AKHIRO: NANGINGITI ako na matamang lang itong pinapanood na tarantang-tarantang pinulot ang towel sa paanan na ibinalot sa sarili. Pulang-pula ang mukha nito at kita sa mga mata nitong hiyang-hiya sa pagkakahulog ng nakatapis na towel sa katawan. Mukhang may pinaghahandaan kaya 'di ko mapigilan ang sariling tuksuin ito. Hindi naman pwedeng siya na lang lagi ang nang-aakaskador sa akin. "Mga mata mo naman, enjoy na enjoy lang?" mahinang asik pa nito na nagmart'yang nagtungo ng cabinet nito. Nangingiti lang naman akong matamang itong pinanonood. "Bakit mo ba kasi tinatakpan, sweetie? Nakabisa ko na lahat 'yan." Natigilan itong dahan-dahang napalingon na ikinabungisngis ko. Ang sarap niyang asarin sa gan'tong bagay. Dito ko lang siya natatalo sa pagiging alaskador nito sa akin. Makaba