ZARINA P.O.V
Hindi nga nagbibiro si Mom. Pagkatapos ng sampal at sermon, wala siyang sinayang na oras. Pinasama niya ako sa kumpanya, literal na itinapon sa office na parang isang bagong intern. “Ano’ng akala mo, makakawala ka sa akin?” Parang ‘yun ang naririnig kong boses niya sa utak ko, kahit hindi naman niya ako sinasabihan ng ganun harap-harapan.
First day pa lang, ramdam ko na agad ang boredom. Akala ko magiging chill lang, pero hindi—seryosong trabaho ito. Sinimulan ako sa pinakamababa. Sa lahat ng dapat asikasuhin, mula sa mga papel hanggang sa pag-manage ng schedules, wala ni kaunting special treatment. Nakakatamad. Nakakainip. Para bang sinasadya ni Mama na gawin akong isa sa mga regular na empleyado para iparamdam na hindi ako espesyal kahit siya ang may-ari ng kumpanya.
“Zarina, this is your desk.” Nakangiti si Ms. Tess, yung secretary ng mom ko. Akala mo mabait, pero halata mong binabantayan niya ako. “You’ll be working here. Ang first task mo ay asikasuhin ‘yung mga files na nasa inbox mo. Simple lang ‘yan, you just need to categorize them according to department.”
Napakunot ang noo ko. “That’s it?”
“Oo, simple lang talaga. Pero kailangan mong maayos na gawin dahil titignan ni Ma’am Demirova lahat yan by the end of the week,” she said, maintaining her polite tone, pero alam kong nagbabantay lang siya kung ano magiging reaksyon ko. Nakakainis.
Umupo ako sa desk at sinimulan ko na ang trabaho. Nakaka-stress. Seryoso, ito ba talaga ang dapat kong ginagawa ngayon? Sa dami ng pwede kong gawin sa labas, sa track, kasama ang mga kaibigan ko, heto ako, nag-aayos ng mga papeles. Pumipitik-pitik pa ang mga ilaw sa opisina—so corporate, napakaboring ng vibes.
Halos isang oras pa lang akong nagtatrabaho nang maramdaman kong sumasakit na ang ulo ko. Ang daming numbers, forms, at mga dokumentong dapat tapusin. Pinagmamasdan ko ang iba pang empleyado. Ang saya-saya nilang magtrabaho, parang okay lang sa kanila yung ginagawa nila. Ako? I just wanted to leave. I wanted to run. I wanted to race.
“Zarina, okay ka lang ba?” Napansin ni Ms. Tess na parang tulala ako.
Napangiti ako ng pilit. “Yeah, I’m fine. Just... not used to this.”
Tiningnan niya ako saglit, tapos ngumiti ng konti. “You’ll get used to it. Ganito talaga sa umpisa. Everyone starts at the bottom.” Parang gusto niyang sabihin na kahit anak ako ng boss, hindi ako exempted sa mga basic na gawain. “It’s a learning process.”
Nakayuko ako, sinubukang maging productive kahit wala talaga akong gana. Alam kong si Mama ang nagdikta ng lahat ng ito. Pati school ko, kontrolado niya. Walang face-to-face classes, puro online lang sa gabi. Of course, madali lang para kay Mama na gawin ‘to. Kilala niya lahat ng tao sa school. Yung mga connections niya, walang makakaharang.
Ang totoo, wala akong kawala. “Stuck” ako sa sitwasyon na to, hindi ko alam kung hanggang kailan.
After a while, lumapit si Tito Lito. “Kumusta ka dito?” tanong niya nang may halong ngiti, pero alam kong nag-aalala siya para sa akin.
“Bored to death, Tito,” sagot ko sabay sigh. “Hindi ko talaga gusto ‘to.”
Tumawa siya ng mahina. “Kaya mo ‘yan. Alam mo naman ang mom mo, gusto niyang siguraduhin na alam mo ang lahat tungkol sa negosyo bago ka humawak ng kahit ano.”
“But Tito, I’m not even learning anything useful. It’s all... boring paperwork,” reklamo ko habang pinipindot-pindot ang ballpen sa kamay ko. “Paano ako magiging future CEO kung ganito lang lagi ang gagawin ko?”
Ngumiti lang si Tito. “Trust me, may mga bagay kang matututunan dito na importante rin. Hindi laging exciting, pero kailangan mo ng patience.”
Napabuntong-hininga ulit ako. “Ang hirap mag-focus. I’d rather be out there... racing, you know?”
Nagkibit-balikat si Tito. Alam niya na mas gusto kong nasa labas ako ng opisina, kasama ang mga kaibigan ko o kaya nasa track. Alam niya ring kaya kong mag-focus kung racing ang pinag-uusapan. Pero ngayon? Dito sa opisina? Iba ‘to.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan kong gawin ‘to. “Tito, do you think Mom’s right? Na kailangan ko talaga ‘tong pagdaanan?”
Tumingin siya sa akin, seryoso. “Well, she’s your mom. And minsan, kahit ayaw natin, may mga bagay tayong kailangan gawin for our own good. Baka may nakikita siya na hindi mo pa nakikita ngayon.”
Typical Tito Lito answer, palagi siyang nasa middle ground, never taking sides. Pero na-appreciate ko yun. At least, hindi siya gaya ni Mom na sobrang controlling.
Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga papeles. Habang nag-eencode ako, hindi ko maiwasang isipin ang mga susunod na linggo. Ilang linggo ba akong ganito? Ilang linggo na parang nakatali sa desk na to, walang exciting na nangyayari?
At higit sa lahat, paano ko maitatawid ang mga karera ko?
Inabot ng tatlong oras bago ko natapos ang first batch ng mga files. Tinignan ko ang oras—wow, still a long way to go. Naramdaman ko na ang stiff neck ko, kaya tumayo ako sandali para mag-stretch.
Pagbalik ko sa desk ko, narinig ko ang pamilyar na boses ni Mom sa kabilang kwarto. “How’s she doing?” tanong ni Mama kay Ms. Tess.
Napailing ako. Of course, she’s monitoring me.
“She’s fine, Ma’am. Medyo adjusting pa lang pero she’s doing her best,” sagot ni Ms. Tess na parang robot.
Narinig ko si Mama na sumagot ng, “Good. Ayokong isipin niyang madali ang buhay. Kailangan niyang malaman kung paano ang realidad ng trabaho. Hindi pwedeng laging laro o racing lang.”
Napasandal ako sa upuan ko. Parang ang bigat-bigat ng bawat hakbang na ginagawa ko dito. Paano ko ba ipapaliwanag kay Mama na iba ang mundo ko? Na hindi ko nakikita ang sarili ko sa opisina habang buhay?
Bumalik si Tito Lito, may dala pang kape. “Here, baka kailangan mo ng break.”
Tinanggap ko iyon. “Salamat, Tito.” Magkapatid si Tito Lito at Mommy ang kaibahan hindi takot si Tito Lito kay mommy inaasar panga niya si Mommy eh, tinatawag niya itung Tita Carmen.
Habang iniinom ko ang kape, tinititigan ko ang computer screen. Nagiisip ako ng paraan para makawala, kahit isang saglit lang. Pero alam kong wala akong takas. For now.
Nagpatuloy ako sa trabaho ko, kahit pa hirap na hirap akong mag-concentrate.
************
Nakatitig ako sa wall clock ng opisina, parang bumabagal ang oras. Hindi ko na kaya ‘to. Ang init ng ulo ko, parang gusto kong sumabog. Pigil na pigil na ako kanina pa. Sobrang boring. Tiningnan ko ulit ang mga papel na nakatambak sa harap ko—ang dami pa, wala pa ako sa kalahati. Pero wala na akong pakialam. May plano na akong tumakas mamaya after lunch.
Hindi ko matatagalan ‘tong ganitong trabaho. Seryoso. Hindi ko nga alam kung paano ko natagalan hanggang ngayon. Pero enough is enough. Bahala na. Pinapause na rin ni Mommy ang credit cards ko, so what’s the point of staying? Wala na siyang hawak sa akin kung ganon.
Nag-swipe ako sa phone ko, hinanap ko yung mga latest messages ng mga kaibigan ko. “Ready anytime,” sabi ni Troy, isa sa mga close friends ko sa racing. “Just let us know when.”
Tumingin ako sa paligid. Lahat ng tao, busy. Nagpatuloy sila sa trabaho, habang ako, hindi na makapag-focus. Ang nasa isip ko na lang ngayon ay ang pagtakas.
Bago pa tumuloy ang plano ko, napansin ni Ms. Tess na hindi na ako kumikilos. Lumapit siya. “Zarina, everything okay?”
Ngumiti ako ng pilit. “Yeah, just... tired.” Seryoso, gusto ko na siyang iwasan. Alam kong siya ang mata ni Mommy sa office na ‘to.
Pero bago pa siya makapagtanong ulit, biglang tumunog ang telepono sa desk niya. Napatigil siya at agad na sinagot ito. “Yes, Ma’am. Opo, Ma’am, okay na po lahat dito.”
Si Mommy. Laging may mata sa likod ko, kahit hindi siya personally narito. Ang suffocating. Kaya sa isip ko, kailangan ko na talaga ng escape plan.
Nang bumalik si Ms. Tess sa desk niya, dumukot ako ng papel sa drawer at nagsimulang magsulat ng note kay Mama. Diretso lang, walang paligoy-ligoy.
Mom,
I’m sorry, but I can’t do this anymore. I’m leaving. Alam kong hindi mo matatanggap ito, but I need to live my life on my own terms. Please don’t try to find me. I’ll be fine.
Love, Zarina.
Simple. Hindi na kailangan ng drama. It’s time for me to live my life alone. Bahala na kung anong sabihin ni Mama. Hindi ko naman siya mapapasaya kahit anong gawin ko. At least, sa ganitong paraan, magkakaroon ako ng kalayaan.
Nang dumating ang lunch break, agad kong inayos ang mga gamit ko. Hindi ako nagpapahalata. Dahan-dahan, binabalik ko ang mga gamit ko sa bag, pati na rin yung sulat ko. Lumabas ako ng office at nagpunta sa cafeteria. Pero sa totoo lang, wala akong balak bumalik.
Pagdating ko sa cafeteria, nagkukunwari akong kumakain habang hinihintay ko yung tamang oras. Inopen ko ulit ang phone ko at nag-text kay Troy.
“Meet me in 30 minutes. Same place.”
Habang kumakain ako, iniisip ko kung ano magiging reaksyon ni Mama kapag nakita niya yung note. Magagalit ba siya? Magmumura? O magpapadala ba siya ng buong army para hanapin ako? Alam ko na ang sagot—gagawin niyang lahat para makabalik ako. Pero this time, I’ll make sure na hindi ako mahahanap.
Lumipas ang 15 minutes at bumalik na ako sa office. Diretso ako sa desk ko para kunin yung mga naiwan ko. Pagkakuha ko ng lahat ng gamit, tahimik akong lumakad papunta sa exit. Bago ako lumabas ng pintuan, nilapag ko ang note ko sa mesa ni Ms. Tess, para masigurong makakarating kay Mama.
Paglabas ko ng building, huminga ako ng malalim. Ang sarap ng pakiramdam na nasa labas ako ulit. It’s like a weight has been lifted off my chest. Hindi ko na kailangan magpanggap. Hindi ko na kailangan magkunwaring okay ako.
Naglakad ako hanggang sa may parking lot. Pagdating ko roon, nakita ko na si Troy, naka-park na ang kotse niya at naghihintay. Binuksan niya agad ang pinto para sa akin.
“Hey, you made it,” bati niya, nakangiti.
“Of course I did,” sagot ko habang sumakay sa passenger seat. “I’m done with this. Hindi ko na kaya, Troy.”
Pinandilatan niya ako ng mata. “Are you sure about this? You know your mom will freak out.”
Huminga ako ng malalim. “Yeah, but I don’t care anymore. I can’t keep living like this. Ayoko nang kontrolado niya lahat ng aspeto ng buhay ko.”
Tumango si Troy. “Well, you’ve always been a fighter. If anyone can pull this off, it’s you.”
Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. “Thanks. I just need to get away from all of it.”
Pagkasindi niya ng makina, naramdaman ko na ang excitement. Finally, eto na. Makakalaya na ako. Habang binabaybay namin ang daan, nararamdaman ko na unti-unting nawawala ang stress. Hindi na ako nakatali sa opisina. Hindi na ako nakakulong sa mga expectations ni Mama.
“Where do you want to go?” tanong ni Troy habang nagmamaneho.
Tumingin ako sa labas ng bintana, iniisip ang susunod na hakbang. “Anywhere but here.” Tumawa ako ng mahina. “I just want to disappear for a while. I want to race, live my life without all the pressure.”
Napatango si Troy. “Sounds like a plan. May alam akong lugar. Quiet, secluded... and there’s a race track nearby.”
Agad akong napangiti. “Perfect.”
Tuloy-tuloy lang kami sa daan. Iniwan namin ang lahat. Wala nang back-up plans, wala nang pagbalik. Hinahanap ko na lang yung lugar kung saan pwede kong simulan ulit. Yung buhay na hindi dictated ng iba, kundi ng sarili kong mga desisyon.
Nag-iisip pa rin ako kung anong mangyayari sa kumpanya. Baka si Mama, magalit nang sobra. Pero sa ngayon, hindi ko muna iniintindi iyon. Ayoko na muna mag-alala.
Tuloy-tuloy lang ang takbo ng kotse ni Troy habang papalayo kami. Nakaramdam ako ng kakaibang kalayaan, para bang bumalik ako sa sarili kong mundo. Racing, speed, freedom—ito ang gusto ko.
Tumingin ulit ako sa likod, sa direksyon ng opisina. This is it. Ito na yung huling pagkakataon na makikita ko ang lugar na ‘yun.
Huminga ako ng malalim at ngumiti. Finally, I’m free.