chapter 4

1930 Words
Kunwari ay mahinhing dilag ako habang nakasunod kay future mother in law. Nakakahiya naman ang ganda nitong future mommy ko. Ang bata pa tingnan at parang matanda lang sa'kin ng ilang taon. Ganito siguro talaga basta alagang Carson, hindi nagkakaedad! Pilit kong pinapormal ang sarili habang pasimpleng inilibot ang mga mata sa loob ng malapalasyo nilang bahay. Sa isip ko ay patalon-talon na ako at pa-tumbling-tumbling sa malawak nilang receiving area pero dahil ayokong gulatin itong future mommy ko ay nagkasya na lang ako sa pangiti-ngiti. First impression counts kaya dapat ay behave lang ako... sa ngayon. Bigla ay lumutang sa hangin ang iniisip ko dahil namataan ko pababa ng hagdan ang hubad-baro at pawisang si Migoh. Kailangan ko pang sapuhin ang sariling baba dahil muntikan na itong bumagsak sa sahig. "Migoh, call your brother. May bisita siya," kausap ni future mommy Marah sa future brother in law ko na masarap panggigilan. Ang sarap siguro tumamabay rito sa bahay nila at mag-sight seeing. Naglalakad na kasi ngayon iyong mga magagandang tanawin at heto nga at kaharap ko iyong isa. "Anong ginagawa niyan dito?" naaaliw na tanong ni Migoh sa ina at iminuwestra pa ako. Syempre pa, nakikipag-usap na rin ngayon iyong mga tourist attraction kaya sulit na sulit ang pagiging turista! Kung ganito ba naman ang araw-araw kong makikita sa pamamahay na ito ay parang gusto kong mag-apply taga punas ng pasimano ng grand staircase nila. Ang suswerte ng mga katulong nila rito...sarap sabunutan! Araw-araw ay pasko! "Ikaw ang ano ang ginagawa mo rito?" balik-tanong ko kay Migoh habang pinaglakbay ang mga mata sa ohlala niyang katawan. Perpektong abs, pawisang malapad na dibdib at... mahulmang umbok. Jusko day, ako'y mahihimatay! Sunud-sunod akong napalunok habang napako sa ibabang bahagi ng katawan niya ang pangahas na mga mata. Kulang na lang ay malunok ko pati sariling dila. "Tubig please..." wala sa sarili kong usal. Sadyang nakakauhaw ang kasalukuyang naka-display sa harapan ko. Hindi ko alam kung sino ang nag-abot sa'kin ng baso na may lamang malamig na tubig basta tinanggap ko na lang ito at inisang lagok habang naroon pa rin sa bagay na iyon ang tingin ko. "Bahay namin ito at dito ako nakatira kaya syempre nandito ako." Halos ayaw rumehistro sa abala kong utak ang naging sagot ni Migoh. Kailangan ko pang gisingin ang sarili mula sa pagpapantasyang ginagawa. Halos ayaw makisama ng mga mata ko nang pinilit kong mag-angat ng tingin mula roon sa tinitingnan sa baba upang salubungin ang tingin ni Migoh. "Dapat ay nasa school ka at nag-aaral para sa future mo," kunwari ay nangangaral kong tugon. Kailangan ko magmukhang matino para hindi nila bibigyang malisya ang ginawa kong paninitig sa bahaging namumukol. Wala sa sarili kong inabot pabalik iyong basong sinaid ko ang lamang tubig laman doon sa nagbigay sa'kin. Kasalukuyan ko pang hinahamig ang sarili nang lingunin ko ang mabait na nagbigay niyon. "Thank—" nabitin ang pasasalamat ko nang malingunan kung sino ito. "—you," halos pabulong kong dugtong. Nalingunan ko lang naman si Rusca in his splendid glory na dahilan nang pagtigil ng mundo ko at nag-zoom-in sa mukha niya. Nang tanggapin niya ang basong ibinalik ko ay parang ayaw ko itong bitiwan. Kumunot ang noo niyang napatingin doon pero ako focus lang sa gwapo niyang mukha. Unang beses niyang hinawakan ngayon ang kamay ko kahit baso naman talaga iyong sadya niya kaya sinasamantala ko na. Salamat sa baso! "Rusca, hinahanap ka nitong manliligaw mo," nakabungisngis nasingit ni future mother in law sa moment namin ng anak nito. Agawan ng baso moment! "I don't know her," istriktong pahayag ni Rusca sabay hila ng basong hawak ko na mas hinigpitan ko ang kapit at wala akong balak bitiwan gayong hawak-hawak niya ang kamay ko na sa halip ay iyong baso. Basag-trip man ang sagot niya pero bawing-bawi naman sa kinis ng kutis niya sa malapitan. Sana mamana ng magiging mga anak namin ang kakinisan niyang taglay. "Rusca, umayos ka," may babala sa boses na saway rito ni future Mommy. "Binisita ka no'ng tao kaya pakiharapan mo nang maayos." Lumipat kay future Mommy iyong nagpapsalamat kong tingin at nakatanggap ako ng kindat mula rito bago ibinalik ang istriktong tingin sa anak. "Mommy, single pa si Alex," naghihimutok na reklamo ni Rusca. "Ano naman ngayon?" bigla ay sabat ng isang boses na pababa ng hagdan. "Huwag na huwag mong idahilan ang pagiging single ko para hindi magpaligaw sa isang..." nabitin ang sasabihin sana ng babaeng sumulpot sa likuran ni Migoh nang tuluyan akong matunghayan. Maang itong nagpataas-baba ng tingin sa'kin mula ulo hanggang paa. "Well..." napatango-tango nitong usal. "... hindi naman ako maselan pagdating sa magiging hipag." Bakit pakiramdam ko ay hindi ito sigurado sa pinagsasabi? Napatingin ako nang humagalpak nang tawa ang katabi nitong si Migoh pero masyadong speed ang kamay ng katabing babae kaya umani ito ng batok mula sa huli. "Alex!" saway ni future mother in law sa babae. "Maaalog utak ng kapatid mo." "Reflex iyon, Mommy," katwiran ni Alex. "Self defense gano'n." "Kailan pa naging self-defense ang pamamatok ng taong tumawa lang?" nakasimangot na tanong ni Rusca. Nakalimutan niya yatang hawak niya pa rin iyong kamay kong may hawak doon sa baso. Tsansing na talaga itong bebelabs ko! "At kailan pa nagkaroon ng manliligaw ang masungit na kagaya mo?" nakapamaywang na balik-tanong ni Alex. "Ate ni'yo ako kaya pwede ko kayong batuk-batukan kung gusto ko," nakaingos nitong dugtong. Bigla akong nabalisa dahil baka mamaya niyan ay makatanggap din ako ng batok. "Manliligaw pa lang po ako," defensive kong pahayag nang bumaling ulit sa'kin ang tingin ng ate ni Rusca. "Hindi pa po ako sinasagot ni Rusca kaya hindi ni'yo pa po ako pwedeng batukan," mabilis kong dugtong. Isang ngisi ang binigay nito sa'kin kaya hindi ako mapakali sa pagkakatayo. Akmang bibitiwan ko na iyong baso at hahayaang makuha ni Rusca pero humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Pinanlakihan ko siya ng mga mata para bitiwan ako dahil kanyang-kanya na iyong baso pero tinaasan lang niya ako ng kilay at iyong pasaway kong puso ay muling nahulog...log...log...! In-love na nga mas napalala pa dahil sa simple niyang ginawa! "Ikaw ba may dala niyan?" Muli akong napabaling doon sa namamatok na ate ni Rusca dahil sa tanong nito. Nasa bungkos ng gumamela na bitbit ng mommy nila ang pansin nito pero halatang para sa'kin iyong tanong. "Opo," maagap kong tanong. "Para po kay Rusca." Pasimple kong sinulyapan si Rusca at naabutan ko ang ginawa nitong pag-irap sa hangin. "Ang sweet mo naman," nakabungisngis na komento ng kausap. "Ako pala iyong ate ni Rusca at Migoh. Tawagin mo akong Ate Alex dahil gusto kita para dito sa kapatid ko. Ano nga ang pangalan mo?" "Lucring po," nangingislap ang mga mata kong sagot. Gusto ko sanang makipagkamay pero hawak ni Rusca iyong kanan kong kamay kaya nagkasya na lang ako sa pagngiti. "Lucring..." napabungisngis nitong pag-uulit at nang-aasar na tumingin sa kapatid. "Good luck, Lucring. Galingan mo ang panliligaw rito sa bugnutin kong kapatid." Matapos nag-iwan nang nang-aasar na tawa kay Rusca ay naglalambing itong lumapit sa kanilang ina at parang batang yumakap dito. "Mommy, magkaka-girlfriend na si Rusca... ipagluto ni'yo po ako ng paborito ko." Pumailanlang ang malutong na pagmumura ni Rusca na nabitin nang makatanggap ng tingin mula sa ina. "Ayokong makarinig nang nagmumura sa bahay na ito. Asikasuhin mo iyang bisita mo... umayos ka." Kahit pala ang laki na niya at takot pa rin siya sa mommy niya at ang cute niya tingnan ngayong namumula siya sa pagkaasar lalo na nang parang bata siyang binilatan ni Ate Alex habang hindi nakatingin ang ina nila. Kumaway-kaway pa si Ate Alex bago malambing na hinila ang nangangaral na ina. "Iwanan na natin sila, Mommy, para makadiskarte si Lucring at nang madiligan na ang binata ni'yo." Habang papalayo ang mga ito ay si Ate Alex na naman naging sentro nang pangangaral ng kanilang ina. "Maghapon na ba kayong mag-aagawan ng baso niyan?" bigla ay singit ni Migoh. Mabilis na bumalik ang atensiyon ko sa hawak na baso at sa kamay na may hawak sa kamay kong nakahawak doon. "Pakibitiwan ang baso," masungit na utos sa'kin ni Rusca. "Paano ko bibitiwan eh nakahawak ka sa kamay ko?" nakanguso kong tanong. Nagtagisan kami ng tingin at kapwa walang balak magpatalo. Bigla ay nawala iyong hawak kong baso pero nakahawak pa rin sa kamay ko si Rusca. "Ako na ang magliligtas sa baso mula sa inyo," natatawang pahayag ni Migoh. Hawak na nito ang basong gustong kunin ni Rusca pero hindi pa rin binitiwan ng huli ang kamay ko. "Rusca," tawag pansin ko rito. "Magpakipot ka naman kahit konti at huwag agad manghahawak ng kamay... dinadahilan mo pa ang baso eh," nakangisi kong pahayag. Sing bilis ng kidlat ang pagbitiw nito sa kamay ko na ipinagkibit-balikat ko lang. "How old are you?" matalim niyang tanong sa'kin. "Old enough for you," nakangiti kong sagot. "Kaya dapat ay sagutin mo na ako." Sumabay sa tawa ni Migoh ang pagmumura ni Rusca. "Sumbong kita sa mommy mo," pananakot ko sa kanya. "Bawal nga magmura, 'di ba?" "Paano ka nakapasok dito sa bahay namin?" masungit niyang tanong sa'kin. "Dumaan ako sa pinto," inosente kong sagot. "Pwes, doon ka rin dumaan palabas," sarkastiko niyang tugon. "Basted ba ako?" napakurap-kurap kong tanong. "Hindi pa nga ako nakadiskarte. Ano ba iyan?" bubulong-bulong kong dugtong. "Hindi ko kailangan ng manliligaw," mariin niyang wika. "Bakit? Diretsong girlfriend ba ang gusto mo? Madali naman akong mapakiusapan," mahinahon kong tugon. Mukhang hindi rin iyon ang kailangan niya dahil lalong dumilim ang mukha niya. Dumilim na sa galit at lahat pero grabe iyong kagwapuhan, walang kupas! Kaya ako lalong nahuhulog eh! Hindi ko napaghandaan ang biglang paghakbamg palapit ni Rusca kaya hindi ko na nagawang umatras pa nang halos gahibla na lang ang layo namin sa isa't isa. Kikiligin na sana ako sa lapit namin kaso parang mananakmal sa galit itong kaharap ko kaya bahagya kong inilayo ang mukha sa galit niyang mukha. "Aalis ka o kakaladkarin kita?" mahinahon niyang wika pero nangangako ng karahasan ang kislap ng kanyang mga mata. Bago pa ako makasagot ay may humila na sa'kin palayo kay Rusca. "That's enough, Rus. Huwag mo nang takutin iyong bata," pahayag ni Migoh na siyang nakahawak ngayon sa braso ko. "Hindi na ako bata," kontra ko sa sinabi ni Migoh sa halip na magkomento sa paghila niya sa'kin. Bumaba ang matalim na tingin ni Rusca sa kamay ni Migoh na nasa braso ko bago nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. "Migoh, hindi ako susunod sa yapak ng ibang mga Carson," nagtatagis ang bagang na pahayag ni Rusca. "Pinipilit ka ba?" seryosong tanong ni Migoh. "Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan. Nakaukit na ang kapalaran natin. Kahit anong gawin mong pagtakbo ay hahabulin ka nito hangga't nanalaytay sa ugat mo ang dugong Carson." Mula kay Migoh ay muling tumuon sa'kin ang matalim na tingin ni Rusca na para bang ako iyong sinisisi sa isang kasalanang hindi ko naman alam. Sa halip a sumagot ay padabog niya kaming iniwan ni Migoh. "Galit ba sa'kin iyon? O sa'yo?" baling ko kay Migoh. "Sa sarili niya," makahulugang sagot ni Migoh. "O baka sa'yo kasi bigla kang dumating." "Dapat ba magbigay muna ako ng abiso kapag bibisita?" hindi sigurado kong tanong. Bilang sagot ay ginulo ng kamay niya ang buhok ko. Mabilis ko namang iniwas ang ulo ko dahil sabog na nga ito ay balak pa yata nitong guluhin lalo. Palpak yata ang unang subok kong umakyat ng ligaw... nilayasan ako no'ng liligawan ko! Pero hindi ako susuko noh! Sa pikot pa rin kami hahantong ni Rusca kaya watch and learn siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD