Pigil hininga kong hinintay na magkukusang umatras si Migoh upang padaanin ako pero parang wala itong balak na tuminag mula sa kinatatayuan. "E-excuse me," pumiyok ang boses kong usal. "Makikiraan ako." Wala sa sarili akong napalunok habang ramdam na ramdam ko iyong init na nagmumula sa katawan ni Migoh na tinapatan iyong nanggagaling kay Rusca na kasalukuyan namang nakayapos mula sa likuran ko. Ramdam ko iyong feeling ng bibingka sa tradisyonal na paraan nang pagluluto nito roon sa probinsya namin kung saan ay pinapagitnaan ito ng apoy. Ang init grabe kaya siguro kumikislot iyong ibabang bahagi ng puson ko. "Dumaan ka," paanas na tugon ni Migoh habang nanghahamon ang matiim na mga titig na hindi humihiwalay sa mukha ko. Saan ako dadaan? Sa ibabaw ng matigas niyang katawan? Tiyak sas