Chapter 2

1123 Words
SAMANTALA, masayang-masaya si Jonathan matapos niyang mapapayag si Mr. Khan na sumapi sa kanilang organization at inilahad rin niya ang planong pagpasok nang grupo sa Japan na pamamahalaan nito. “Ano nga pala ang balita kay del Blanco, tuloy ba ang pagreretiro niya?” tanong ni Mr. Khan. Abala ang mga kamay nito sa harap ng laptop. Umiling si Jonathan at kinuha ang alak at saka hinalo sa pamamagitan ng pag-alog-alog sa baso. “Hindi makaka-resign ’yon kasi walang papalit sa kanya. Ayaw naman niyang ipasa sa anak niya ang pagiging mafia,” mariing sagot ni Jonathan saka tuluyang nilagok ang alak. “Wala naman siyang magagawa kung talagang kinakailangan na niyang mag-resign saka balita ko may potential daw ang anak nitong si del Blanco, maging lider ng organization.” “Iyon rin nga ang sinasabi ko sa kanya, turuan na niyang mag-ensayo ang anak. Para pagdating ng oras hindi siya mahirapang kumbinsihin ito,” sagot ni Jonathan. “Ewan ko ba riyan kay del Blanco, kung saan tumanda doon bumahag ang buntot.” Maya-maya pa napasigaw si Mr. Khan sa tuwa saka kitang-kita ni Jonathan ang pagpindot nito sa laptop at biglang namatay iyon. Humarap sa kanya si Mr. Khan na may subong tabako sa bibig, hinihit muna niya iyon saka ibinuga sa ire. “Double celebration tayo ngayon, Jonathan. Alam mo kung bakit? Ka-transaction ko si Devit, ng India kanina nai-close ko ang deal. Next week ipapa-ship niya ang mga kargamento galing mismong India.” “Talaga? Magandang balita ’yan sa ating organization. Mas lalong lalawak at dadami ang ating grupo. Binabati kita, hindi ako nagkamali sa pagpili sa iyo.” “Basta para sa El Shadow Organization, maasahan ninyo ako. Cheers, para sa tagumpay!” “Para sa tagumpay nating lahat!” Matapos mag-toast ang dalawa. Lumabas sila sa vip room at tumuloy sa bulwagan upang magsaya kasama ang mga makakapangyarihang tao sa bansa at kapwa mafia. Habang nagkakasayahan sinenyasan ni Jonathan ang isang men black na lumapit sa kanilang puwesto. “Nasaan si Hector?” tanong niya rito. “Umalis boss. Pinuntahan niya Sir Joker, sa bagong tayong building,” nakayuko nitong sagot. “Ibig mong sabihin narito si Joker?” “Yes, boss.” Saglit iniwan ni Jonathan ang mga kasamahan. Tinungo niya ang bahagi ng bulwagan na medyo kakaunti ang mga tao. Nakasuunod naman sa kanya ang men black. “Kapag lumabas si Hector, sabihan mo agad ako. Huwag kang magpapahalata sa kanila,” bilin ni Jonathan. “Sabihan mo rin ang mga kasama mo na maghanda, kapag may pagkakataon kayo kunin n’yo si Joker, dalhin sa hideout natin.” “Areglado, boss.” Matapos ang pag-uusap ng dalawa, agad sinenyasan ni Jonathan ang lalaki na umalis. Inayos muna niya ang suot na coat saka muling bumalik sa kasiyahan. Sa gagawin niyang plano tiyak mapapayag niya si Hector na ipalit sa puwesto ang anak. Tiyak rin na lahat ay gagawin ni Hector huwag lamang masaktan ang mga anak. Bago makisalamuha sa mga kasamahan isang ngiting tagumpay ang pinakawalan niya habang tanaw niya ang mag-ama mula sa ikalawang palapag ng bagong tayong gusali. Dahil glasswall ang paligid no’n, kitang-kita niya ang pagtatalo ng dalawa. “HINDI ba kabilin-bilinan ko sa iyo, huwag kang pupunta rito. Talagang ginagalit mo ba ako, Joker?” galit na tanong ni Hector sa anak. Halos mapigtal ang ugat nito sa leeg. “Papa, ano’ng masama kung pumunta ako rito? Inimbitahan ako ni Tito Jonatahan at isa pa nasa tamang edad na ako,” mahinahong sagot ni Joker sa ama. Sinamaan ni Hector ng tingin ang anak. Nagugulat na lang siya minsan sa ipinapakitang ugali nito. “Hayun na nga eh. Paano kung makatunog ang mga kalaban na narito ka? Inaalala ko lang kalagayan ninyo kaya hindi ko kayo sinasama sa mga lakad o gawain ko. Ayaw kong matulad kayo sa akin,” angil niya sa anak. “Papa, nasa hustong gulang na ako. Hindi na ako ang batang si Joker, na madaling mauto. Alam ko ang mabuti o masama, ang isang tao.” “Huwag kang mapapasiguro, dahil sa panahon ngayon hindi mo alam kung sino ang kaaway mo at kakampi.” “May tiwala po ako sa inyo at sa aking sarili. Huwag kayong mag-alala kaya kong protektahan ang sarili ko. Ano pa ang silbi ng mga itinuro n’yo sa akin? Kung hindi ko naman magagamit.” Sabay lakad ni Joker at tuloy-tuloy palabas ng pinto. “Joker!” sigaw ni Hector. Ngunit tila naging bingi si Joker. Ni hindi man lang nagawang lingunin ang ama. Nagtuloy-tuloy ito papasok ng elevetor. “f*****g s**t!” Agad sinundan ni Hector ang anak. Hindi na niya hinintay ang elevetor, bumaba siya gamit ang hagdanan. Halos nagtaka naman si Joker nang lapitan siya ng apat na men in black at sapilitan siyang binibit papuntang parking. “Bitiwan ninyo ako. Hindi n’yo ba ako nakikilala? Anak ako ni Hector del Blanco, mafia ang papa ko!” sigaw ni Joker sa mga lalaki. “Wala kaming pakialam kung anak ka man ng isang mafia. Sumusunod lang kami sa utos ng nakakataas sa amin!” sagot ng isang men in black. Maya-maya pa nagulat ang mga men in black nang sugurin sila nang mabilis na flying kick. Saglit pa at halos nagkaroon ng laban sa parking-an. “Sino ang may pakana nito?” tanong ni Hector. Hawak niya ang isang men black sa leeg at anomang oras puwede niyang pilipitin ang bahaging iyon. Hindi naman nagpadaig si Joker sa ama. Halos ’di niya tinantanan ang isa pang lalaki hanggat hindi ito nalugmok semento. “Wala kaming aaminin sa iyo. Kahit patayin mo pa kaming lahat, hindi namin ipagkakanulo ang taong nag-utos sa amin,” sagot nang lalaki. Halos magkulay ube na ang mukha nito dahil iniipit ni Hectot ang ugat sa leeg nito. Binitiwan ni Hector ang lalaki at saka pinagpag ang kamay. Matapos ’yon kinuha niya ang baril na may silencer sa kanyang likod. Inaayos niya iyon, kinasa, at itinutok sa lalaki. “Bueno kong ’yan ang gusto mo. Sayang lang ’yang pinanghahawakan mong loyalty sa amo mo. Hindi ka maliligtas niyan!” Sabay kalabit niya sa gatilyo ng baril at nagpakawala ng dalawang putok. Bang! Bang! Halos manginig sa takot ang kasamahang men in black ng lalaki. Nang makita nilang walang takot na binaril ni Hector ang kasama. Mas lalo silang nilukuban ng takot sa katawan nang iharap ni Hector ang baril sa kanila. “Kung sino man ang nag-utos sa inyo, para patayin ang anak ko. Iparating ninyo sa kanya na hindi ako natatakot, kung sino man siyang Hudas, siya. Sabihin ninyo na ako ang harapin, hindi ako natatakot sa kanya.” Muling nagpaputok ng sunod-sunod si Hector upang takutin ang tatlong men in black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD