Parehong hindi namin alam kung saan napunta iyong panty ko kaya ang ending ay kasama ko silang bumama nang wala akong panty. Gusto tuloy tumakbo paakyat ulit nang mapagtanto ko na halos buong angkan nila ang naghihintay sa pagbaba namin. Hindi naman ako nagkakape pero sa pagkakataong ito ay gusto kong nerbyusin habang tinitingnan isa't-isa ang mukha ng mga Carson. Pakiramdam ko ay may ideya sila na wala akong suot na panty! Pare-pareho namang maaliwalas ang bukas ng mga mukha ng mga ito pero hindi pa rin maitatanggi ang kaakibat na awtoridad na likas na yata sa kanila. Iyong klase ng awra na kahit wala pa nga silang sinabi ay kusa kang napapasunod. Kinindtaan ako ni Ate Alex nang magkasalubong ang mga mata namin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at baka mapaamin ako bigla na wala a