Saulo ko na ang schedule ni Rusca kung kailan siya may pasok sa university.
Kumukuha na lang siya ng masteral course kaya hindi regular ang pasok niya tulad ni Migoh.
Kaya lalong nakaka-in love si Rusca eh kasi super galing sa lahat ng bagay.
Kahit may sarili na itong kompanyang pinapatakbo ay nasasabay niya ang pag-aaral pa ito. Balita ko ay kasosyo niya si Migoh pero siya iyong pinaka-on hands dahil hindi grumaduate iyong isa.
Ako nga, first year college pa lang ay gusto nang lumayas sa paaralan pero si Rusca ay bumalik pa talaga. Nakakahingal kaya mag-ara lalo na isang katulad kong nasa critical stage ng iyong sakit ng brain cells.
Ewan ko ba, achievers naman mga kapatid ko pero ako ay nadadaan sa dasal-dasal ang lahat nang may kinalaman sa tagisan ng talino.
Bunso ako kaya malamang ay malabnaw na iyong pagkakatimpla sa'kin, kumbaga no'ng binuo ako ay tira-tira na lang iyong napuntang mga ingredients.
Mabuti na lang talaga at biniyayaan ako ng kapal ng mukhang pwede nang pansabak sa basagan.
Last year na ni Migoh sa Nursing at ito na rin iyong huling taon ni Rusca sa master's degree niya kaya kailangan ay bago sila mawala sa university ay nagawa ko nang pikutin si Migoh— este si Rusca!
Jusko! Sino ba talaga?
Pwede kayang kahit sino na lang sa kanila basta kung sino na lang iyong malingat at mahulog sa bitag ko?
Kung hindi ako para sa kahit sa isa sa kanila ay —manigas ang sinumang kokontra dahil ipipilit ko talaga!
Dala ang bungkos ng mga gumamela with different colors at ang nag-uumapaw kong kumpyansa sa sarili ay pinindot ko ang doorbell ng matayog na gate ng bahay nina Rusca.
Mabuti na lang at pinapasok ako rito sa subdivision nila. Ilang araw ko rin kayang kinaibigan iyong mga guard na bantay.
Hinahatiran ko ng pang-snacks at kinukwentuhan upang maaliw sila habang nasa boring nilang trabaho basta hahayaan lang nila akong malayang maglakwatsa dito at masilip iyong future ko. Sightseeing kumbaga!
May kilala rin naman akong taga-rito kaya hindi rin halatang may iba akong pakay sa pagpupunta rito.
Kapitbahay kaya ng mga Carson iyong Ninang ko sa binyag. Mayaman iyon at galante tuwing pasko at birthday ko.
Wala itong anak sa asawang foreigner kaya noong baby pa ako ay ako iyong ginawa nilang anak-anakan kahit mukha akong chanak-chanakan.
Ilang kanto lang ang layo ng bahay ni Mama Gemma rito sa bahay ng mga Carson at pagkatapos ko rito ay dadaanan ako mamaya sa kanila.
Makikikain ako dahil laging masarap ulam nila, para naman ikabubusog ko ang pagiging lakwatsera.
"Yes? How may I help you?"
Napatigil ako sa pagpindot ng doorbell nang may magsalita.
Napalingon-lingon pa ako upang alamin sino iyong nagsasalitang babae dahil ako lang naman itong mag-isang nakatayo rito sa arawan sa halip na nandoon ngayon sa paaralan at pinaghahandaan ang kinabukasan ng sanlibutan at sangkatauhan.
Ang galing ko talagang makata! Kaya bagay talaga ako kay Rusca, mamatay na ang kokontra.
Wala akong ibang nakikitang nasa paligid kaya akmang pipindutin ko na ulit sana ang doorbell nang mapansin ko ang camera na nasa pinakatuktok ng gate na nakatutok sa'kin.
Nang bahagya akong kumaliwa ay gumalaw ito pasunod sa'kin.
Wow! High-tech, mukhang nakikita ako ngayon no'ng nagsalita kanina-kanina lang. Nasa doorbell siguro iyong speaker na pinanggalingan ng boses ng babaeng natatanong.
Muli akong lumapit sa doorbell habang nasa camera iyong tingin at pinindot ulit ito.
"Isang pindot mo pa at isasabit na kita riyan sa katapat na poste."
"Ay! Ang harsh!" mulagat kong bulalas.
Testing lang sana iyon kung tama ang nasa isip ko!
Hindi na iyong boses babae kanina ang nagsalita kundi ay isang boses lalaki na mukhang kagigising pa lamang.
Ang guard ba iyon sa bahay ng mga Carson? Bakit parang ang gwapo ng boses?
Gano'n talaga siguro basta kumpleto sa tulog dahil tingnan mo at malapit na magtanghali pero kakagising pa lang!
Napatutok ako sa doorbell at sinuri ito kung pwede bang magsalita roon at maririnig na no'ng nasungit na magsasabit sa'kin sa poste.
Baka akalain ng guard na ito na ignorante ako sa mga ganitong kinakabit sa gate ng mga rich and famous.
"Hello? Hello, mic test, hello!"
Napakamot akong napatutok ulit sa doon dahil paano ko pala malalamang gumagana ito? May indicator ba na pailaw-ilaw o magba-vibrate ba ito na parang gimme-gimie?
Tahimik na rin sa kabilang linya at kung sinuman iyong kanina ay mukhang wala nang balak na magsalita pa.
"Hello po? Mamasko po!!" malakas kong sigaw sa mismong tapat ng doorbell.
"Putang-ina! May namamasko ba sa Hunyo?" angil ng taong nasa kabilang linya.
Napatras pa ako dahil sa rahas nang pagmumura nito. Ang lutong parang chicharong baboy na tigsi-singko na sinasawsaw sa maanghang na suka at binibenta ng magbabalot.
"Ay! Naririnig pala ako," napatakip sa bibig kong bulalas.
Akala ko kasi hindi. Tumahimik kasi sa kabila. Iyon pala nag-iipon ng hangin upang singhalan ako.
"Good morning po," malambing kong bati habang itinapat ulit ang bibig sa yayamaning doorbell.
Bakit ba doorbell tawag dito eh nasa labas naman ng gate nakalagay?
Paano kung nakawin ito at isasama pa iyang camera na nasa taas?
"What do you want?" masungit nitong tanong ulit.
Isama na rin sana ng magnanakaw itong masungit kong kausap. Paingles- ingles pa eh pa kasi... mahina ako magsalita niyon dahil pilipit dila ko!
"Kung sasabihin ko bang isa sa mga amo mo ang want ko ay ibibigay mo?" matapang kong tanong.
Wala akong nakuhang sagot kaya mas inilapit ko ang mukha sa doorbell. Sigurado akong nay camera din ito. Gano'n ang nakikita ko sa internet eh!
Bakit ba kasi ang taas ng bakod at gate nila? Hindi ko tuloy masilip iyong loob.
"Hello? Buhay ka pa po ba?" pabulong kong tanong sa doorbell.
Baka kasi na-stroke na ito 'di kaya ay na-starstruck sa ganda ko sa screen ng nakatutok sa'king mga camera.
Napaatras ako at napasinghap nang biglang automatic na bumukas ang malaking gate.
Awang ang bibig at nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa tanawing bumulaga sa harapan ko.
Bahay pa ba 'tong napuntahan ko o palasyo? Sa totoo lang ay sa palabas na mga princess -princess na anime lang ako nakakakita ng palasyo pero mukhang ngayon ay sa personal na talaga.
Mabilis akong nagpalinga-linga sa paligid at baka may papalabas kaya bumukas ang gate pero wala talagang tao.
Ganito kalaking bahay pero walang tao? Mukhang hindi na ito pang-fairy tale, pang-horror na yata 'to!
"Alam ko automatic itong gate pero hindi iyan bubukas nang walang nag-o-operate! Imposibleng nahuhulaan nitong ako iyong future amo rito kaya bigla ay naisipan nito akong papasukin!
"Papasok ka ba?"
"Hindi, nakakatakot baka may mangangain ng tao riyan sa loob. Bata pa ako," pabulong kong sagot sa nagtanong sa'kin.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Aakyat sana ng ligaw," muli kong sagot habang tumataas ang sariling leeg sa kakasilip sa loob ng bumukas na gate.
Nakarinig ako ng hagikhik mula sa likuran ko kaya agad kong napagtantong may tao nga talaga akong kausap.
Halos tumabingi ang suot kong salamin sa mata dahil sa bilis nang ginawa kong paglingon.
Nalingunan ko ang isang babaeng may kaliitan pero seksing-seksi pa rin sa suot na cycling at sport's bra.
May nakasampay na maliit na towel sa balikat nito at sa ayos nito ay natitiyak kong galing ito sa pagjo-jogging.
Gusto kong mapamura in all different languages nang mapagsino ito.
Hindi pa ako handang makaharap iyong future biyenan ko!
Mrs. Marah Ramirez Carson in all her splendid glory!
"Future mommy, kumusta po kayo?" kabado kong bati rito. "Bulaklak po para sa binata ninyo."
Naaaliw muna nitong pinagmasdan ang iniabot kong bungkos ng mga gumamela bago ito tinanggap.
"Dalawa ang binata ko. Sino sa kanila?"
"Pwede po both— ay este, iyong mas bata— ay mali! Iyong nas matanda po pala," taranta kong sagot.
Muntik na akong magkandamali-mali mabuti na lang at naitama ko rin sa huli.
Isang ngiti ang ibinigay sa'kin ni queen mother of my future hubby bago iminuwestra ang kamay upang anyayahan akong sumama sa kanya papasok.
"Pwede po?" nagdadalawang-isip ko pang paninigurado. Baka kasi mali ang pagkaintindi ko.
Mahina pa naman ako sa logic!
"Nasa loob iyong binata kong gusto mong ligawan," pabulong niyang sagot at kinindatan pa ako.
Mukhang pabor yata sa'kin si future mother in law ko! Hindi na rin lugi sa'kin ang pamilya nila, 'no!