MOIRA: SOBRANG sakit ng panga at tyan naming lahat na tawang-tawa kay Akhiro. Buong akala kaai nito ay ako ang sinasayawan niya habang inaakit akong isa-isang tinatanggal ang pang-itaas na kasuotan! Para na nga akong maiihi sa panay pag-irit at tili namin dahil naka-blindfold ito at inaasahang ako ang sinasayawan!! "Sweetie naman," parang batang pagmamaktol nito. Napapalabi ito na malingunan akong agad tumayo at yumakap sa aking parang bata! Nagsinghapan at tilian tuloy ang lahat sa amin na napapalakpak sa paglalambing nito. "How it feel, sweetie?" tudyo ko habang magkayakap kami. Nagkakandahaba ang nguso nito habang papunta sa table naming newly wed! Shemay ang sarap sa ears marinig na newly wed na kami. Mister ko na siya. Magaling mamikot ang tukmol! "Nakakahiya," ismid nito na