa pinakamalalim na bahagi ng pool. Umupo ako sa porcelain tile at wala na akong naririnig. But I could still hear my soul crying.
I guess leaving the world without Kris is a better choice for me now.
Hindi ako humihinga nang ilang segundo na rin. Nanlaki na rin ang mga mata ko nang may biglang sumulpot na tila asul na enerhiya sa kanang bahagi ko.
‘Patay na ba ako? Ito na ba iyong portal para sa mga kaluluwa? Makikita ko na ba ulit si Kris?’
Hindi na ako nagdalawang-isip at lumangoy na ako palapit dito. Nagtaka na lang ako nang bigla kong makitang napakaliwanag sa ibabaw ng tubig sa halip na gabi. Nang umalis ako ng pool ay parang nawala nang bigla ang pagkalango ko sa alkohol.
“Sir Bastien! Dalian n’yo na! Magbibihis pa kayo para sa kasal, ‘di ba? Nakahanda na ‘yong black tux n'yo!”
Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Manang Sonya sa akin. “What? Kaninong kasal?” litong tanong ko sa may edad na katulong na nakasuot ng pang-maid, short-sleeved na may puting collar na damit hanggang tuhod. Stripe na pink and white na maliliit at gawa sa cotton.
“Kasal ni Sir Kris! ‘Di ba a-attend ka, sabi mo?” aniyang napaismid at inayos ang low ponytail na may mangilan-ngilang uban na. “Ay, siyanga pala. ‘Yong gift mong pinabalot sa ‘kin—”
Hindi na niya natapos ang pagsasalita dahil itinabig ko na siya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay diretso sa kuwarto ko habang sinipa ng maraming kabayo ang dibdib ko. I didn’t care if this was kind of hell I was going to go over and over again to witness his wedding but at least I could see him again.
“Sabi ko nga magmadali ka, Sir, eh!” pahabol na ani Manang.
Agad akong nagbihis dahil sa basa kong jeans at shirt. Pagkatapos ay tumakbo na akong palabas at namangha siyang hindi ako nakasuot ng tux. Lumulan na agad ako sa aking kotse at wala siyang nagawa kundi ang tumakbo sa gate at binuksan ito para sa ‘kin. Pinaharurot ko na ang kotse palabas ng compound na kinatitirhan ko at nagtungo sa condo ni Kris. Papasakay na siya sa kanyang kotse, siguro papunta siya ng hotel kung saan siya magpapaayos.
Parang hindi pa ako makapaniwalang nakikita ko siya ulit. Nang buhay! Agad ko siyang nilapitan, kinabig at niyakap na ikinagulat niya.
“B!” he breathed.
“Kris, don’t go! Please!” My voice broke.