"Hindi ako pang-live selling pero sige lang... i-mine mo lang," nakikiliti kong wika habang pinaliliguan niya ng mumunting halik ang leeg ko. Buti na lang at nakapaghilod ako kanina kaya walang libag sa bandang iyon. Init na init iyong pakiramdam ko at hindi ako mapakali habang nasa kandungan niya. Parang may kakaibang kiliti sa pagitan ng mga hita ko na nangangailangan ng atensiyon mula kay Rusca. "May ideya ka ba kung ano ang mangyayari oras na pasukin mo ang mundo ko?" paos na tanong ni Rusca. Kahit na nasa mainit kaming yugto ay hindi ko maiwasang maalarma dahil mukhang gusto niya yata akong i-discourage. "Basta ang alam ko ay ako iyong papasukin," wala sa sarili kong usal. "At hello... iyong sinasabi mong mundo ay mundo ko na rin iyan dahil ikaw iyong mundo ko." Nagawa ko pa