NAKANGUSO AKONG nakikinig sa adviser namin sa math na si ma'am Dina Masikip. Isang matandang dalaga na pasimpleng nagpapapansin kay Migo.
"Nakikinig ka ba?" mahinang untag ni Migo sa akin na napansing nakatulala lang ako at obviously ay walang pumapasok sa taks o sa dini-discuss ng adviser namin.
"Bakit pa ako makikinig? Hindi ko rin naman naiintindihan" mahinang sagot kong ikinahagikhik nitong napakurot sa hita ko.
Napakagat ako ng ibabang labi na pigil-pigil ang sariling matawa.
Totoo naman kasing wala akong naiintindihan sa subject na math. Alam ni Migo yan. Dahil lagi itong nakatabi sa akin mula elementary. Siya ang tumutulong sa akin para makapasa sa mga subject namin lalo na nga sa math.
Matalino kasi si Migo. Hindi tulad namin ni Siobe na nakakapasa lang dahil palihim kaming pinapakopyahan nito. Tinuturuan din niya kami sa tuwing review namin para matandaan ang mga napag-aralan naming mabilis maglaho sa mga taks o naming magpinsan.
"Kaya nga dapat nakikinig ka Vi, para maunawaan mo kung paano mag-solve ng problem. Ang hina mo pa naman sa math" bulong nitong ikinaismid kong napanguso.
Napatikom ako ng bibig nang lumingon dito sa likod kung saan ang pwesto namin nila Siobe at Migo si ma'am Dina Masikip. Napataas pa ito ng kilay sa akin na makitang magkadikit na naman kami ni Migo. Hindi naman na bago sa akin 'to. Ang nasusungitan ako ng mga tao sa paligid ko dahil kay Migo. Mapa mga teacher man namin, schoolmates o ka-barangay pa yan. Sa dami nila ay na-immune na akong magpasensiya na lamang. Hindi rin naman kasi nila ako inaaway dahil alam nilang malalagot sila kay Migo kapag inaway ako.
MAGHAPON AKONG napapanguso at sunod lang sa mga adviser namin. Ewan ko ba. Kahit naman kasi mag-focus akong makinig sa mga paliwanag nila ay parang lalo lang nagkakabuhol-buhol ang mga braincells kong hindi naman gumagana. Matalino naman ako sa ibang bagay. Lalo na sa pagtatago ng totoong nararamdaman. Kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa ako nabibisto ni Migo na pinagpapantasyahan ko siya gabi-gabi bago matulog na balang araw ay magpapakasal kaming dalawa. Magkakaroon ng mga anak. Magkasamang tatanda, at mag-aalaga ng mga makukulit naming apo. Isang masaya, at malaking pamilya na sa kanya ko lang inaasam-asam....mangyari sa buhay ko.
"Daanan kita mamaya, magbibihis lang ako" ani Migo pagkababa ko sa tapat ng bahay namin.
Napakunotnoo naman akong nagtatanong ang mga matang napatitig dito. Napangiti itong inabot na inayos ang buhok kong sabog-sabog na tumatabing na rin sa mukha ko dahil wala naman kaming mga suot na helmet kaya literal na sasabog ang buhok namin lalo na't hindi kami mahilig ni Siobe na magpusod ng aming buhok.
"Basta. Magbihis ka na don. Daanan kita mamaya" anito na ngumuso sa bahay.
"Yieeehh date ba yan?" napapairit na tudyo sa amin ni Siobe na ikinatawa namin ni Migo. Palihim ko naman itong pinandilatan ng mga mata na ikinahagikhik lang nito.
"S-sige" napakindat itong muling pinaharurot ang motor nito. Ihahatid pa kasi nito si Siobe sa kabilang kanto.
Nangingiti akong pumasok ng bahay. Naabutan ko naman si nanay na nagtutupi ng aming labahin.
"Mano po Nay" inabot naman nito ang kamay ko na sa gawain nakamata.
"Kaawaan ka ng Diyos anak" anito na hindi manlang ako sinulyapan. "Magbihis ka na don. May dala akong pancit dyan sa kusina"
"Opo!" masiglang saad kong mabilis pumasok ng silid ko at nagbihis. Ramdam ko ngang nagugutom na ako sa maghapon naming pagsusunog ng kilay pero wala din naman ni katiting ang sumabit sa braincells ko.
"Saan galing 'to Nay?" tanong kong napasamyo sa pancit bihon na nakalagay sa tupperware. "Hmmm..."
Napangiti akong takam na takam naglagay sa plato ko lalo na't may kasama pa itong mga kalamansi na piniga kong pinanghalo dito.
"Sa kapitbahay, idinaan ni manong Lucio" anitong ikinatigil ko sa pagnguya sa pansit na nakapondo na sa loob ng bibig ko.. "Hahahaha! Bakit?" natatawang saad nito na malingunan akong natigilan.
Nailuwal ko ang nasa bibig kong pansit at napainom ng tatlong basong tubig. Lalo naman itong natawa na nakamata sa akin at napapailing.
"Nay naman! Bakit naman kayo tumatanggap ng pagkain mula sa matandang 'yon??" panenermon ko na nawalan na ng gana at dinala sa bowl ni meownam ang pancit na sanay kakainin ko. Si meownam ang alaga kong pusa na mataba at purong itim ang kulay. Regalo sa akin ni Migo noong nakaraang birthday ko dahil yon ang hiningi ko sa kanyang regalo. Ang alaga niyang si meownam.
"Malinis naman yan at masarap. Ang arte mo" ismid nitong napapahagikhik.
"Huh!? Eh kung may gayuma yan Nay? Nilawayan? Hinaluan ng kulangot? O pawis? O--"
"O ipaasawa na kita sa kanya" namilog ang mga mata ko sa pagputol nito sa iba pang sasabihin ko. Napahalakhak ito na napapailing. "Ang OA mo. Nagmagandang loob na nga yong tao sa atin, huhusgaan mo pa"
"Nay naman!" maktol kong pabalang na naupo sa mahabang monoblock naming upuan.
"Bakit?" taaskilay nitong tanong.
"Tss. Hwag nga kayong tumatanggap ng mga binibigay ng matandang yon sainyo" may halong panenermon ko.
"At bakit? Biyang naman. Hindi mo ba nakikita? Hinihintay ka ni manong Lucio. Kaya nga ngayon pa lang nanunuyo na yung tao" pagak akong natawa na napailing at nagkunwaring duwal nang duwal na ikinatawa nitong binato ako ng damit na tinutupi.
"Nakakasuka Nay. Papasa na nga siyang ninuno ko" napahagalpak ito ng tawa kaya natatawa na rin akong nahahawa sa lutong ng halakhak nito.
"Grabe ka sa ninuno Biyang. Lolo pwede pa. Ang sama mo sa tao hah. Hindi magandang asal yan. Nagmamalasakit yong tao sa atin"
"Hmpft! Ang sabihin niyo gusto akong asawahin. Huh?! Mangarap siya!" pagsusungit ko. Napapailing lang naman ito na natatawa din.
"Ayaw mo nun? May jowa ka na? May kuya ka na? May tatay ka na? May lolo ka pa Biyang"
"Hahahah! At may ninuno din Nay. Kilabutan nga kayo. Mukhang isang bulaga ko lang don eh.....susunduin na ni San Pedro" pambabara ko na napa-sign of the cross. Napahagikhik naman ito.
"Pero kung lalawakan mo lang ang isip mo Biyang? Hindi ka na lugi kay manong Lucio. Aba? Sa yaman ng matandang yon, hindi mo na poproblemahin ang kinabukasan mo" napaikot ako ng mga mata na naduwal kaya natawa ito.
"Sainyo na lang Nay. Wag niyo akong idamay" ismid ko.
"At sinong gusto mo? Yong anak ni Bakekang?" napanguso ako. Naiiling naman ito. "Para namang papatulan ka ni Migo, eh sa tagal-tagal niyong magkaibigan ni minsan ba nagpakita siya ng motibo na may gusto siya sayo?"
Napabusangot akong nahiga ng upuan. Tama naman si nanay. Ni minsan nama'y hindi nagpakita o pasaring si Migo sa akin na may nararamdaman itong higit pa sa pagiging mag-bestfriend namin. Kaya lalo akong nag-iingat na itinatago dito ang totoong nararamdaman ko para dito.
Maya pa'y dinig ko na ang pamilyar na tunog ng mio ni Migo at ang sunod-sunod niyang pagbusina kaya bumangon na akong ngiting-ngiti. Napataas naman ng kilay si nanay sa akin dahil kabisado din naman nito ang ugong ng motor ni Migo.
"Ano nga ulit Nay?" napapangisi kong saad. "Walang gusto si Migo sa akin? Eh bakit niya ako aayahing lumabas" namilog ang mga mata nitong napatayo.
"Lalabas kayo?!" bulalas nito sa parang hindi makapaniwala.
"Aha. Sinusundo na nga niya ako oh" nguso ko sa bintana dahil nasilip ko doon si Migo na naka-porma pa. Naka-polo black ito,cargo black short at merrell shoes na ikinalakas tuloy ng datingan niya. "Bye Nay. Ubusin niyo na po yon. Yong pancit niyo" tatawa-tawang saad ko na humalik sa noo nito bago lumabas ng bahay.
"Hindi magkakagusto pala huh? Tignan natin nay, itaga mo sa bato. Magiging manugang mo si Migo at hindi ang matandang si Lucio" piping usal kong ikinangisi ko habang palapit kay Migo na nakaupo sa mio nitong nakangiting nakatitig din sa aking papalapit dito.
"Migo....magiging akin ka rin. Sisiguraduhin kong....ikaw ang magiging asawa at ama ng mga anak ko"