ZARINA P.O.V Wow, unang araw ko sa trabaho at hindi ko maikakaila na kinakabahan ako. Hindi lang basta-basta ‘to, kasi si Boss ay big time. Ang pangalan pa lang niya, Emir Mehmet Yıldırım, ang sosyal, di ba? Mukhang may dugong Turkish, at grabe, ang gwapo! Pero syempre, kailangan kong mag-focus. Hindi pwede akong magpahalatang impressed ako kay Boss. May trabaho ako, at kailangan kong gawin ‘yun nang tama. Nakahanda na ako ngayon para sa unang araw ko bilang driver niya. Hindi basta-basta ang trabaho na ‘to, so purmadong purmado rin dapat ako. Nakasuot ako ng fitted na black suit, tailored perfectly para magmukhang professional. May maliit na shoulder pads na nagpadagdag ng dating sa katawan ko, at bagay na bagay ito sa bagong gupit ko. Mukha akong bodyguard, pero driver lang naman. Naka