ZARINA P.O.V Napasapo ako sa noo ko habang nakatitig sa TV. Laman ng lahat ng news channels ang pagkawala ko. Hindi ko akalain na gagawin ito ni Mom. Pina-headlines niya talaga ang buong bansa dahil lang hindi ako umuwi kagabi. "Breaking news: Heiress of Demirova Corp, Zarina Demirova, missing!" Ang laki ng mukha ko sa screen, halos hindi ko matignan. Para bang isang malaking krimen ang ginawa ko. "Are you serious, Mom?" bulong ko sa sarili ko, habang pinipilit hindi mag-panic. Pero alam ko sa sarili ko na deep inside, nagsisimula na akong kabahan. Napatingin ako kay Troy, na walang ginawa kundi tumawa. "Seriously, Troy?" sabi ko, napairap. "Why are you laughing? This is a serious problem!" "Hindi ko lang mapigilan, Zarina," sagot niya, halos hindi makahinga sa kakatawa. "Your mom lit