chapter 2

2025 Words
Sa kagustuhan kong magtagumpay sa pinaplanong pamimikot ay nag-research pa talaga ako. Minsan din ang gulo ni Goglee! Bobo na nga ako mas nabobobo pa sa mga nababasa kong suggestion mula rito! Gagayumahin ko raw para sure na mabaliw sa'kin. Ayoko naman nang gano'n at baka matuluyan ako sa pagiging albularya sa rami ng mga orasyong dapat kong ilitaniya! Isa pa baka kapag nabaliw na sa'kin iyon ay bigla magiging clingy! No to clingy tayo kahit kasing sarap pa ni Rusca! May suggestion din na tutukan daw ng baril. Ayoko nang gano'n, takot ako sa baril at isa pa saan ako kukuha niyon? Baka kapag magkataon ay sa'kin pa pumutok iyon kaya it's another big NO! Takutin daw o i-blackmail. Sa edad na 22 ay ang laki na ng katawan ni Rusca at tiyak kayang-kaya akong ibalibag nito kaya imposible ko itong madaan sa sindakan. Ibang balibagan ang gusto ko pero masyado nang advance iyon... focus muna sa basic bago bed scene! Pero mas gusto ko iyong isang suhestiyon na magpabuntis daw para sure may habol. Pero ang problema ay paano? Hindi naman pwedeng titigan ko lang si Rusca tapos bigla ay lolobo na ang tiyan ko at magkaanak na kami! Dito yata papasok ang tinatawag nilang pang-aakit... pero may isa pang mas malaking problema dahil totoo iyong sinabi ni Tokning na dehado kami sa face value. Sa kakasama ko sa kanila ni Menggay ay nagkakahawig na mga mukha namin. Para na kaming triplets.. the three mosquitoes nga lang! Bagsak ang balikat na sinipat ko ang repleksiyon ng sariling mukha sa screen ng nakabukas kong laptop. May lahi naman ang Papa ko pero bakit kay Mama ako nagmana? Hindi naman sa pangit ang Mama ko pero— medyo karaniwan lang iyong ganda niya. Nagmana nga ako kay Mama pero hindi rin naman nilubus-lubos at iyong mga features pa na nang pinagsama sa mukha ko ay nagkanya-kanya. Matangos naman ang ilong ko, ito ang tanging namana ko kay Papa pero ang problema ay hindi yata bumagay sa medyo pahaba kong mukha. Hindi naman sa mahaba talaga iyong mukha ko na pwede nang mapagkamalang half moon pero hindi rin pwedeng sabihing mala-birhen iyong pakahugis palay! Dumagdag pa iyong mga mata kong may sa pusa na namana ko talaga kay Mama pero iyong sa kanya ay bumagay sa mukha niya at iyong sa'kin ay ginawa akong judgemental makatingin. Totoo namang ganoon ako pero kalimitan ay pinangunahan ako ng mga mata kong ito. Hindi pa nga ako nanghuhusga ay akala ng tinitingnan ko ay ginagawa ko na. Sabi ni Menggay ay nakakabahala raw ako kasama minsan dahil para daw akong naghahanap ng away kung tumingin... nadadamay raw sila ni Tokning sa judgement. Iyong kilay ko rin ay medyo makapal at hindi ako marunong magkilay kaya hinayaan ko na lang pero in fairness nakadagdag ito sa kaguluhang taglay ng mukha ko. Sa totoo lang ay magaganda iyong features ko pero hindi lang talaga nag-compliment with each other pagkalagay sa mukha ko. Oo na, hindi na ako kagandahan pero mamatay muna ang mga chismosa kong kapitbahay bago ko iyon aaminin sa ibang tao! Mas okay na iyong ako lang iyong nakakaalam na aware ako sa totoong status ng hitsura ko— as today's bidyow! Hindi naman obvious sa ibang tao na medyo-medyo may insecurities din ang tulad ko dahil nag-uumapaw ang taglay kong self-confidence! Para sa'kin ay ako ang pinakamaganda pero nagkataon lang na hindi pa nauuso sa ngayon. I will definitely have my time to shine like a diamond! Ang hirap palang magkagusto sa gwapo kung ganitong mukha tayong ipinilit na mabuo kaya medyo tagilid sa ganda department. Sa taas ng tingin ko sa'king sarili ay feeling ko ay ang tangkad ko sa height na 5' 4" pero dahil sa bulong ng Tokning na iyon ay biglang bumaba ng .1 percent iyong confidence ko. Kailangan ay think positive ako! Positive dapat! Positive lang ang buhay pero dapat hindi sa druga! Sapat nang kay Rusca lang ako adik! "Positive l—aray!" napasigaw kong reklamo bang may tumamang bagay sa ulo ko. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at pinulot ang ballpen na siyang tumama sa'kin. "Sinong anak ni Hudas ang bumato sa'kin?" mataray kong tanong bago marahas na pumihit paharap sa likod ko. Ang alam ko ay nag-iisa lang ako sa bahaging ito ng university dahil sa mga ganitong oras ay may pasok lahat. Ako lang naman iyong walang pasok ngayon dahil ayokong pumasok. Hindi naman nila ako pwedeng pilitin dahil tinotoyo talaga ako kapag pinipilit. Naghahasik ako ng kapangitan! "Bakit hindi ka pumasok sa klase mo?" "Anak ng— ang gwapo." Starstruck ang beauty ko dahil sa kaharap. Kinakailangan ko munang hubarin ang suot na salamin upang kusutin ang mga mata bago isuot pabalik upang masigurong hindi ako namamalikmata habang nakatingin sa gwapong mukha ni Migoh. Hindi man ako pinagpala ng marikit na kagandahan ay lapitin naman ako ng swerte. Imagine... iniisip ko lang kanina iyong isang Carson pero bigla ay kinausap na ako ng isang Migoh Carson! Maling Carson nga lang pero huwag nang choosey dahil parehong kagwapuhan naman. Lamang lang iyong si Rusca ng isang buhok sa kili-kili kasi siya ang magiging ama ng dalawang dosena naming mga anak, pakitaga sa bato upang magkatotoo! "Bayaw!" malaki ang ngiti kong bati sa kanya at kumaway-kaway pa nang makabawi mula sa pagkabigla. Kung pwede lang tumambling at magpagiling-giling para magpasikat ay ginawa ko na pero sayang at hindi ako gano'n ka-flexible, tao kasi ako hindi goma! "Bayaw?" natatawa niyang tanong at itinuro pa ang sarili. Patalon-talon akong lumapit sa kanya habang mas pinag-igihan ang pagkakangiti. Hindi iyong talon na pang-kangaroo kundi talon nang pang palaka kasi cute! Muntik pa akong nasobrahan sa pagtalon at sa mismong bisig niya bumagsak— ayieeeeh! Mabuti na lang at nabitin nang konti kaya sa harapan niya lang nag-landing. Sheyt! Sobrang lapit namin... naaamoy ko ang gamit niyang pabango. Ganito rin kaya kabango si Rusca? Ay bet! Ngayon ko lang napagtantong ang tangkad pala ni Migoh dahil hanggang dibdib niya lang ako. Ang labo rin naman kung 5'4" ako tapos mas matangkad pa sa kanya, 'di ba? Ano siya sa lagay na iyon? Kalahi ng thumbtacks? "Oo! Bayaw dahil ako ang magiging future wifey ng kuya Rusca mo," magiliw kong pahayag. Naiiling siyang tumawa kaya lalong lumutang ang kakisigan niya. Grabe talaga ang genes ng mga Carson walang itulak kabigin, masasarap lahat. Kung pwede lang sana pagsabayin eh! "And you are..." "Lucresia Dimarilag! Lucring for short." Nginitian ko siya nang matamis upang maganda ang first impression. "And you wanted to be my brother's wife?" kumiling ang ulong tanong niya. "At magiging wife talaga ako. Sigurado iyon!" puno ng determinasyon kong tugon. "How sure are you?" humalukipkip niyang tanong. "One hundred one percent sure!" "I love your confidence, Lucring." Gusto kong mapamura dahil kailanman ay hindi naging social sa pandinig ko iyong palayaw kong Lucring pero sinambit kang ni Migoh ay bigla ay naging pwede na itong isangla sa bangko. Tunog yayamanin agad eh! Lucring. Wow! Pak na pak... pwede nang tapatan ang presyo ng gasolina dahil ini-endorse ng red lips ni Migoh. Kahit ex-crush ko na si Migoh ay nanganganib na biglang bumalik ang dati kong feelings lalo na at nasisilayan ko siya ngayon sa malapitan. Clear skin, pointed aristocratic nose, blue eyes, and messy hair. Bigla ay parang nagkakasala ako kay Rusca! Tama ba namang pagnasahan itong kapatid niyang napakainosente ng mukha na ang sarap pagsamantalahan? "And I love your Kuya too." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Killer smile smile 'to na inaral ko pa sa salamin upang hindi ako magmukhang salarin. Wala pang krimen kaya ayokong mapagkamalang kriminal on the spot! "Bakit ang Kuya ko?" "Ha?" lutang kong balik-tanong. Hindi ko ma-gets ang tanong niya dahil nag-e-explore ang mga mata ko. "Bakit kako ang Kuya ko ang gusto mo?" pag-uulit niya. "Oo nga 'no? Bakit ang kuya mo eh pwede namang ikaw?" napaisip kong tanong. Narinig ko siyang tumawa kaya tumawa na rin lang ako para hindi niya mahalatang hindi ako nagbibiro. Gusto ko nga ulit magbago ng crush eh at ibalik sa kanya ang titulong iyon pero hindi pwede dahil napamahal na sa'kin iyong muscles ni Rusca— este si Rusca mismo. Hindi lang basta crush itong nararamdaman ko para kay Rusca dahil maliban sa gusto ko itong pagnasahan ay gusto ko rin itong alagaan na may kasamang haplos ng pagmamahal sa buong katawan at dapat walang lalaktawan! Hindi naman talaga maiiwasang makapag-isip ka ng higit pa sa pag-aalaga tuwing nakikita mo kung gaano kagwapo si Rusca katulad ding hindi ko kayang pigilan ang mga matang bumaba sa bandang puson ng kaharap na si Migoh. Gusto ko lang naman masilip kung gaano katotoo iyong naririnig kong usap-usapan na gano'n ka-gifted itong magkapatid na Carson. Pasimple lang ginawa kong pagtanaw na para bang naghahanap lang ng bato sa daan. Oo nga! Confirmed! Mabilis akong nag-angat ng mukha mula sa bukol na nabistahan ko at baka biglang magkahulihan! "Don't get me wrong pero sa tingin mo ba ay mapapansin ka ni Kuya?" "Pinansin mo nga ako, 'di ba?" kunot-noo kong wika. "Nagkataon lang na walang ibang tao sa paligid," nakatawa niyang sagot. "Ikaw lang naman iyong nandito." Nagpalinga-linga ako sa paligid at kahit hindi ko gawin iyon ay alam ko namang walang ibang tao rito kundi kami lang. "Tapatin mo nga ako, ayaw mo ba akong maging hipag?" may pagdududa kong tanong. Malakas siyang tumawa sa halip na sagutin ako. "Ang dapat mong tanong ay kung gusto ka bang maging asawa ni Kuya," tumatawa pa rin niyang sabi. "Hindi ka nakakatuwang ka-bonding. Wala kang bilib sa'kin," nakasimangot kong sabi. "Gwapo ka sana pero judgemental ka." "Teka! Paano ako naging judgemental?" agad niyang reklamo. "Kesyo ganito ang beauty ko ay kinukwestiyon mo na kung magugustuhan ba ako ni Rusca o hindi," ismid ko sa kanya. Saglit tumiim sa'kin ang titig niya. Bigla ay nakaramdam ako nang pagkailang sa ilalim ng asul niyang mga mata. Naiilang ako kasi mahuhulog na naman yata ako! Pa-fall masyado itong si Migoh! Bakit ngayon pang buo na ang pasya kong doon ako sa Kuya niya? "Allergic sa babae si Rusca," maya-maya ay wika niya. Nag-iwas siya ng tingin sa'kin at umiling-iling muna bago pumihit paalis. Hindi agad ako nakapag-react dahil nasa ilalim pa ako ng mahika ng matiim nitang titig kaya ilang dipa na ang layo niya nang nagpasya akong humabol. "Sandaliiii!" Huminto naman siya sa paglalakad kaya mabilis ko siyang naabutan. "Define allergic sa babae," may hingal kong matapos siyang harangan. Kailangan kong makasigurong hindi lalaki ang hanap ng future husband ko dahil tiyak magluluksa ako kung magkataon! "Ayaw niya ng commitment kaya iyong chances na maging hipag kita ay negative." "Ay gano'n?" maang kong bulalas. Tumango-tango siya bilang kumpirmasyon. Hindi pala sa babae allergic kundi sa commitment! "Eh ikaw? Ilang percent ba kung sa'yo na lang ako magpapakasal?" mabilis kong tanong matapos mapag-isipan ang mga bagay-bagay. Kailangan ko ng plan B. Dapat may other choice tayo kung hindi uubra iyong una! Life is choice kaya dapat ay pwedeng mamili basta iyong choices ay silang dalawa. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya bago niya ginulo ang kulot kong buhok gamit ang kanan niyang kamay. "Kailangan ka munang magustuhan ni Rusca," naaaliw niyang pahayag. "Bakit? 'Di ba dapat ay ikaw iyong dapat na magkagusto sa'kin?" nakaingos kong tanong. Dobleng kabiguan pa yata ang mararanasan ko ngayong araw. "Bilang nakakatandang kapatid ay kailangan munang pumasa kay Rusca ang babaeng magiging asawa ko," aniya. Nakatatandang kapatid daw pero kanina pa siya Rusca nang Rusca! "Paano kung hindi mo gusto iyong magugustuhan niya para sa'yo?" nalilito kong tanong. "Imposible," makahulugan niyang sabi. Napakurap-kurap lang ako sa kawalan nang lampasan niya ako habang napaisip nang malalim. Kahit pala siya iyong pipikutin ko ay dadaanan muna ako roon sa kuya na una kong prospect. "See you around, Lucring." Masyadong busy ang utak ko sa pagpaplano at kung ano-ano pa kaya hindi ko na nabigyang pansin iyong pamamaalam niya. Nakakalito na talaga! Lalo't hindi na ako sigurado kung sino ba talaga ang dapat kong pikutin, si Migoh o si Rusca? Pwede kayang tikman ko muna bago ako magpasya? Ang hirap naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD