AKHIRO: NANIGAS ako ng mahagip ng paningin ko ang isang old picture frame sa silid ni Moi. Lalo na ng malaman ang nangyari sa kanila ng ate niya 15 years ago. Hawig na hawig sa aksidenteng tinatakasan ko. . . labin limang taon na ang nakalipas. Pero ngayon ay parang binabalikan na ako ng bangungot na 'yon. At kung nagkataon na sila Moi at Ate Marissa niya nga ang mga iyon? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam kong masasaktan ko sila, at baka. . .ilayo nila si Moi at Mikmik sa akin. Iisipin ko palang ang bagay na 'yon? Parang pinipiga na ang puso ko. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawalay sa akin ang mag-iina ko. Napahinga ako ng malalim at pilit iwinaksi ang possibility na naglalaro sa utak ko. Hwag naman sana, sana nagkataon lang ang lahat. Pero kahit anong convince ko sa sarili? Mal