Accident
AKHIRO:
"Ayo'ko na, dude. . . nahihilo na ako," awat ko kay Jeffrey na bestfriend ko sa muling pag-abot nito sa akin ng beer in can habang nagmamaneho.
KASALUKUYAN kaming nasa kalagitnaan ng kalsadang sinuong namin para mag-drive-test ng bagong bili ni daddy sa aking sportscar. Hindi na nga namin alam kung saang probinsya kami napadpad.
"Ang hina mo naman, dude. Nakakailang can ka pa nga lang," iiling-iling saad nito.
Napasapo ako ng noo. Pinagpapawisan na ako kahit nakabukas ang aircon. Madilim na at nasa liblib kaming lugar paluwas na ng syudad.
"Bilisan mo na nga lang. Malalagot na ako kina Mommy nito. Inabot na tayo ng isang araw sa pagro-road-trip natin," reklamo ko at ini-slide na pahiga ang upuan ko.
Inaantok na rin ako dala ng nainom kong beer at pagod sa maghapong byahe namin.
"Okay heto na!" anito na mas binilisan nga ang pagmamaneho.
Napadantay ako ng braso sa noo at ipinikit na ang mga mata kong namimigat na.
BLLAAAAGGGGG!!
Napabalikwas ako ng tila may nabunggo kami at sa lakas ng impak ay nagpaikot-ikot kami sa gitna nitong highway! Nanigas ako at parang nagising bigla ang lasing at inaantok kong diwa!
"Dude, okay ka lang ba?!" nag-aalalang tanong nito na agad sinipat ang kabuoan ko.
"Okay lang ako," wala sa sariling saad ko na natutulala.
"f**k!! Katawan ba 'yun?!" gimbal na bulalas nitong nakasilip sa side view mirror dito sa gawi ko.
Napalingon ako at lalong nagimbal ng makitang may dalawang katawan ng babae ang nakahandusay sa 'di kalayuan.
"Akhie! Where are you going!?"
Sigaw nito na napasunod sa aking mabilis na bumaba ng kotse at tinakbo ang dalawang babaeng. . . nabangga namin!
"N-No...t-this can't be." tulalang bulalas kong nasapo ang ulo.
Nanginginig akong napasabunot sa ulo at nanghihinang napaluhod sa dalawang katawang naliligo ng dugo.
"Akhie, let's go!! Hurry up!" natatarantang pagtawag nito na pilit akong inaakay patayo!
"Are you out of your mind, Jeff!? May nabangga tayo, they need help!" bulyaw ko na kwinelyohan ito
"Baliw ka ba!? Patay na sila. . . tayo? Buhay tayo, dude?! Naiisip mo ba ang mga mangyayari kapag na-involve tayo dito?! Makukulong tayo! Tayo!" singhal nito.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig at napalingon sa dalawang babaeng nakahandusay at mukhang hindi na nga sila humihinga! Napalinga-linga ito sa paligid at nasa gawi pa rin kami na 'di mataong lugar!
"Let's go, c'mon, dude!!"
Wala na akong nagawa ng halos buhatin na ako nito pabalik ng kotse at agad pinasilab ito palayo sa lugar!
"Jeff, balikan natin. . . baka buhay pa sila. Hindi naman natin tinignan kung humihinga pa sila," tumulo ang luha ko at nanginginig pa rin ang buong katawan.
Panay ang hampas nito sa manibela na napapamura!
"Kalimutan mo na ang nangyaring 'to, Akhie. Masisira ang kinabukasan natin kung iintindihin mo pa rin sila. Isa pa. . . wala namang ibidensya o witness na makakapagturo sa atin. Isipin mo na lang ang kapakanan ng angkang pinanggalingan natin, dude. Malaking scandal ito sa pamilya namin at sa pamilya mo. C'mon, for our own sake. . . kalimutan na natin ang nangyari dito, okay?" mas kalmadong saad nito na bakas din ang takot.
Napahilamos ako ng palad sa mukha at wala ng ibang nagawa kundi pumayag.
TULALA AKONG pumasok ng mansion pagkahatid sa akin ni Jeffrey. Mag-uumaga na rin dala ng layo ng aming nilakbay. Tumuloy na ako ng silid at naligo. Mariin akong napapikit at tumingala sa shower head na ninanamnam ang malamig na tubig na bumabagsak sa mukha ko.
Tumulo ang luha ko at 'di maalis-alis sa isip ang itsura ng dalawang babaeng nabunggo namin.
"C'mon, Akhiro. Patay na sila. Ikaw. . . buhay ka. Tama si Jeffrey, malaking iskandalo kapag inalala mo pa sila," pagkausap ko sa repleksyon kong kaharap.
Napahinga ako ng malalim at pilit iwinaksi ang nasa isip.
Nakatapis lang ako ng towel na lumabas ng silid at pinupunasan ang basa kong buhok. Pabagsak akong nahiga ng kama at itinapon na lang kung saan ang mga towel na nagamit ko. Inaantok na rin ako at ramdam ang pagod sa maghapon at magdamag naming pagro-road-trip ni Jeffrey.
"Akhiro!! Open this god-damned door!!"
Napabalikwas ako sa malalakas na kalampag sa pinto. Binalot ko ng comforter ang katawan ko at inaantok na pinagbuksan ang tumatalak kong ina.
"What, Mom?" paos ang boses na tanong ko.
Nagising ang jnaantok kong diwa sa lakas ng pagsampal nitong nagpatagilid sa mukha ko! Namanhid ang pisngi kong parang nahampas ng bakal!
"M-Mom. . ." nanginginig ang boses na pagtawag ko at unti-unting napalingon dito.
Nag-aapoy ang mga mata nito ng galit na parang dragong bubuga na ng apoy!
"A-Anong nangyari, huh?! Saan kayo nanggaling?! Nang-hit-and-run kayo ng dalawang inosenteng buhay?!" sunod-sunod na bulyaw nito.
Nanigas ako sa narinig dito. Nanginginig na rin ito sa sobrang galit na pulang-pula ang mukha.
"M-Mommy. . . it's not me the one who's driving," tumulo ang luha ko.
Napahagulhol itong napailing-iling na nanghihinang napaatras at salampak sa sahig. Siya namang dating ni Daddy na katulad ni Mommy ay nag-aapoy ang mga mata sa matinding galit na sa akin nakatutok ang paningin.
"Akhiro!!" napaatras ako sa pagbulyaw pa lang nito sa pangalan ko.
Napailing-iling akong naluha sa takot sa nakikitang galit sa mga mata ni Daddy Khiro. Nagpapantig na rin ang panga at kuyom ang dalawang kamao.
Dinaluhan nito si Mommy na nanghihinang makatayo pero sa akin pa rin nakatutok ang nanggagalaiti nitong mga mata.
"D-Daddy. . . hindi po ako, maniwala kayo sa akin. I tried to help them but. . .Jeffrey stopped me," napahagulhol akong napasalampak ng sahig.
Nanginginig na rin ako sa matinding takot at guilt.
"I know, anak. . . I know." Pag-aalo nito.
Napaangat ako ng mukha at kitang wala ng bahid ng galit sa mga ito bagkus ay awang-awa ang mga matang luhaang nakatunghay sa akin.
"Mommy. . . Daddy. . ." humihikbing pagtawag ko sa mga ito.
Lumuhod ang mga itong mahigpit akong niyakap na hinayaang humagulhol sa kanilang bisig habang hinahaplos ako sa ulo. Kahit paano'y naibsan ang takot at konsensya ko na nakakulong ngayon sa bisig ng mga magulang kong inaalo akong parang batang umiiyak sa kanila.
"Hwag mo ng alalahanin ang mga nabiktima niyo, son. Nagpadala na kami ng tao natin para alamin ang sitwasyon nila," ani Daddy sa kalmadong tono.
"Pinalinis ko na ang kotse mong may mga bahid ng dugo. Pinalitan ko na rin ang dashcam mo, so you have nothing to worry about," tumango-tango akong napalabi.
Pinahid naman ni Mommy ang luhaang mga mata ko.
"Daddy, tutulungan ko po sila. Tutulungan ko naman dapat sila. . . pero hindi po pumayag si Jeffrey. Natakot na rin po ako kaya napasunod ako dito," pagtatapat kong ikinatango-tango nilang hinaplos ako sa pisngi at matiim na tinititigan.
"We know, anak. . .dahil anak ka namin. Kilala ka namin, hayaan mo, gagawin natin ang lahat na maaaring makatulong sa kanila," ani Mommy.
"Thank you, Mom, Dad."
Muli nila akong niyakap na hinahagod-hagod sa likod.
"Hwag ka ng matakot, anak. Wala kang kasalanan. Hindi ikaw ang salarin kaya hwaag mong sisihin ang sarili mo, hmm?"
"Yes, Mom. . . thank you po."