Chapter 3

1290 Words
“Boss!” hinihingal pang tawag ng isang men in black kay Jonathan. Nang marinig iyon ni Jonathan agad siyang tumayo sa kinauupuan at tinungo ang mga tauhan. Malalaking hakbang ang ginawa niya upang makalayo sa mga bisita. “Ano’ng nangyari, nakuha n’yo ba si Joker?” “Hindi boss. Nakatunog si Hector. Saka boss, nadali niya si Daniel.” “Son of b***h! Mga walang kwenta, bata lang ang iniuutos ko sa inyo hindi n’yo pa magawa!” Sabay hilamos ni Jonathan sa kanyang mukha at namaywang sa harap ng mga tauhan. “Pasensya na boss, talagang napakahusay ng mag-ama. Hindi basta-basta matitibag ang kanilang depensa,” sagot ng isang men black. “Mga inutil, lumayo kayo sa harapan ko. Bago pa magdilim ang paningin ko at mapatay ko kayong lahat!” Kanya-kanya namang alisan ang mga men in black sa harapan ni Jonathan. Ngunit bago sila nakalayo sa lugar na iyon, isang malakas na palakpak ang sumalubong sa kanila. Maging si Jonathan ay nagulat sa biglang pagsulpot nang mag-ama. “Dapat sa iyo parangalan ng best actor? Ang galing mong umarte, akala ko kakampi kita. Isa ka rin palang cobra na handa akong tuklawin, para lang makuha ang posisyon ko!” galit na pahayag ni Hector kay Jonathan. “Hayop ka ikaw lang pala ang nais na magpapatay sa akin at para na rin makuha mo ang anak ko. Para magamit mo sa mga kawalanghiyaan mo!” Tila natulala naman si Hector sa inihayag ni Jonathan. Ngunit nang makabawi isang nakakainsultong tawa ang pinakawalan ni Hector kay Jonathan. Sabay senyas niya sa mga men in black. Maya-maya pa at halos nagsilbing firing range ang compound ng El Shadow Organization. Putok doon, putok dito. Nadaig pa nga nito ang New year eve sa kapal ng usok na nagmula sa mga baril. “Joker!” tawqg ni Hector sa kanyang anak. Ngunit wala siyang narinig na sagot mula rito. “Nasaan si Joker?” “Dito lang ’yon kanina, Boss. Biglang nawala,” sagot ng isang tauham niya habang nakikipagpalitan ng putok sa kalaban. “Son of b***h. Find him!” Agad tumalima ang lima niyang tauhan para hanapin si Joker. Muling nakipagpalitan ng putok si Hector sa kanyang mga kalaban. Kitang-kita niya kung paano nagsitakas ang ibang kasapi ng organization. Sa mga oras na iyon hindi niya alam kung sino ang kalaban o kakampi. Isa lang ang sinisigurado niya ngayon, ang mailigtas sa kamay ng organization ang kanyang anak. Sa gitna ng putukan naramdaman ni Hector ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Dinukot niya iyon sa kanyang bulsa at tiningnan. Nang makita si Joker ang tumatawag mabilis niya iyong sinagot at nabuhayan siya ng loob. “Hello! Nasaan ka? Okay ka lang ba?” nag-alalang tanong ni Hector. Tinakbo niya ang isang haligi ng building at doon pasamantalang nagtago habang kausap ang anak. “Huwag kayong mag-alala, ayos lang ako. Kayo ’pa, olay lang ba kayo? Umalis na kayo riyan, sa hideout natin na lang tayo magkita. Bye ’pa.” Halos maibato ni Hector ang kanyang cellphone sa pader. Nang mawala sa linya ang anak. Nakarinig pa siya ng lagitsit ng gulong bago nawala ang ito. Parang nakikita na naman niya na nakikipagkarerahan si Joker. Malaki ang tiwala niya sa kanyang anak na kayang-kaya nitong lusutan ang mga kalaban. Mabilis sinuksok ni Hector ang cellphone sa kanyang bulsa saka seninyasan ang mga tauhan na umalis. Dali-dali namang umalis ang mga ito habang nakikipagpalitan ng putok sa mga tauhan ni Hector. “Saan tayo ngayon, Boss?” tanong ni Lorenso, kanang kamay ni Hector. Nakaupo ito sa driver seat hawak ng mahigpit ang manibela. “Sa hideout tayo,” seryosong sagot ni Hector. Dinukot niya ang kanyang cellphone at binuksan iyon. Saka nagtipa ng mensahe para sa kaibigan. Kaagad pinaharurot ni Lorenso ang sasakyan ng amo palayo sa El Shadow compound. Kasunod nila ang isang itim na van, sakay ang mga kasamahan niya. Ilang sandali pa at nasa highway na sila. Tinatahak ang daan papuntang San Mateo, Rizal. After a couple of hours. Inihinto ni Lorenso ang sasakyan sa isang lumang bodega. Pagkabukas nang pagbaukas ng may kataasang gate na yari sa bakal at may takip na yero. Kaagad pinaharurot ni Lorenzo ang sasakyan papasok sa loob ng bodega. “Huwag ka ng bumaba Lorenzo. Sandali lang ako sa loob. Kukunin ko lang si Joker.” Pahayag ni Hector. Mabilis itong bumaba at halos patakbo ang ginawang pagpasok sa pinakaloob ng bodega. Pagkarating niya sa pinakasala ng kanilang hideout. Nadatnan niyang printeng nakaupo si Joker sa sofa may hawak na can beer at nakatutok ang mga mata sa tv. “Tumayo ka na riyan. Aalis na tayo. Dadalhin muna kita sa Ninong Antonio, mo sa Batangas. Doon ka muna hanggat hindi ko naayos ang problema sa organization.” Mabilis tinungo ni Hector ang isang pinto at binuksan iyon. Saka kinuha roon ang mahahalagang bagay na nakalagay doon. Nilingon ni Joker ang ama saka tamad na tumayo. Initsa sa basurahan ang hawak na lata ng beer. “’Pa, hanggat hindi kayo pumapayag na ako ang papalit sa puwesto n’yo. Hindi kayo titigilan ng organization at Tito Jonatahan,” paliwanag niya sa ama. “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, hindi ako pumapayag sa gusto nila. Hindi ko na ulit ilalagay sa alanganin ang buhay ninyo at lalo na ang Mama mo,” mariing sagot ni Hector sa anak. Saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Iniwan niya iyon saglit at kinuha ang may kalakihang bag. “Ano pang ginawa mo? Mag-impake ka na!” Wala namang nagawa si Joker kung ’di sundin ang ama. Ngunit kung siya lang ang masusunod matagal na niyang napalitan sa puwesto ang ama sa organization. Sapat naman na sa kanya ang mga natutunan at itinuro ng ama, upang maging mafia leader. Hindi niya alam kung ano’ng ikinatatakot ng ama. Dahil sa totoo lang kayang-kaya niyang pangalagaan ang sarili ng hindi humihingi ng tulong sa iba. Nang makita ni Hector na hawak ni Joker ang katana ay bigla siyang kinabahan ng todo at natakot para sa anak. Iisa lang ang ibig sabihin no’n, may kakayahang maging mafia leader ang anak. Dahil napasunod nito ang katana. ‘Darating ang araw may isang taong kayang pasunudin ang kapangyarihan ng katanang ito. Sabihin mong ingatan at huwag abusuhin ang taglay na kapangyarihan nito.’ Biglang sumagi sa isipan ni Hector ang pahayag na iyon ni Barouxx. Bago ibigay sa kanya ang katana. “Narinig ko kanina ang usapan n’yo ni Tito Jonathan, tungkol sa katanang ito. Kaya nagkaroon ako intres dito, itinakas ko kanina. Simula sa araw na ito, ako na ang mamay-ari sa kanya.” Nag-alalang tinitigan ni Hector ang anak. “Baka hindi mo kayang pasunudin ang katanang iyan? At malagay sa panganib ang buhay mo. Mabuti pa ibigay mo na lang sa akin ’yan at ibabalik ko sa tunay na may-ari.” “Hindi Papa. Hinding-hindi mo siya ibabalik sa tunay na may-ari. Dahil kayang-kaya ko siyang pasunudin sa mga gusto ko.” Sabay wasiwas ni Joker sa katana sa itaas ng ire. Hindi man lang ito nakitaan ng takot habang hawak ang sandatang iyon. Bagkus determination tapang ang nabanaag sa mukha ng binata. Hindi na kinontra ni Hector ang gusto ng anak. Maging siya man ay hindi naniniwala na especial ang katanang iyon at isa pa hindi iyon basta-basta isasalang sa bidding ng may-ari kung may taglay na kapangyarihan iyon. Ilang sandali pa at niyakag na ni Hector ang anak na umalis. Bitbit ang bag nauna siyang lumabas at kasunod nito si Joker. Pagkarating nila sa sasakyan kaagad binigyan ni Hector ng instructions ang mga natirang tauhan. Matapos ’yon agad siyang sumakay sa sasakyan katabi ang anak sa passenger seat. “Sa Batangas tayo Lorenzo.” “Copy boss.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD