Pagbungad pa lang ni Jeremy sa eskuwelahan kinabukasan ay nabahala na siya. Maraming kababaihan ang nagbubulungan nang makita siya. Hindi niya alam kung ano ang meron sa araw na iyon.
Maging ang mga ilang lalaki ay nakatingin din at sa mga mukha ng mga ito ang nakakalokong ngiti. Mukhang may hindi magandang nangyayari.
"'Tol musta? Balita ko ay bakla ka raw? Kaya ka siguro dumidiket sa amin noh," untag ni Sebastian sa kanya.
Automatikong nangunot ang noo ni Jeremy sa narinig.
“What? At saan mo naman nasagap ang tsismis na iyan 'tol?” Ang hindi mapigilang tanong rito.
"Nandoon sa bulliten board sa labas. Hindi mo ba nakita? Ang laki-laki kaya," malakas na turan nito kasabay ng nakakalokong tawa.
Mabilis na tinungo ni Jeremy ang sinasabi ng kausap at doon nakita ang isang malaking poster na nagsasabing bakla siya. Nagngalit ang mukha niya sa galit lalo pa at nagmukha siyang katawa-tawa sa lahat ng naroroon. Napakuyom ang kaniyang kamao saka mabilis na tinanggal ang poster na nakakabit sa bulletin board.
He knows, who did that. Kaya mabilis na tinalunton ang pasilyo ng building papunta sa building ng accounting department. ‘We’ll see,’ ngitngit ng kalooban.
Pagdating sa kinaroroonan ng pakay ay nakitang mukhang tuwang-tuwa pa ang babae habang hawak sa beywang ang syota nito. Mabilis na lumapit sa mga ito. Maging ang ilang babaeng naroroon ay napangiti nang makita siya pero wala siyang pakialam.
"I want to talk to you," padarag na turan kay George.
"Bro, as you see. I'm busy with my girlfriend," tila baliwalang turan ni George sa bagong dating ng lalaki. Nakangisi siya dahil alam niyang apektadong-apektado ito. Nagbubunyi ang isipan sa nakikitang inis sa pagmumukha nito.
"You will talk to me or kakaladkarin kita rito?” Bantang saad ni Jeremy. Hindi ba niya alam kung bakit tinanggap-tanggap pa ang offer ng tito Romualdo niya.
"Nananakot ka ba? Hindi mo ako pwedeng kaladlarin.” Matigas namang turan ni George.
"Kaya kitang kaladkarin. I don't care kung ma-prinsipal office pa ako," aniya sa babae.
Nang makitang kumalas ito sa girlfriend niya ay napangisi si Jeremy. Batid niyang kahit papaano ay nasindak ang babae. Kaya nang lumapit ito sa kanya ay mabilis na hinawakan ang batok ay marubdob na hinalikan ito sa labi.
Hindi malaman kung bakit iyon nagawa pero sa nakikitang reaksyon ng babae ay tila nakagante na siya. Kitang-kita ang panlalaki ng mata nito.
's**t!' Sigaw ng utak ni George sa biglaang paghalik ng lalaki sa kanya. Halos hindi siya nakagalaw. Saka lang siya nakabalik sa huwisyo nang magsalita ito.
"Siguro sapat nang katunayan ito na hindi ako bakla!” Malakas na turan na umagaw sa lahat ng atensyon ng mga naroroon na noon ay nabigla rin sa ginawa niya.
Nakita niya ang pagbangis na mukha ng babae sa kanyang ginawa pero wala siyang pakialam. Ang importante ay naibangon ang dangal. Saka naalala ang halik na ginawad dito. He never thought that tomboy had the sweetest lip he ever kissed.
Napangiti siya ng matamis sa isiping iyon. Well, not bad. For sure, siya ang unang lalaking nakahalik rito.
Nang ganap na makabawi si George ay napakuyom ng kamao. Lalo na at nasa mukha ng kasintahan ang hindi makapaniwalang hinalikan siya ng lalaki.
“Did you enjoyed it?” Sarkastikong wika ng kasintahan.
"No!" Gagad dito. Ngunit nalilito rin siya sa naramdaman kanina habang magkahinang ang mga labi nila ni Jeremy. Hindi niya in-imagine na maa-appreciate niya ang damdaming iyon.
‘s**t! Hindi maaari!’ Ang himutok ng isipan sa isiping nagustuhan pa yata ang halik na iyon ng lalaki.
Halos buong gabing hindi nakatulog si George dahil sa halikan nila ni Jeremy. Guwapo ang lalaki. Kamukha nito si Alden Richards ngunit mas guwapo siya dahil ala-Zac Efron.
"Lalaki ako! Lalaki!" Aniya na tila kinukumbinsi ang sarili. Hindi niya kasi alam kung bakit may parteng tila nagustuhan ang halik ng lalaking iyon.
"s**t! Gaganti ako!” Bulalas aniya sa kawalan. Dahil sa panggugulo nito ay tila maging ang sarili ay naguguluhan na rin. “Makikita mo Jeremy Villarama,” banas na turan saka nagtalukbong ng kumot.
Hanggang sa maaalala ang sinabi ng isa nitong kaibigan. Napangisi siya sa naiisip. Naglayas daw ang lalaki dahil ayaw niyang mag-law dahil pangarap nitong maging engineer. Tila baliw siyang tumatawa-tawa pa sa naiisip na gawin upang makagante.
Graduating ito sa kursong gustong-gusto nito na halos suwayin ang papa nito. Kaya batid na importante iyon sa lalaki. Doon ay napapangiti siya sa ilalim ng kumot niya.
“Lintik lang ang walang ganti,” turan saka tinanggal ang kumot na nakatalukbong sa kaniya.
Gagawa siya ng paraan upang ma-kick out ang lalaki sa ekuwelahan nila at kapag nangyari iyon. Mawawalan na ng asungot sa buhay niya.
Marami siyang pera at madali lang ang gagawin niya. Kukuntyabahin niya ang isang kaklase niya na akitin ang lalaki. At gawin ang bagay na labag sa eskuwelahan. Of course hindi makatototohanan kapag walang video.
Natulog siyang may ngiti sa labi. May konkreto na siyang plano para isakatuparan ang isang ultimate revenge para kaniyang mortal enemy.
Kinabukasan ay agad na hinanap ang babaeng naisip na gawing pain. Batid niyang papayag ang babae sa maganda niyang offer. Besides, alam niyang matagal nang may natatagong paghanga ito kay Jeremy kaya mayroon na siyang mapanghahawakan na kukunin nito ang alok.
Mabilis namang nakita ang pakay at agad itong kumaway sa kaniya.
“Hi,” bati nitong nakangiti.
“Hi, can I talk to you?”
“Sure, what is it?” Mabilis na tanong nito.
Ngumiti siya saka tumitig sa magandang mukha nito.
“Do you want money?” Taas kilay na wika.
Napakunot noo ito. “Everyone does,” tugon nito na tila hindi makuha ang nais.
“I know. Do you?”
“Of course. But why did you ask?” Maang na tanong nito.
“I have work for you to do,” aniya saka mabilis na nilahad rito ang plano.
Nanlaki ang mata nito sa kaniyang sinabi.
“Are you ser—”
“Yes I am. Can you?” Mabilis na tanong rito.
Nakitang napaisip ito kaya muling nagsalita.
"Two hundred thousand Laureen. Pwede ka namang lumipat ng school kapag pati ikaw ay makick-out. I will pay for your tuition fee for a year," pangungumbinsi niya sa kaibigan.
"Pero baka malaman ng parents ko?”
“Okay, it’s up to you. I am just giving you an option since you have a crush on him at hindi na mahihirapan ang magulang mong nagkakandakuba-kuba na sa palengke para lang may pambayad ka ng tuition mo,” hirit rito. Alam niya ang estado ng bubay nito kaya pilit itong pinag-aaral ng magulang sa sikat na unibersidad.
Mukha namang napaisip ito. Ngumisi siya dahil mukhang epektibo ang ginagawang pangungunsensiya rito.
"Okay pero pwede three thousand na lang," anito na himirit pa.
"Okay," agad na turan. Hindi naman kasi problema nag pera sa kaniya. Kaya mabilis na pumayag, maisakatuparan lang ang paghihigante sa lalaki.
Habang sinasabi sa kaibigan ang gagawin ay hindi na siya makapaghintay na mawala sa landas ang lalaking kinaiinisan.
Nang ganap na maihanda ang lahat maging ang video camera sa lugar na pagdadalhan ng kaibigan sa lalaki ay napangisi siya. Hindi pa man nangyayari ay mukhang nakini-kinita na niyang magtatagumpay siya sa pagkakataong iyon.
"Humanda ka ngayon," anas niya habang matamis na nakangiti.