"Isuot mo 'to" napanguso akong napatitig sa helmet na inaabot nito.
"Bakit? Sa kabilang bayan pa ba tayo pupunta?" takang tanong ko. Mahina itong natawa na napailing at siya na mismo ang nagsuot ng helmet sa akin. Lihim akong napapangiti at kinikilig habang nakamata ditong parang boyfriend kung makaasta.
"Sakay na" anito na nagsuot na rin ng kanyang helmet. Napalapat ako ng labi at impit na napapairit sa isip-isip. "Yumakap ka. Mamaya mahulog ka pa, hindi kita masasalo"
Nahampas ko ito sa braso na ikinatawa nito. Pero at the same time ay parang kinurot din ang puso ko sa sinaad nitong parang dalawa ang ibig sabihin. Napabuga ako ng hangin na pabalang niyakap ito sa tyan at sinadyang higpitan na ikinahalakhak nitong napisat ko ang sikmura.
"Wag namang masyado Vi, gusto mo akong māmatay" natatawang saad nito na pinaandar na ang motor.
Napakagatlabi akong ipinatong ang baba sa balikat nito. Bahagya naman ako nitong nilingon na napapangiti.
"Sana nga Migo. Sana ikaw na lang ang para sa akin" piping usal ko na nakamata ditong sa daan ang attention.
"Hwag kang matutulog" untag nito na malingunan akong nakapikit at ninanamnam ang sandaling ito na yakap ko siya at solong nakaangkas sa motor niya.
"Hindi naman" sagot kong nanatiling nakapikit.
"Baka mabigla ka, mapabitaw ka Vi"
"Uhmm.." umungol lang akong napabusangot.
"Isa, hahalikan kita pag 'di ka magdilat" pagbabanta nitong ikinangisi ko.
"Gawin mo"
"Sigurado ka?" napadilat ako ng mga mata dahil bahagya itong lumingon kaya sumayad ang labi sa pisngi ko!
Napahalakhak itong makitang nanlaki ang mga mata ko at napahigpit ang hawak dito.
"Mag-drive ka na nga lang" kunwari'y ismid ko ditong ikinatawa lang nito.
MAHIGIT ISANG ORAS DIN kaming nagbyahe bago nakarating sa San Simone. Nagtataka naman ako na dito kami nagpunta at sa isang may kalakihang bahay huminto.
"Anong gagawin natin dito?" takang tanong ko na bumaba na ng motor nito at nagtanggal ng helmet.
"Birthday"
"Huh? Sino?" napasuklay-suklay naman ito ng mga daliri sa buhok na inaayos ang nagulo niyang buhok. Napalunok akong kaagad nag-iwas ng tingin na mapatulala dito.
"Si Jasmine"
"Sinong Jasmine?" kinabahan akong pilit pina-normal ang itsura at tono. Matamis itong ngumiti na bahagyang namula.
"Ahem! Nililigawan ko Vi" napanganga akong natuod sa kinatatayuan sa narinig dito.
"N-nililigawan" mahinang sambit kong narinig pa rin naman nito na ikinangiti nito lalo at tumango.
"Uhmm. Tara na?" napatitig ako sa palad nitong nakalahad. Napaatras ako na ikinakunotnoo nito. "Bakit? May problema ba Vi?"
Pilit akong ngumiti na napailing. "Mauna ka na. May bibilhin, tama may bibilhin lang ako saglit!" napapilig ito ng ulo na salubong pa rin ang kilay.
"Samahan na kita"
"Hindi!" kaagad kong alma na ikinatigil nitong napatitig sa aking mga matang animo'y binabasa ako. Ngumiti akong tinapik ito sa balikat. "Mauna ka na. Hinihintay ka na niya. Susunod ako"
"Sigurado ka?" nagdududang tanong nito na ikinangiti at tango ko.
"Oo naman. Makiki-Sharon din tayo huh?" natawa itong napailing na bahagyang ginulo ang buhok ko.
"Okay. Sunod ka huh? Hintayin kita sa loob" tumango lang akong napapihit patalikod dito kasabay ng pag-alpasan ng luha ko.
Nagtungo ako sa nakitang kalapit na tindahan para makaiwas dito. Dapat pala hindi na ako sumama-sama sa kanya. Parang isang malaking sampal sa akin na hindi kami para sa isa't-isa. Na hindi ako....ang babaeng hinahanap niya. Na papasa sa panlasa niya. Mapait akong napangiti na pumasok sa kubong kaharap ng tindahan. Napapailing na lamang ako sa sariling umasa na may magandang kahihinatnan ang paglabas namin ni Migo ngayong gabi. Akala ko kasi para na sa akin ang gabing ito. Pero para pala sa iba.
Napayuko akong hinayaang tumulo ang luha. Para akong sinasaksak sa puso sa kaisipang may iba na itong mahal. At magsisimula na ngang maagaw ito sa akin ng iba. Na wala manlang akong kalaban-laban.
May mga narinig akong boses ng babaeng napapairit at hagikhikan na ikinapahid ko ng luha at nanatiling nakayuko lalo na't papunta sila sa tindahang kaharap ko.
"For real Jasmine? Boyfriend mo talaga ang tisoy na yon?" nanigas ako aa narinig.
"Jasmine?" piping usal kong ikinaangat ko ng mukha at natulala sa tatlong babaeng paparating na magkakadikit. Kitang kinikilig pa ang mga itong napapahagikhik.
"Oo nga, sasagutin ko na si Migo mamaya. Yon ang birthday gift ko sa kanya" napalunok ako sa narinig na sinagot ng babaeng pinagigitnaan nila at nanigas sa kinauupuan.
Napakaganda nga naman niya. Ang amo ng mukha at kaparehas ni Migo ang kutis na maputi at makinis. Bagay nga sila. Bagay na bagay sila. Mahaba ang unat na unat nitong mahabang buhok na may katangkarang babaeng parang modelo ang dating.
"Birthday girl na ngayon ang nagreregalo huh?" tudyo pa ng isa na ikinahagikhik nila.
"Magpapakipot pa ba ako? Hello? Sa gwapo niyang yon? Tiyak akong maraming nakapila sa kanya noh" maarteng saad nito na napakalambing ng boses!
Napaiwas ako ng tingin nang magkatinginan kami nito. Kimi lang naman itong ngumiti na tumuloy sa tindahan.
"Manang gin bilog nga po"
"Aba? Matindi. Gin bilog agad girl?" ani ng isang kasama nito.
"Naman. Paano ko mabibinyagan si tisoy kung wala akong bwelo" kindat nito sa mga kasamang napapailing dito.
Napakuyom ako ng kamao. Tiyak kong si Migo ang tisoy na tinutukoy ng mga ito. Kung ganon may plano silang lasingin si Migo at....binyagan? Anong binyag ang sinasabi niya? Nanlaki ang mga mata kong mahimigan ang ibig ng mga ito!
"May plano ba siyang pikutin si Migo!?" napatayo akong kaagad bumalik sa kinaroroonan ni Migo na naghintay lang pala sa motor nito!
Malalaki ang hakbang kong nilapitan ito na napatayo at ngiting makita ako.
"Tara na!"
"Huh?!"
"Sabi ko tara na!" iritadong sagot ko na inabot ang helmet na agad isinuot. Napasunod naman itong nagsuot ng kanyang helmet na bakas pa rin ang kalituhan.
"T-teka magpapaalam lang--"
Natigilan ito nang mapalingon sa akin na masama siyang tinitignan. "Tara na" madiing asik ko na inagaw dito ang susi ng kanyang motor.
Taranta naman itong napaangkas at agad yumakap sa baywang ko. Napangisi ako na masilip sa sideview mirror nito ang tatlong babaeng pabalik na at kitang natigilang makita kaming paalis na ni Migo.
"Binyagan huh? Napakalāndi! Hindi mo ba alam na katorse pa lang ni Migo!?" piping usal ko na nagngingitngit ang mga ngipin dala ng kagigilan ko sa Jasmine na nililigawan nito!
Napalunok akong binawasan ang speed patakbo ko nang mas humigpit ang pagkakayakap ni Migo sa akin na nakapagpabalik ng ulirat kong naglalakbay habang mabilis ang patakbo sa motor nitong halos paliparin ko na mailayo lang siya sa babaeng yon! Hindi ako makakapayag na sa isang katulad lang niya mapupunta si Migo. 'Di na baleng hindi siya maging akin kung sa matino-tino at karapat-dapat na babae siya mapunta. Hindi sa Jasmine na yon na halata namang ang kagwapuhan lang ni Migo ang habol!