"Okay lang ba ang hitsura ko?" Paingos kong tinapunan ng masamang tingin si Tokning dahil kanina pa siya paulit-ulit sa tanong na iyan. Kakarating lang namin sa resort nina Rusca pero parang gusto kong ipahatid ulit siya pabalik sa bahay nila. Hindi nga ako nag-alala sa hitsura ko gayong ako iyong girlfriend ng isang Carson sa aming dalawa pero siya ay kanina pa hindi mapakali! "Kahit anong gawin mo ay hindi na magbabago iyang hitsura mo, retoke talaga ang kailangan diyan," pahinamad kong sagot sa kanya. "Sana iyong ugli mo ay pwede ring iretoke," pairap niyang buwelta. "Iaayon sana sa ganda iyong pag-irap," pasaring ko sabay irap din sa kanya. "Ay! Ganda ka?" maarte niyang tanong. "Back to you," hindi nagpapatalo kong sagot. Ganito talaga kami mag-usap ni Tokning pero walang sam