"Saan pala tayo kakain?" kunot-noo kong baling kay Migoh nang mapansing papunta kami sa parking area ng school. Bibihira lang ako mapadpad dito pero dapat ay mababalitaan ko kung sakaling may kainan na pala sa parteng ito ng paaralan namin. "Sa labas tayo kakain," pasimpleng sagot ni Migoh. Tsaka ko lang napagtanto na iyong kotse niya pala ang sadya namin dito at tama nga ako na wala talagang kainan dito sa parking lot. Updated pa rin pala ako sa mga kaganapan sa paligid kahit na nagbabagong-buhay na ako sa pagiging marites. Simula no'ng dineklara ni Rusca na liligawan ako ay nagbagong-buhay agad ako at sinusubukang maging good samarites bilang pasasalamat na rin sa magandang takbo ng love life ko kahit iyong manliligaw ko ay may pagkasumpungin. Mahal ko, kaya handa kong tiisin... pero