bc

Stone Series 2: Reyna ng Karera

book_age18+
379
FOLLOW
2.4K
READ
HE
small town
like
intro-logo
Blurb

I pretend as a Man and apply as his driver~ Zarina Demirova

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
ZARINA P.O.V Ang ingay ng lugar. Ang dami ng tao sa paligid na para bang naglalaban-laban ang mga sigaw at hiyawan nila. Nasa loob ako ng kotse ko, humahawak sa manibela. Dinig ko ang ingay ng makina habang unti-unting gumugulong ang gulong sa starting line. "Let's go, Zarina!" Sigaw ng isang fan mula sa gilid ng track. Halos hindi ko marinig ang boses niya mula sa dagundong ng makina at ang tunog ng mga nagsisigawang tao. Nakangiti lang ako, kahit alam kong hindi nila ako makikita mula sa loob ng kotse. Suot ko ang aking helmet, itim na may kulay pink na linya sa gilid, simbolo ng pagiging "Queen of Race." "Game na, Zarina!" Narinig kong sabi ni Tito Lito sa earpiece ko. Siya ang mechanic ko, pero parang tatay ko na rin siya. Matagal na kaming magkasama, halos kasabay ko siyang natuto magbuhos ng dugo't pawis sa karera. "I got this," sagot ko, mabilis at may tiwala sa sarili. Ramdam ko ang adrenaline, nag-umpisa na itong umakyat sa katawan ko. Hindi ako kabado, sanay na sanay na ako rito. Pero ang excitement, ‘di nawawala. Alam ko na lahat ng mata sa akin nakatutok—lalo na ang mga kalaban ko. Mula sa rearview mirror, nakita ko ang mga kotse sa likod ko. May mga bago, may mga dating nakalaban ko na. Karamihan sa kanila, alam nilang hindi basta-basta ako matatalo. ‘Di naman sa pagyayabang, pero ilang beses ko na silang tinambakan. "One minute to start!" sigaw ng announcer mula sa speaker sa paligid ng race track. Mas lumakas ang hiyawan ng crowd. May mga banners na may pangalan ko, at may ilan ding banners para sa mga karibal ko. "Hmm... time to show them what the Queen can do," bulong ko sa sarili ko. Ini-adjust ko ng konti ang pagkakahawak ko sa manibela, sabay tinignan ko ang mga gauges sa dashboard. Lahat ay nasa tamang kondisyon. Handang-handa na ang makina ng kotse ko para sa intense na laban na ‘to. Dumilim ng kaunti ang paligid, hindi dahil sa gabi, kundi dahil sa mga spotlights na nagbigay ng dramatic na effect sa starting line. Ang track ay kumikintab sa ilalim ng ilaw—parang naghihintay lang na may isang sasakyan na dumaan dito nang buong bilis. Ang dami ng usok mula sa mga tambutso ng kotse na lumalabas, na nagbigay ng napakagandang visual na contrast sa kinang ng ilaw. "Focus, Zarina," sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na pinapansin ang mga kalaban ko, hindi ko na kailangan. Lahat ng alam ko, nasa loob ako ng kotse, at ito lang ang mundong kailangan ko ngayon. Biglang tumahimik ang paligid. Isang tunog ng buzzer ang hudyat ng huling sampung segundo bago magsimula ang karera. Lahat ng kotse sa linya ay biglang naging mabigat ang dating. Para bang bawat isa ay handang-handang umatake. Lahat ng mata ay nasa starting lights, pulang ilaw, tatlo… dalawa... isa… GREEN LIGHT! Mabilis kong inapakan ang accelerator at halos magwala ang makina ng kotse ko sa sobrang bilis ng pag-arangkada. Naglikha ng napakalakas na ingay ang mga gulong sa simento. Sumabay ang hiyawan ng mga tao. "Go! Go! Go!" sigaw ni Tito Lito sa earpiece ko, pero di ko na halos marinig dahil sa ingay ng makina at mga tao. "Piece of cake," bulong ko habang binibilang ko ang bawat gear shift, kasabay ng mabilis na pag-akyat ng RPM meter. Agad akong nasa unahan, pero ramdam ko ang presensya ng dalawang kotse sa likuran ko. Hindi pa tapos ang laban, hindi ko sila pwedeng maliitin. Kailangan kong panatilihin ang focus ko sa track. Bawat kurba ng kalsada ay parang isang sayaw. Pakiramdam ko ay parang iniikot ko ang kotse ko na parang isang ballerina sa stage. Kumakapit ang gulong ko sa bawat sulok ng track, pero kailangan kong maging alerto. Isang maling galaw, at maaaring mag-drift nang wala sa plano ang sasakyan. Pero sanay na ako sa ganitong laro. ‘Di naman ako tinawag na Queen of Race kung hindi ako handa sa ganitong mga sitwasyon. Sa bawat kaliwa’t kanan na pagliko ko, ramdam ko ang hangin na sumasalubong sa kotse. Mabilis. Napakabilis ng takbo ko, pero pakiramdam ko ay kontrolado ko pa rin ang lahat. Yung mga kamay ko, parang may sariling isip na, bawat galaw ko ay eksakto. Tila nakikipag-usap ang kotse sa akin, at nararamdaman ko ang bawat pagkatalbog ng gulong sa track. "Careful on turn three, Zarina!" paalala ni Tito Lito mula sa earpiece. "Madulas ‘yan dahil sa oil spill kagabi." "Copy that," sagot ko nang mabilis. Alam ko na ito. Ilang beses ko nang nilapitan ang track na ito para sa practice run. Kabado ang mga kalaban dahil sa delikadong liko na ‘to, pero hindi ako. Ito ang specialty ko—yung mga madudulas at mahihirap na kurba. Habang papalapit na ako sa turn three, narinig ko ang isang kotse na humarurot papunta sa kanan ko. Isang mabilis na tingin sa gilid, si Marco. Isa siya sa pinaka-agresibong driver dito, at palagi siyang lumalapit sa top spot. Ngumiti ako sa loob ng helmet ko. "Let’s dance, Marco," sabi ko sa sarili ko, sabay binitawan ng konti ang accelerator para makapag-prepare sa turn. Pagdating sa mismong liko, si Marco ay mabilis na pumasok sa inside lane. Mukhang gusto niyang mag-overtake, pero alam ko na ang balak niya. Masyadong mabilis ang pasok niya, at hindi na makokontrol ang kotse niya sa paglabas. Nakita ko na ito dati. Inapakan ko nang husto ang brake, sabay inikot ang manibela para makuha ang perfect angle. Sumabay ang kotse ko sa galaw ko, parang kinalkal ko lang ang track. Sa likod ko, narinig ko ang pag-slide ng gulong ni Marco. Sinubukan niyang ipilit, pero kinapos siya sa pagliko. Napaangat ang gilid ng kotse niya, at halos sumayad na ito sa barrier. "Told ya," bulong ko ulit sa sarili ko. "Damn it!" Sigaw ni Marco sa radio. Narinig ko na lang ito mula sa feed ng race control. Kasabay ng sigaw niya, nagsimula nang humupa ang tunog ng makina niya. Halata na ang pagkadismaya niya sa sarili. "Good job, Queen!" sigaw ni Tito Lito sa earpiece ko. "Maintain your lead, clear na sa likod!" Pero hindi pa ako tapos. May ilang laps pa, at hindi ko pwedeng bitiwan ang focus ko. Ramdam ko pa rin ang pressure ng karera. Ang kotse ko, parang bullet sa bilis ng takbo. Pinaalalahanan ko ang sarili ko na huwag mag-relax kahit na alam kong malayo na ako sa iba. Sa bawat lap, palakas nang palakas ang mga sigawan mula sa mga tao. Hindi ko sila nakikita, pero naririnig ko sila. Minsan, kapag dumadaan ako malapit sa stands, naririnig ko ang mga sigaw na "Go Zarina!" o kaya'y "Queen! Queen!" Parang dagdag sa adrenaline rush ang bawat sigaw nila. Mas lalo akong ginaganahan. "Mukhang hindi ka na aabutan, Queen!" sabi ni Tito Lito, halatang masaya at kampante na. Pero hindi ako nakinig. Alam kong sa karerang ganito, kahit isang segundo lang ang maaksaya, pwede kang maagawan ng puwesto. Hindi ako pwede maging kampante. Ilang sandali pa, nakita ko na ang finish line. Halos abot kamay ko na ang panalo, pero kailangan kong siguraduhin. Hindi pwedeng magkamali sa huling sandali. Mabilis ang takbo ng kotse ko, at wala akong balak bumagal. Dumaan ako sa huling liko, inaasinta ko na ang perfect exit nito. "Let’s finish this," sabi ko, at sa huling pag-apak ko sa accelerator, humarurot ako papunta sa finish line. Ang mga ilaw ay nagsimulang mag-flash sa gilid, at sabay ng sigawan ng mga tao ang pagsabog ng tunog ng makina ko. Paglampas ko sa finish line, halos hindi ko maramdaman ang pagdausdos ng kotse ko. Tahimik. Pero biglang sumabog ang ingay ng crowd. Kasabay ng mga sigaw nila ay ang tunog ng buzzer na hudyat ng pagtatapos ng karera. Panalo. "That's my Queen!" Sigaw ni Tito Lito sa earpiece ko, at narinig ko rin ang ibang mga tao sa pit na nagpupugay sa akin. Ngumiti ako, pero hindi ako bumaba agad ng kotse. Huminga muna ako ng malalim, at pinakiramdaman ko ang sarili ko. **************** Huminto ang kotse ko sa pit lane. Ramdam ko pa rin ang t***k ng puso ko na bumibilis, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa adrenaline rush ng pagkapanalo. Nasa loob pa rin ako ng kotse, hinihintay kong humupa ang ingay ng crowd. Ngingiti-ngiti ako sa sarili ko habang tinatanggal ang helmet. Panalo na naman. Ito ang buhay na pinili ko—ang buhay ng isang racer. Pagkabukas ko ng pinto ng kotse, agad na lumapit si Tito Lito, may malaking ngiti sa mukha niya. "Ayos, Zarina! Panalo ka na naman!" sabi niya habang tapik sa balikat ang pagbati. Tumawa siya nang malakas, halos ‘di mapigil ang tuwa. "Ibang klase ka talaga, Queen! Hindi ka nagpapatalo. Grabe!" Bumaba ako ng kotse at huminga ng malalim. Ramdam ko ang init ng makina sa paligid ko at ang bango ng gasolina at goma mula sa race track. Tumingin ako kay Tito Lito, ang tanging tao sa buhay ko na alam ang sikreto ko. Siya lang ang nakakaalam na si "Zarina, the Queen of Race" ay parehong tao na si "Zarina Demirova," ang babaeng laging inaasahan ng ina niyang maging perpekto. "Salamat, Tito," sagot ko, pinipilit magmukhang kalmado kahit na sa loob ko ay gusto kong sumigaw ng tuwa. Hindi lang dahil sa panalo, kundi dahil nagawa ko ulit ang bagay na mahal ko. "Ang galing-galing mo talaga! Nakita ko kung paano mo iniwasan si Marco sa turn three, perfect ang timing mo! Pero," lumapit siya sa akin, at nagbaba ng boses, "alam mo bang nanonood si Tita Carmen sa news kanina? Nakita niya yata ang interview mo pagkatapos ng race." Bigla akong kinabahan. “What? Sa news?” Napalunok ako. Bawat panalo ko, madalas may interview pagkatapos. Hindi ko napansin na kanina ay live pala sa telebisyon ang coverage ng race. "Seryoso ba, Tito?" "Oo, pero kalma lang. Hindi naman niya sigurado ‘yun. Hindi niya alam na ikaw ‘yun. Suot mo pa rin ‘yung helmet mo habang ini-interview ka." Napahinga ako nang malalim, pakiramdam ko'y bumalik na ulit ang bilis ng t***k ng puso ko—pero ngayon hindi dahil sa saya, kundi dahil sa takot. Kung malalaman ng mama ko ang tungkol dito, alam ko na kung ano ang magiging reaksyon niya. Galit, sigurado. Disappointment, mas lalong sigurado. Isa siyang perfectionist, at ayaw niyang may bahid ng imperfection ang buhay namin. "Tito, hindi pwede malaman ni Mama. Hindi pa ako handa. Alam mo kung gaano siya kastrikto. Isa lang ang gusto niya—maging perfect daughter ako, ‘yung tipong sumusunod sa lahat ng plano niya. Hindi niya kayang tanggapin ‘to." Tumingin sa akin si Tito Lito, at tumango. "Alam ko, Zarina. Pero darating ang araw na hindi mo na ito kayang itago sa kanya. Lalo na kapag mas sumikat ka pa sa racing world. Hindi mo habang buhay malilihim ang ginagawa mo." Alam ko may punto siya, pero hindi ko kaya isipin ang magiging reaksyon ng mama ko kapag nalaman niyang sumasali ako sa mga illegal at street races. Hindi ito bahagi ng plano niya para sa akin. Gusto niya akong gawing perfect lady—yung tipong edukada, elegante, at nakikita ng mga tao na perpekto sa lahat ng bagay. Pero hindi ko kaya. Hindi iyon ang buhay na gusto ko. Lumapit si Tito Lito at pinatong ang kamay niya sa balikat ko. "Zarina, alam kong mahirap ito para sa’yo. Pero tandaan mo, hindi mo kailangan maging perfect sa mata ng iba. Mas mahalaga kung masaya ka sa ginagawa mo." Umiling ako. "Alam ko, Tito. Pero iba kasi si Mama. Sobrang taas ng expectations niya sa akin. Gusto niya akong gawing reflection ng mga pangarap niya na hindi niya natupad." "Mahirap nga, pero tignan mo naman, ikaw na ngayon ang Queen of Race, hindi dahil sa gusto ni Mama mo, kundi dahil ito ang passion mo. Hindi ka nagpapatalo sa track, at hindi ka rin dapat magpapatalo sa kung ano man ang expectations ng iba." Napatingin ako sa malayo, sa mga ilaw ng race track na kumikislap. Sa isang banda, gusto kong magpatuloy dito—sa buhay na ito. Ito ang buhay na gusto ko. Dito ako malaya. Dito ako masaya. Pero sa kabila ng lahat, parang may bigat pa rin na nakasabit sa balikat ko. Isang parte sa akin ang patuloy na gustong pasayahin ang mama ko, kahit alam kong hindi siya magiging masaya sa kung ano ako ngayon. "Nakakapagod na, Tito. Nakakapagod na maging perfect na anak. Alam ko, sa oras na malaman ni Mama ‘to, sigurado akong masasaktan siya. Pero hindi ko naman kayang itigil ‘tong ginagawa ko. Hindi ko kayang iwanan ‘to." "Siyempre, hindi mo kailangang itigil ‘yan," sagot ni Tito Lito, seryoso na ngayon. "Nandito ako para suportahan ka. Ano man ang mangyari, nasa likod mo ako. Pero alam mo rin naman na darating ang oras na kailangan mong harapin ang totoo. Hindi mo pwede habambuhay itago ‘to. Lalo na kung gusto mong maging masaya sa buhay na ‘to." Tumango ako, pero hindi ko pa rin magawang pag-isipan ang posibilidad na iyon. "Paano kung malaman niya, Tito? Paano kung bigla niyang malaman na tumatakbo ako sa karera? Alam mo kung gaano siya kasakit magsalita, lalo na kapag disappointed siya. I'm tired of hearing those words. I'm tired of being someone I’m not." Tiningnan ako ni Tito Lito na para bang iniintindi niya ang lahat ng nararamdaman ko. "Zarina, hindi mo kontrolado ang sasabihin ng mama mo. Pero kontrolado mo ang magiging reaksyon mo. Kung alam mo sa sarili mo na ginagawa mo ‘to dahil mahal mo, wala kang dapat ikatakot. At lagi kang may pagpipilian—kung magpapadala ka sa sakit ng salita niya o ipaglalaban mo ang sarili mong kaligayahan." Hindi ko maiwasang mapalunok. Tama si Tito Lito, pero masakit pa rin isipin. Alam kong sa oras na malaman ni Mama, masasaktan siya. Magagalit siya. Pero tama rin si Tito Lito. Hindi ko pwedeng itago habambuhay ang tunay na ako. Pero hindi pa ako handa. “Alam kong tama ka, Tito. Pero… hindi ko pa alam kung kaya ko na.” “Darating ang panahon na makakaya mo rin,” sagot niya, at ngumiti nang bahagya. “Hindi kita minamadali. Pero tandaan mo, hindi ka nag-iisa. Laging nandito ako, sumusuporta sa’yo.” Ngumiti ako nang bahagya. “Salamat, Tito. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon kung wala ka.” "Alam mo, sa totoo lang," sabi niya, “ikaw ang lakas ng loob ko, Zarina. Pinapakita mo sa akin na kahit na gaano kahirap, basta mahal mo ang ginagawa mo, may paraan. And one day, kahit ang mama mo, makikita rin niya ‘yan.” Gusto ko sanang maniwala. Pero sa ngayon, masaya na akong alam ko na may isa akong kakampi sa tabi ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.6K
bc

His Obsession

read
92.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook