Zarina's POV Napapakamot na lang ako sa ulo habang nakaupo sa passenger seat. I was supposed to be the one driving, pero eto si Boss Emir, siya na ang nagdi-drive. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya. Praning ata siya. "Sabi ko naman sa'yo, kaya ko mag-drive, Boss," sabi ko, nag-aalangang tingnan siya. Napakunot ang noo ko. "Ano bang problema?" He shot me a glare na parang pinipigilan ang sarili niya na magalit. “Simula ngayon, wala kang ibang gagawin kundi ang manahimik.” I raised an eyebrow. “Manahimik? Eh paano 'yan, madaldal akong tao, Boss. Parang impossible 'yan for me.” Napansin ko na bumuntong-hininga siya nang malalim, as if trying to control himself. Hindi ko alam kung bakit pero parang may iba sa kanya ngayon. May tensyon sa loob ng kotse na hindi ko maintindihan.