MOIRA: NANIGAS akong napabitaw kay Akhiro ng biglang bumukas ang pinto! "Moi, nasa labas ang kotse ng manugang ko--" Natigilan si Nanay at katulad ko'y para itong nabuhusan ng tubig na makita kaming naghahalikan! Gusto ko na lamang kastiguhan ang sarili na hindi ko na-i-lock ang pinto! "Mahabaging Maria, napupuno ka ng grasya-- ay anak ka ng tinapa! Bakit mo naman tinutuka ang manugang ko-- Ay hindi! Anong ginagawa mo dito, manugang ko, kay aga-aga pa-- teka nga. . . . Dito ka ba natulog?!" Parang ako pa ang mahihiya sa pagkanda mali-mali ni Nanay na hindi magkandamayaw kung ano bang ikokomento sa naabutan! Nakurot ko si Akhiro ng magawa pang mapabungisngis na napapakamot sa ulo sabay akbay sa akin na matamis nang nakangiti kay nanay na natutulala! "Haist! Ano ba 'yan, Nay! Napa