Emir Mehmet Yıldırım POV Damn it! Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Lahat naman ng ginagawa ko, sinasanay ko ang sarili ko sa logic, sa reason, sa facts. Pero pagdating kay Alex, parang nawawala lahat ng sense. I mean, he’s a guy. I’m a straight man—straight as an arrow. So, bakit ganito? Bakit ako nag-iinit sa tuwing may lumalapit na babae sa kanya? Bakit ako nagseselos? Pinilit kong tumingin ulit sa mga papeles sa harapan ko, pero wala. Hindi ko magawang mag-concentrate. Para bang imbis na numbers ang makita ko, mukha ni Alex ang tumatakbo sa isip ko. 'Yung mga ngiti niya, 'yung tawa niya. Lalo na ‘yung mga panahon na iniiwasan niyang magkamali sa harap ko, pero obvious na tanga siya minsan sa mga diskarte niya. Sinuntok ko ang mesa ko, mas malakas kaysa sa dapat. “What th