AKHIRO: PANAY ang pahid ko ng luha ko habang hinihintay si Moi na dahan-dahang naglalakad ng red carpet. Suot ang wedding gown nito at natatakpan ng puting belo ang mukha. White, purple and yellow ang tema ng kulay dito sa decorations ng bakuran. Kung saan nakatayo ang bulwagan na halos napuno na ng mga balloons, curtains at bulaklak na siyang dinecorate sa buong lugar. Bakas ang kamanghaan ng lahat ng bisita sa kagarbo ng venue ng kasal namin ni Moi sa isang iglap lang. Napatitig ako dito nang makalapit na akay nina Nanay at Tatay. Saka ko lang napansing umiiyak din pala ito katulad ko. "Akhiro anak, mula ngayon ay ikaw na ang may karapatang pangalagaan ang anak ko. Sana ay hindi mo sirain ang ating usapan, hijo," ani Tatay bago inabot sa akin ang kamay ni Moi na muling ikinatulo ng l