HINDI maalis-alis ang inis sa mukha ni Riana nang sabihan siya ng kanyang Papa na umuwi ng maaga. Dahil may darating silang bisita galing Manila. Iniisip niya kung sino ang bisita nila. Dahil wala naman siyang natatandaan na may kamag-anak o kaibigan ang kanyang Papa na tagaroon. Dahil lehitimong taga-Batangas ang angkan ng kanyang magulang. Hindi naman siya nagtanong sa ama. Dahil umalis na ito at pumunta ng barangay hall, para mag-report. Isang Kapitan ang kanyang Papa sa kanilang barangay. Kaya lagi itong busy.
“Sino po ba ang bisita natin ’ma?” tanong ni Riana. Habang abala sa paglalagay ng placemat sa lamesa. Nilingon niya ang kanyang ina, na abalang-abala sa harap ng kalan. Katuwang ang kasambahay nilang si Ate Beth.
Basta’t may bisita sila ang Mama niya ang punong abala sa lahat ng gawain sa kusina. Maselan ang Mama niya sa mga bagay-bagay, lalong-lalo na pagdating sa pagluluto at kalinisan sa loob ng kanilang kusina. Sinisigurado nito na lahat ng pangangailangan sa loob ng bahay ay perpekto. Bago simulan ang mga gawain.
Nakita ni Riana inilapag ng kanyang Mama ang sandok sa isang plato at saka tinakpan nito ang kaldero. Narinig pa niyang minamanduhan nito ang kanilang kasambahay, tungkol sa niluluto. Pagkatapos magpunas ng kamay ay lumapit ito sa kanya. Napangiwi pa si Riana nang kunin ng Mama niya ang mga placemat na inilagay niya sa lamesa.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo, na kapag may bisita tayo ibang placemat ang gamitin mo ’yong bago. Hindi itong ginagamit natin,” pangaral ni Aling Mary kay Riana. Bitbit ang placemat ibinalik niya iyon sa loob ng cabinet at saka kumuha ng bagong placemat.
Umupo si Riana sa puwesto ng ama at saka tiningnan ang kanyang ina. Minsan talaga hindi na niya alam kung ano’ng gagawin sa ina. Lahat na lang ng gagawin niya ay mali sa paningin nito. Kahit ilang beses pa nga siya nito turuan ay hindi niya talaga magaya-gaya ang kilos at gawa ng ina. Kaya nga minsan tinatamad siyang bumaba. Mas gusto na lang niyang mag-stay sa kanyang kuwarto o ’di kaya’y sa likod bahay nila kung saan may mini-garden sila roon at may ikinabit ding duyan ang ama niya. Kaya wiling-wili siya roon tumambay.
“Ano po ang pagkakaiba ng dalawang iyan, parehong placemat lang naman po ang mga iyan?” tanong ni Riana. Itinago niya ang inis sa kanyang ina. Mabait naman ang kanyang ina. Kaso may pagka-istrikto lang talaga. Siguro dala rin ng trabaho nito. Dahil isang teacher si Aling Mary. “Saka ’ma, sino ba talaga ang bisita natin? Kanina pa aligaga si Ate Beth, sa paglilinis ng bahay. Lalo na ’yong katapat kong kuwarto. Kulang na lang baliktarin niya ang lahat ng gamit doon. Gano’n ba sila ka-special sa inyo ni Papa? Kulang na lang magpa-party tayo ah.”
Tiningnan ni Aling Mary ng masama si Riana. Saka inilagay ng maayos ang anim na placemat sa kanya-kanyang puwesto.
“Malaki ang pagkakaiba ng dalawang ito. Itong mga bagong placemat, sa tuwing may bisita lang natin maaring gamitin ito. Special man sila o hindi nararapat natin silang aasikasuhin ng maayos. At ang mga lumang placemat naman ay pang-araw-araw nating ginagamit iyan, na hindi mo puwedeng ipagamit sa kanila. Ibig sabihin no’n tayo lang ang gagamit. Exclusive at wala ng iba. Naintindihan mo ba, Riana?” Iniwan ni Aling Mary ang ginagawa at tinapik sa balikat ang anak.
“Yes ’ma, naiintindihan ko. Sino po talaga ang bisita natin? Kanina pa ako tanong nang tanong sa inyo. Hindi n’yo naman ako sinasagot.”
Nakailang-ulit na ba niyang tinanong ang kanyang ina. Ngunit hindi naman siya nito sinasagot. Malapit na talaga siya magtampo rito.
“Matalik na kaibigan ng Papa mo. Kasama ’yong anak niyang binatilyo. Saka dito muna pasamantala titira ’yong anak. Kasi may problema sa Manila. Ano okay na ba?”
Biglang natahimik si Riana sa kinauupuan niya. Saka tiningnan ang kanyang ina. Sa edad niyang disi-otso, ni isang binatilyo sa lugar nila ay walang nagtatangkang bisitahin siya. Dahil takot ang mga ito sa kanyang ama. Tapos ngayon may patitirahing binatilyo ang magulang sa kanilang bahay. Isipin pa lang ni Riana na may makakasama siyang ibang lalaki sa bahay nila. Parang kumukulo na ang dugo niya. Paano kung hindi mapagkatiwalaan ang lalaking ’yon? Paano kung gawaan siya ng masama o ang kapatid niya?
“’Ma, bakit kayo pumayag? Paano kung-”
Hindi na natapos ni Riana ang sasabihin nang pinukol sa kanya ng ina ang sandok na plastic. Tumama iyon sa kanyang ulo. Hindi naman iyon masakit. Ngunit nagdala naman iyon sa kanya ng takot. Kailan pa naging bayolente ang kanyang Mama?
“Tigil-tigilan mo ’yang ang pag-iisip ng hindi maganda sa bisita ng iyong Papa. Mababait silang tao. Sila ang tumutulong sa Papa mo, kaya hanggang ngayon nasa puwesto pa rin ang ama mo.”
“Sorry po ’ma.” Himas pa din ni Riana ang ulo.
“Sige na intindihin mo na ’yang sarili mo. Pati ang mga kapatid mo bihisan mo na rin.”
“Opo, ’ma.”
Kaagad tumayo si Riana at lumabas ng dining area. Habang naglalakad sa sala patungong hagdan. Biglang tumunog ang buzzer nila. Indikasyon iyon na may tao sa labas. Bago pa man niya marating ang pinto ay naunahan na siya ni Ate Beth. Kaya sa halip na hintayin kung sino ang nag-doorbell. Umakyat na lamang si Riana sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Pagkarating niya roon. Una niyang pinuntahan ang kuwarto ng kanyang kapatid na kambal. Nasurprisa pa siya nang makita niyang bihis na ang mga ito at handa ng lumabas. Masaya niyang nilapitan ang mga ito. Inayos pa niya ang headband ng kapatid at sinuklay naman niya ang buhok ng kambal nitong lalaki.
“Ate, puwede na po ba kaming lumabas?” bibong tanong ni Charlene sa kanya.
“Nagugutom na kasi kami, Ate.” Sabay hawak ni Nicolas sa kanyang tiyan.
“Oo. Puwede na kayong lumabas. Pinapasundo na kayo ni Mama. Pero dapat behave kayo sa harap ng ating bisita ha. Huwag magpasaway kay Mama at Ate Beth. Okay ba mga kapatid? Nicolas?” aniya sa mga kapatid at saka tumayo.
“Opo Ate, magbe-behave kami ngayon,” panabay na sagot ng kambal.
Naunang tinungo ni Riana ang pinto at binuksan iyon. Pagkalabas ng kambal isinara niya ito at sinabihan ang mga ito na mauna ng bumaba. Dahil magbibihis pa siya.
Sinundan ni Riana ang kambal sa pagbaba ng hagdan. Nang masigurong maayos nakababa ang dalawa. Tinungo na niya ang kanyang kuwarto at deritsong pumasok sa banyo. Nag-toothbrush lang naman siya ng ngipin at naghilamos ng kanyang mukha. Dahil naligo naman siya kaninang umaga. Hindi pa naman siya mabaho, kaya okay na iyon sa kanya.
Isang bulaklaking bestida ang napili niyang suotin saka simpleng slippers na gawa sa malambot na goma ang kanyang panapin sa paa. Nagpahid din siya ng kanyang paboritong strawberry lip gloos sa labi at saka siya namulbo.
Muli niyang pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. Napangiti pa siya nang makitang lumabas ang natural niyang ganda. Na kahit walang kulorete sa mukha ay maganda pa rin siya. Nang makuntento siya sa pagtitig sa mukha. Nagpasya na si Riana na lumabas ng kanyang kuwarto at deritsong bumaba sa sala.
“Ate Beth, hindi pa po ba dumating ang mga bisita ni Papa?” tanong niya sa kanilang kasamabahay. Kasalukuyan nitong binibigyan ng pagkain ang kambal sa sala. Napasulyap din siya na may pagtataka sa mga dessert na nakalagay sa kanilang center table. Marahil dala iyon ng kanilang bisita o ’di kaya’y binili ng kanyang magulang.
“Dumating na sila. Nasa dining na silang lahat. Doon ka na dumiretso, bago ka pa makurot sa singit ng ina mo,” sagot sa kanya ni Ate Beth. Sabay saway nito kay Nicolas, na inalisan ng takip ang isa sa mga dessert sa center table.
“Sige po, Ate Beth. Salamat.”
Iniwan ni Riana ang tatlo sa sala at tinungo ang dining. Huminga muna siya ng malalim saka dahan-dahang pumasok sa dining at magalang na bumati.
“Good evening po!” bati niya at kaagad tinungo ang bangko na katabi ng ina. Okupado kasi ng bisita nila ang bangko niya. Bago maupo binati din ni Riana ang bisita nila.
“Good evening hija!” ganting bati sa kanya ng kanilang bisita saka bumaling ito sa kanyang ama. “Ito na ba ’yong panaganay mo?”
“Oo, Pare. Si Riana. Naalala mo ’yong dala-dala kong bata no’n na nagkita tayo sa Manila. Siya na ’yan, p’re,” nakangiting sagot ng kanyang Papa. “Riana, anak. Si Tito Hector mo at ang anak niya si Joker.”
Ngumiti si Riana sa dalawang lalaking kaharap.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala,” masaya niyang pahayag.
“Kami rin ng anak ko hija,” nakangiting sagot sa kanya ni Hector. Nakita pa ni Riana na siniko nito ang anak sa braso. Kaya napatingin ito sa kanya. Ngunit wala naman siyang natanggap na anomang salita dito.
‘Suplado,’ mahina niyang sabi.
Na mukhang hindi nakaligtas sa pandinig ng binata. Dahil tumingin ito sa gawi niya. Biglang natakot si Riana nang makita niyang tiningnan siya ng masama ni Joker. Naitukom tuloy niya ang kanyang labi at mabilis ibinaling ang paningin sa magulang.
“Let’s eat, Pare. Joker, inaanak. Puwede bang ikaw ang magdasal.”
Muling napatingin si Riana sa binata. Ngunit nadismaya siya nang makitang umiling ito sa kanyang ama.
“Sorry, Ninong. Hindi ako marunong magdasal.”
Napailing si Riana sa sagot ni Joker. ‘May tao pala talagang hindi marunong magdasal’ aniya sa isipan.
Maya-maya pa at si Aling Mary na ang nag-lead ng dasal. Pagkatapos nitong magdasal. Nagsimula na rin silang kumain at pawang kutsara’t tinidor ang maingay sa hapagkainan.
“Mama, samahan n’yo na po si Papa, sa sala. Ako na po ang tutulong kay Ate Beth,” magalang na prisinta ni Riana sa kanyang Mama.
Ngumiti ang kanyang Mama at marahang hinaplos ang buhok niya.
“Okay. Basta huwag mong uubusin ng basag ang ating mga gamit ha.”
Sinimangutan ni Riana ang ina. “Grabe naman po kayo sa akin.”
“Pinapaalalahanan lang kita, anak. Sige na.”
Pagkalabas ni Aling Mary sa dining area. Nagsimula ng ligpitin ni Riana ang mga plato sa lamesa at dinala sa lababo. Habang kumakain pa si Ate Beth sinimulan na rin niyang hugasan ang mga iyon.
Maya-maya pa at natapos na rin nilang hugasan ang lahat ng gamit na ginamit nila. Sandali pa at nagpaalam na rin si Riana kay Ate Beth.
“Hija, nand’yan ka na pala. Puwede bang samahan mo ang Kuya Joker mo sa magiging kuwarto niya,” pahayag ni Mang Tony sa anak.
“Sige po, Papa.” Tiningnan ni Riana si Joker. “Tara, Kuya Joker.”
Naunang tinungo ni Riana ang hagdan. Nakita kasi niya na nagpaalam si Joker sa ama. Ilang sandali pa at nagsimula na silang umakyat sa hagdanan.
Pagkarating nila sa ikalawang palapag. Binuksan ni Riana ang pinakahuling pinto sa kanan at saka naunang pumasok sa loob.
“Ito ang magiging kuwarto mo, Kuya Joker,” masaya niyang sabi rito. Sabay harap niya sa binata. Ngunit nagulat si Riana nang bigla itong sumigaw at hinigit siya sa braso.
“You go out I don’t need you here anymore!”