Kung kailan inspired akong makinig sa klase ay tsaka pa bumilis iyong oras. Hindi pa nga ako nagsawang pagmasdan ang bawat pag-flex ng muscles ni Rusca habang nagle-lecture ito ay biglang time na agad. Wala pa nga akong naintindihan sa lessons namin for today's video! Ang tanging malinaw lang ay iyong gwapong nagdi-discuss. At anong klaseng manliligaw itong si Rusca at ni hindi man lang ako tinapunan nang tingin bago umalis? Huwag niyang sabihin na magiging secret courting itong sa'min? Deserve ko ba ang tinatago? Sa ganda kong ito ay dapat pini-flex ako minu-minuto at hindi ganitong matapos niya akong samaan nang tingin ay basta-basta na lang siyang aalis. Pakiramdam ko tuloy ay may nagawa ang mali! Paanong meron eh hindi naman kami nag-exam? "Bad mood yata iyong crush mo." Tinapun