EMIR P.O.V Nakaupo ako sa swivel chair ko, pero hindi ko maiwasang ibaling ang tingin kay Alex. Nasa sofa siya ngayon, nakabukaka pa ang mga binti habang kumakain ng popcorn. Nakatuon ang mga mata niya sa iPad na iniwan ko sa kanya para hindi siya mabagot dito sa office. Pero, sa totoo lang, hindi ko naman alam kung bakit hindi ko siya pinaalis. Hindi ko rin alam kung bakit ayokong lumabas siya—o mas malala, lapitan siya ng mga babaeng empleyado ko. Bakit nga ba siya laging attractive sa mga babae? Nakita ko na ilang beses na siyang nilalapitan ng mga empleyado ko, nagtatawanan sila, minsan nga, parang siya pa 'yung bumibida. Hindi ko nga maintindihan—he's a man, pero bakit parang may kung anong... vibe sa kanya na napapalingon lahat ng babae? Damn it. I’m overthinking again. Pero hindi