ZARINA P.O.V Nasa harap ako ng kotse, nakabukas ang pintuan para papasukin si Boss Emir. Nakaayos na ang lahat—meeting done, tapos na ang trabaho ko dito. Pagkaayos ni Boss sa upuan, handa na akong umalis nang biglang may humintong police car sa mismong harapan ng sasakyan namin. Napalingon si Boss Emir, kita ko sa mukha niya ang gulat at pagka-inis. "Tangina, ano na naman ‘to?" bulong niya sa sarili, pero diretso ang tingin niya sa mga pulis na papalapit. Agad siyang bumalik sa dating postura, ‘yung parang normal lang kahit halata mo namang nag-aalala siya. Sininyasan niya ako ng mabilis, “Alex, close the door.” Sumunod naman agad ako, isinara ko ang pintuan at bumalik sa tabi ng sasakyan. Parang may nangyaring hindi tama, ramdam ko na may kakaiba sa paglapit ng mga pulis. Pagkabuka