Chapter 5:

1229 Words
Papalabas na si Jeremy sa huling klase niya sa hapong iyon ang biglang lumapit sa kanya ang isang babae. He knows the girl, kasi very popular ito. Ito kasi ang nanalong miss Campus. Ito ang mahigpit na nakalaban ng kanyang kasintahan si Melissa. "Hi," matamis na ngiting bati nito sa kaniya. "Hello. You’re Laureen right?” Kunwari ay tanong kahit kilala na niya ito. "Yeah. Buti kilala mo ako?” Painosenteng tugon naman nito. "Yes of course. Sino ba namang hindi makakakilala sa nanalong Miss Campus ‘di ba?” Sinserong wika. Talaga namang matalino ito at maganda. Kagaya ng kasintahang si Melissa. Mas lalong ngumiti ang babaeng kaharap. "Anyways, can you come with me for a bit.” Yaya ni Laureen sa kanya. Hindi man batid kung bakit pero agad siyang pumayag.  Sa totoo lang ay ito ang crush niya kaya lang masyadong mailap. Kaya kay Melissa siya nabaling pero hindi naman siya nagsisisi dahil mabait at matalino naman ang girlfriend. "Sure, saan ba iyan?” Agad na tanong bilang pagpayag sa paanyaya nito. "Just follow me." Saka nagpatinuna na ito sa paglalakad. Nang ganap na makarating sila sa lugar kung saan kubli sa lahat at may nakatagong camera ay mabilis na sinibasib ni Laureen ang labi ng lalaking kasama. Nagitla si Jeremy sa ginawa ng babae. Kaya pinigilan niya ito. Napahinto naman ito ngunit yumakap sa kanya.  "Matagal na akong may gusto sa'yo," sensuwal na bulong nito sa kanyang punong tainga. Napangiti siya sa narinig buhat rito.  Nagpalinga-linga si Jeremy. Buti na lang at hindi matao sa lugar na iyon at walang maiiskandalo sa ginagawa nila kapag nakita sila. Nakayakap pa rin ang babae sa kanya. Hanggang sa maramdaman ang kamay nito sa kanyang kaumbukan. Biglang nag-init ang katawan. Lalaki lamang siya at madaling nadarang lalo pa at maganda ang babaeng umaakit sa kaniya. Muli siyang siniil ng halik ng babae. Hindi na siya nakapagtimpi pa at nagsimula na ring kumapa ang kamay niya sa kaselanan ng babae. Nang kumakapa na siya sa dibdib nito at kinalas ang ilang butones noon ay bigla siya nitong pinigilan. "I think it’s not proper to do it here," tinig na nagpabalik sa kanyang diwa. "s**t!” Mura ni Jeremy sa sarili. "I'm sorry," aniya sa babae saka iniwan ito. Napagtanto niyang dapat ay hindi siya nagpadala sa init ng katawan. Napapamura siya papalayo sa babae. Sana nga lang ay walang nakakita dahil baka malaman ng kasintahang si Melissa.  Ayaw niyang mawala ito ngayon dahil ito na lamang ang tanging meron siya ngayon. Malalakas na palakpak ang ginawa ni George. Nagtagumpay sila sa kanilang plano. Agad na kinuha ang camera sa pinagtaguan nila at pinanood ang video.  “Yes! This is perfect!" Gilalas dahil kitang-kita niya sa video ang mga nangyari. ‘Humanda ka ngayon, Jeremy Villarama,’ ngitngit sa isipan sabay ngisi. Natahimik si Laureen. "Are you sure you gonna do it?” Tanong nito kay George. Tila nais magsisi sa nagawang makipagsabuwatan rito. "We talked already and you agreed. So stop acting like you’re a victim here," matikas na wika sa kaibigan. "No worries, para naman hindi ako konsensiya. I will pay your whole tuition fee until you graduate. No worries, once the admin see this video for sure they will not allow to go out in public. They must protect the integrity of the school. Just that you’re going be kick-out." Aniya na walang pakialam basta ang importante ay mawala ang lalaki sa buhay niya. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa at dinala sa office of the admin ang video na hawak. As she expected ay nagimbal ang mga school admin sa nakitang video. She feel sorry to Laureen but she give everything she could offer. So, no need to feel guilty. Gaya rin ng inaasahan niya ay parehong na-kickout ang dalawang nasa video. She can't help not to smile upon hearing that news. Natapos na ang klase niya at napangiti siya ng maluwang dahil wala ang lalaking laging nag-aabang sa kanya.  “Yes! I'm free," diwang niya nang sa wakas ay naidispatsa niya na ito. “Ano ka ngayon,” bunyi ni George. Nasa bench siya ng oval hinihintay matapos ang klase ng girlfriend na si Stacy. HRM kasi ang kinukuha nito kaya medyo huli ito ng isang oras. Masaya siyang nakikinig ng tutog sa kanyang iphone nang biglang may magtanggal ng headset niya. Agad siyang napalingon at nakita roon si Jeremy. Galit na galit ito. "Alam kong ikaw ang may pakana ng pagpapatalsik sa akin?" Mariing akusa nito sa kaniya. Awtomatikong napataas kilay siya. “Huwag kang magbintang," aniya saka inagaw ang headset rito. "Umamin sa akin si Laureen. Pati kaibigan mo dinamay mo sa kakitiran ng utak mo!” Galit nang turan ni Jeremy sa kaniya. Ngumisi lang si George. Saka tumapat rito. “Ngayon alam mo na kung sino ang binabangga mo. Kahit sino kaya kong bayaran. Kahit sino handa kong isakripisyo,” matigas na wika ni George.  Nang maya-maya ay hinawakan siya ng lalaki at hinila. Nakipagbuno siya rito ngunit mas malakas itong hamak sa kanya. Sa inis ni Jeremy ay agad na hinablot ang babaeng kausap. Nakausap na niya ang tito Romualdo niya kaya malakas ang loob sa gagawin. "Saan mo ako dadalhin?” Piksi ni George sa mala-bakal na kamay na nakahawak sa kaniya. Ngunit lakas ito hanggang makitang patungo sila sa sasakyan nito. Walang imik si Jeremy. Sinagad na siya ng babae at tutal he has all the right then he will give her a lesson. Halos kaladkarin ito papalabas ng campus. "Sakay!" Utos sa babae. Ayaw itong tumalima. "Sakay o ibabalibag kita papasok," banta dito na akmang bubuhatin na ito. Sumakay naman agad si George nang makitang hindi siya makawala sa lalaki. Alam naman niyang baka iiuwi lang siya nito. Ngunit nagtaka siya nang ibang daan ang tinutugpa nito.  "Hey where are we going?” Tarantang tanong sa lalaking tuon ang tingin sa daan. "I said where are we going? I will call my dad. This is k********g," aniya sa lalaking ayaw siyang sagutin. “Ano ba?” Banas na sikmat rito. “Stop it! Baka mabangga tayo!” Galit na palahaw ni Jeremy na kinatigil ni George. “I will call my dad.” Anito matapos ng ilang segundong katahimikan. "Then call him."  Nakailang dial ito ngunit walang nasagot. Bago niya kasi sinugod ito sa eskuwelahan nila ay nagpaalam na siya sa ama nito. Ngayon niya sisimulan ang mapaibig ito. Gagawin niya itong babae. "Sasabihin mo kung saan tayo pupunta or aagawin ko ang manibela upang maaksidente tayo," desperadang wika ng babaeng kasama. "Sa isla ninyo." Tipid na sagot. May maliit na isla sa Alaminos, Pangasinan ang ama nito kaya doon na muna sila. Doon ay kontrolado niya ito. "No! Hindi ako makakapayag." Saka nakipag-agawan sa manibela. Nagpagiwang-giwang ang sasakyan nila. Buti na lamang at walang sasakyang pasalubong sa kanila. "s**t! Stop it. Gusto mo bang mamamatay!” Singhal ni Jeremy. Malakas na malakas iyon dahilan upang matigilan si George. Walang nagawa ito kundi ang sumunod sa kanya. Nang makababa sa bangka na naghatid sa kanila sa isla ay wala silang imikan. Bitbit ni Jeremy ang dalawang may kalakihang bag. Isa sa kanya at isa kay George. Nakita mula roon ang isang maliit na bungalow. Mabilis silang pumasok doon at inabot sa babae ang isang bag.  “Ito ang gamit mo. Diyan ka at dito ako," aniya sabay turo sa mga kuwartong tutulugan. Walang imik pa rin ang kasama ni Jeremy. Nakita niyang pumasok sa kuwarto. Ilang sandali lang ay pumasok na rin sa kuwarto upang makapagpahinga. Nang maya-maya ay isang tadyak sa pintuhan ang nagpabukas noon at niluwa noon ang galit na mukha ni George saka ibinato sa kanya ang maliit na piraso ng tela. Sapol pa iyon sa mukha ni Jeremy. "Are you kidding me. Bakit puro t-back ang laman ng bag ko!" Gilalas nito na kinangisi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD