Sa dami ng mga nangyari ay nairaos din naming magkakaibigan ang ibreng tanghalian with walang kakibo-kibong si Migoh. At dahil nabusog na ay nauna nang nagpaalam sina Tokning at Menggay. Gano'n talaga kapag matatalino laging nagkukumahog na para bang bawat minuto ay may hinahabol na deadline. Ayaw akong gayahin na kapag ngayon ang deadline ay bukas ako gagawa at next day ko pa ipapasa... it's better late than very late... kapag next week kasi ay very na iyon at tiyak may makakatikim na ng warning sa instructor. Habang sabay kaming naglalakad ni Migoh galing cafeteria ay panay ang sulyap ko sa kanya dahil kanina pa talaga siya tahimik. Nakakapanibago ang seryosong awra na bumabalot ngayon sa kanya. Hindi na talaga ako nakatiis pa kaya hinila ko siya sa hindi mataong lugar... sa gilid-