bc

TILL my HEARTACHE ENDS

book_age18+
1.7K
FOLLOW
9.1K
READ
badboy
police
drama
bxg
campus
small town
childhood crush
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila, hindi nakukuha sa madalian ang pagpapahilom sa sugatang puso. Mahaba-haba ang lalakbayin mo, matagal-tagal ang hihintayin mo, hanggang sa dumating ang tamang oras, lugar, taon at tao para tuluyang paghilumin ang malalim na sugat na mag-iiwan ng malaking pilat sa puso mo.

Meet Vivian Miranda. Isang simpleng dalaga na umibig ng lubos sa kanyang kababata na kanyang matalik na kaibigan. First love, first kiss, first date, first romance, first boyfriend, first everything. And last but not the leased? First breakup. Hanggang kailan ang hihintayin niya bago mapakawalan ang ala-ala ng unang pag-ibig at unang pagkabigo nito sa ngalan ng pag-ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
VIVIAN: NAKANGITI akong nakatitig kay Migo habang abala itong nakikipaglaro ng tumbang preso sa mga kaedaran namin dito sa may basketball court ng compound namin. Napakahusay niyang umasinta na bawat hagis nito sa kanyang slipper ay napapalipad niya ang lata kaya naman naisasalba niya ang ibang mga kalaro nito. Pawisan na ito at kita ang pamumula ng kanyang pisngi dala na rin ng pagod. Dito sa aming barangay ay si Migo ang masasabi kong pinakagwapo sa lahat dahil anak lang naman ito ng isang dayuhang Italiano na binaril ng kanyang tāmod ang anak ni aling Bebang na si tita Bakekang. Kaya nagkaroon ito ng gwapong Migo na napaka-tisoy ang itsura at mapaghahalataan agad na may lahi sa isang tingin pa lang. Mula sa mga mata nitong kulay asul, makakapal at mahahaba din ang malalantik niyang pilikmata at kilay. Napakatangos ng ilong at namumula ang mga labi nitong manipis ang hugis. "Matunaw yan Vivian" nanunudyong bulong si Siobe. Ang pinsan ko na bestfriend ko din at bukod tanging may alam na crush ko si Migo. Matalik kaming magkaibigan ni Migo. Kaya nahihiya akong aminin sa kanya na may gusto ako dito hindi katulad ng mga kalaro naming lantarang nagsasabi sa kanya na mahal nila ito. Kahit nga ang purihin ko ito sa angkin niyang kagwapuhan ay hindi ko masabi-sabi sa kanya. Nahihiya kasi ako. At ayokong magkaroon ito ng ideya na may gusto ako sa kanya. Baka mamaya ay maging rason pa iyon para layuan niya ako. Bagay na hindi ko kakayanin. "Hayaan mo na ako, hanggang tingin na nga lang ang tao" mahinang bulong ko sa pinsan kong nakamata din sa gawi nila Migo na kasalukuyan pa ring naglalaro. "Umamin ka na kasi sa kanya. Tingin ko naman may gusto din si Migo sayo" nanunudyong saad nitong ikinangiti ko. "Pero hindi ako si Migo hah, kaya hwag kang umasa" Napalis ang ngiti kong sinamaan ito ng tingin na napahagikhik at piece sign sa akin. Napairap ako ditong napahalakhak na inakbayan ako. "Salamat hah, ang bait mong pinsan at kaibigan. Napaka-supportive mo" sarkastikong saad kong napahalukipkip. Tatawa-tawa lang naman itong napakamot sa ulo. "Eto naman, seryoso na" pambabawi nito na humarap sa aking tinitigan ako sa mga mata na hawak ang dalawang kamay ko. Matapang kong sinalubong ang mga mata nito at nababasa naman doon ang kanyang sensiridad. Napahinga pa ito ng malalim na akala mo'y ang laki ng problema. " Ano?" taaskilay kong tanong. Ngumiti itong pinisil-pisil ang palad kong hawak. Napalunok akong nakadama ng kakaibang kaba sa dibdib na matamang nakatitig din dito. "Tingin ko naman gusto ka rin ni Migo, Vi. Sa lahat ng mga kalaro natin? Sayo siya pinakamalapit. Na hindi siya naiilang sayo. At hindi nagsasawang kinakalaro ka. Isinasama kahit saan siya magpunta" anito na seryosong nakamata sa akin. Napahinga ako ng malalim na napatitig kay Migo. Ngayon nama'y patintero na ang nilalaro nila at katulad ng nakasanayan? Nagpapapansin sa kanya ang mga kalaro niyang kababaihan at napaghahalataang kinikilig sila dito. "Natatakot ako Siobe. Paano kung kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin? Ayokong masira ang masayang friendship namin" aniko na nangilid ang luha. Pilit akong ngumiti dito na makitang dumaan ang lungkot sa kanyang mga mata. "Okay na ako. Sapat na sa akin na malaya ko siyang nakakasama at kausap na hindi kami nagkakailangan Siobe. Isa pa, ang babata pa natin para sa pag-ibig pag-ibig na yan. Ni hindi pa nga tayo nakakapagtapos ng highschool" Natawa itong napatango-tango sa sinaad ko. Katorse anyos pa lang naman kami na nasa third year highschool. Pero mula pagkabata ay magkakaibigan na kami nila Migo dahil iisa lang naman ang barangay namin at ilang bahay lang ang pagitan ng mga bahay namin. Iisa ang eskwelahan mula elementary hanggang ngayon na highschool na kami. Kaya sa lahat ng bagay? Kami-kami ang magkakasama at damayan. Ganon ka-solid ang friendship naming tatlo lalo na kami ni Migo. "Hi girls!" napaayos kami ng upo ni Siobe nang lumapit na sa amin si Migo na basang-basa ng pawis! Nangingintab na nga ang pisngi nitong napakaputi at kinis ng balat kaya kita agad kapag pinamumulaan na ito ng mukha. Hindi katulad namin ni Siobe na morena. May mga alagang pimples pa sa mukha na hindi kami iniiwan. Mga walanghiya! "Hi" kiming bati ni Siobe na nakipag-apiran dito. Napalunok ako nang umakbay ito sa akin at mas kinabig padiin dito. "Okay ka lang Vi?" tumango akong hindi makatingin dito. Heto na naman ang puso ko. Sobrang lakas ng t***k na hindi mapakali sa ribcage nito dahil sa pagkakaakbay sa akin ni Migo milabs! "O-oo naman! Bakit naman hindi?" aniko na ikinangiti nitong pinisil ang hindi katangusan kong ilong. Sakto lang ang tangos tāngina! Pero dahil pointed nose si Migo ay nagmumukhang palatang ng niyog ang ilong namin sa ganda ng ilong nitong half Italianong 'to. Kahit nga sa balat ay wala kaming panama sa kulay at kinis nito. "Tara meryenda tayo" aya nito na hinila na akong akbay pa rin nito. Napakagat ako ng ibabang labi na pasimpleng yumakap sa tagiliran nitong ikinatalon-talon lalo ng puso ko! Napangisi akong tinaasan ng kilay ang mga kalaro namin na ang sama-sama ng tingin sa aking para na akong tinitiris katulad sa mga garapata nila sa kanilang isip-isip! Tsk. Bakas ang inggit sa kanilang mga matang nakatutok sa amin ni Migo na ikinatatawa ko ng pangdēmonyo sa isipan ko at mas niyakap pa si Migo na ikinalabi ng mga itong maiiyak na sa nakikita. Ako lang kasi ang nakakagawa ito. Ang malayang nayayakap si Migo. Pero syempre, sa tuwing nakaakbay lang ito sa akin nang hindi naman napaghahalataan ang tao. Nagtungo kami sa gilid nitong court kung saan may mga nagtitinda ng tuhog-tuhog sa tuwing hapon. Kaya naman maraming natatambay dito sa basketball'an ng barangay namin dahil maluwag dito at marami ang mapagbibilhan ng makakain. "Anong gusto mo Vi?" anito na kumalas na sa pagkakaakbay sa akin at kumuha ng stick. "Hmm..." "Ako Migs hindi mo aayahin?" singit ni Siobe na kapag usapang pagkain ay wala itong palalagpasin. Lalo na kung libre. Natawa naman si Migo na inabutan ito ng stick na nakapalapad na ng ngiting excited tumuhog ng kikiam sa kawali. "Vi gusto mo ng kwek-kwek?" ani Mogo na may dala ng plastic cups at tumutuhog na rin ng kwek-kwek at pisbol. "Sige" pagsang-ayon ko na ikinangiti nitong saglit akong sinulyapan. Ang gwapo niya talaga. Lalo na kapag nakangiti at labas ang mga ngipin nitong pang-komersiyal ng toothpaste sa sobrang puti at pantay-pantay nila. "Salamat" aniko na tinanggap ang inabot nitong kwek-kwek. Kumindat lang naman ito na muling kumuha ng isa pang plastic cups at nilagyan ng kanya. Nangingiti ako dahil kwek-kwek at pisbol din ang kinuha nito. Maging ang nilagay kong sweet and chili sauce ay ginaya nito. "Tara" saad nito na iginiya ako sa bakanteng mahabang bangko dito sa gilid. Sumunod din naman si Siobe sa amin na naupo sa tabi ko kaya napapagitnaan nila ako. Nakadikit tuloy ako kay Migo na ikinaiirit at tili ng puso kong kilig na kilig! Sanay naman na kami ni Siobe na laging nililibre ni Migo. Syempre, may kaya ito kumpara sa amin dahil sinusustentuhan ng kanyang ama mula sa Italy. Kaya naman ang pamilya nila ang may pinakamaganda at laki ng bahay dito sa barangay namin. May kaya kasi ang ama nito. Pero may sarili ng pamilya kaya hindi niya pwedeng panindigan si tita Bakekang. In short? Anak sa labas si Migo. Pero hindi ko siya kinakahiya. Dahil si Migo Fernandez, siya ang lalakeng una at nag-iisang lalakeng....mamahalin ko sa yugto ng buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.6K
bc

His Obsession

read
92.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook