Pagkatapos sabihin sa'kin ni Migoh ang nakatagong lihim ng pamilya nila ay pasan-pasan ko na ang bigat nito. Ako iyong taong nangangati ang buong katawan kapag may sikretong tinatago kaya hindi ako mapakali sa kakabantay sa sarili at baka malingat lang ako ay naibunyag ko na ito kina Menggay at Tokning. Ano kaya ang gagawin sa'kin ng mga Carson 'pag nagkataon? Sa impluwensya nila ay tiyak hindi lang sarili ko ang mapapahamak kundi pati ang buo kong angkan at ang mga susunod pa naming henerasyon! Pero mas gumugulo sa isip ko ay iyong sinabi ni Migoh na habambuhay na hindi lubusang sasaya si Rusca 'pag tatalikod ito sa tradisyon ng kanilang pamilya. Wala namang nabanggit si Migoh na sapilitan ang bagay na iyon kaya siguro wala rin silang magagawa sa pasya ni Rusca. Matapos malaman ang