"Baka hanapin ako nina Menggay at Tokning," bigla kong bulalas nang maalala ang mga kaibigan ko. Akala ko kanina ay papasok kami ng bahay upang kumain pero ang ending ay ako iyong pinapak nilang dalawa in a most nakakawindang ng kaluluwa way. "Dito muna tayo," ungot ni Rusca at mas idiniin ang katawan sa likod ko. Gusto kong mapaantada sa tigas at laki— ng muscles niya! Ramdam ko kasi dahil sobrang dikit niya sa likod ko at mahihiya ang hanging dumaan sa pagitan naming dalawa. Napasinghap din ako nang bahagyang pumisil sa isa kong dibdib ang malaki niyang kamay na nakadampi roon. May padiin at pahimas pang ganap kaya sobrang intense ng mga ganap! Napaisip tuloy ako kung ano itong pinasok kong relasyon? Wala naman akong nakakapang pagsisisi sa loob ko dahil hindi ko na maitatanggi pa