Chapter 34 Her Sponsor

3014 Words

AKHIRO: KABADO akong nakaupo habang magkatabi kami ni Moi kaharap si Nanay, Tatay, at Tito George para sa napag-usapan namin ni Moi. "Ahm! So anong plano niyo niya'n?" pormal na tanong ni Tatay na ikinatuwid ko ng upo. Hinawakan naman ni Moi ang kamay ko na pinag-intertwined ang mga daliri namin. Pinipisil-pisil nito ang palad kong ikinapanatag ng abnormal na pagkabog ng dibdib ko sa sobrang bilis at lakas nito. "Tay, Nay, Tito. Pormal ko na po sanang. . . hihingin ang kamay ni Moi sa inyo. Gusto po sana naming magpakasal dito bago ko sila i-uwi ng bahay," paninimula ko na napapalunok. Ramdam ko ang panlalamig ko at pamamawis na 'di halatang kabado. Nagkatinginan naman silang tatlo na kalauna'y napangiti na nangingilid ang luha sa mga kumikinang nilang mata. Habang nakatitig sa amin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD