"Anong meron?" Nagningning ang mga mata kong napalingon sa bagong dating na si Migoh. "Gusto mo?" mabilis kong alok sa kanya ng chocolate na pinapapak naming magkakaibigan. Kunot-noo siyang napatitig sa iniabot kong may kagat na chocolate. "Tikman mo na kasi..." pamimilit ko sabay subo ng chocolate sa kanya. Pinanood ko siyang nginunguya iyong buong sinubo ko. Nabawasan ko na iyon kaya sakto lang talaga na hindi siya mabubulunan. "Anong lasa?" excited kong tanong. "Matamis," balewala niyang sagot. "Ano pala dapat ang lasa ng chocolate?" nagtataka niyang pahabol na tanong. "Hindi ka ba nahihilo?" Seryoso kong inaabangan ang magiging sagot niya. "Wala kang ibang nararamdamang kakaiba sa katawan mo? Hindi sumasakit ang sikmura mo?" sunud-sunud kong tanong habang pinag-aaralan ang kul