bc

Seducing the Billionaires Daughter

book_age4+
24.2K
FOLLOW
133.1K
READ
love-triangle
scandal
tomboy
powerful
heir/heiress
drama
bxg
campus
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Paano mo iseseduce ang isang tomboy na kung umasta ay mas lalaki pa sa lalaki. Paano mo mapapaibig kung mas marami pang syota kesa sa'yo.

Bilhan ng t-back ngunit ibabato lang sa mukha mo.

Hahalikan mo ngunit suntok ang mapapala mo!

"Dare to kiss me, you'll be in hell!"

chap-preview
Free preview
Chapter 1:
"Congratulation Hija. You made it!" wika ni Romualdo Venezuela sa nag-iisang anak na si Georgina. Sa narinig ay bumasangot si George. Ilang beses bang sasabihin sa ama na hijo siya hindi hija. "Georgina Buenaflor Venezuela," tawag ng emcee sa pangalan niya. Hindi siya tumayo kahit nakitang tumayo na ang ama. "Georgina Buenaflor Venezuela," muling ulit ng emcee. "Ikaw na!" untag ng kaklaseng si Carlo. Wala siyang nagawa ng lumapit na ang ama na tila galit na naman ang mukha nito. "How I hate that name. Georgina. Awww!" Himutok niya habang paakyat sa stage. Nakita niya buhat doon ang girlfriend na si Stacy na masayang kumakaway pa. "Mind explaining what happening to you?" Inis na baling ng ama nang nakababa na sila ng stage. "Holy s**t!" Hindi mapigilang mura nang makitang papalapit sa kanila si Stacy. Sumenyas siya dito pero tila hindi nito nakuha ang kanyang nais ipahiwatig. She knows very well na ayaw na ayaw ng ama na umaasta siyang lalaki. Much more kapag nalaman nitong may girlfriend siya. "Huwag mo akong mumurahin!" Mataas na tinig ng ama. "Sorry dad," agad na sabad. Hindi na alam ni George ang gagawin lalo na payakap na sa kanya ang girlfriend at hinalikan siya sa labi. "What the heck are you doing young lady? Is it proper to kiss a girl lip to lip." Matigas at dumadagundong nang tinig ni Romualdo. Tila napahiya ang kasintahan sa sinabing iyon ng ama. "Dad, she's my girlfriend. Give some respect," aniya sa ama. "Georgina. Don't talk about respect. Have you ever respect yourself? Babae ka at kailan man ay hindi pwede magkaroon ka ng kasintahang babae. Tandaan mo iyan," duro ng ama sa kanya saka nagpatiuna sa sasakyang nakahimpil doon. Wala siyang nagawa kundi ang humingi ng paumanhin sa kasintahan at sumunod sa ama habang nakasunod ang isa pang bodyguard nito. Inis na inis pero wala siyang naagwa dahil batid na kapag sumuway siya ay ipapakaladkad siya nito sa bodyguard nito. Sumenyas siya sa kasintahan saka nagflying kiss rito. Agad naman nitong sinalo iyon sabay ngiti sa kaniya nang muling bumaling ang ama. "Are you kidding me?" Madilim na mukha nito. "Dad, as you can see. I'm not normal—" "So, sinasabi mong abnormal ka?" Sarkastikong wika nito. "No!" Giit rito: "Then act like a normal woman. I'm warning you Georgina," turan nito saka nagpatuloy sa paglalakad. Wala siyang nagawa kundi ang sumunot rito at padabog na pumasok sa backseat ng upuan. "Kahit magdabog ka pa ng magdabog. Kailan man ay hindi ko mapapayagan na ang nag-iisa kong anak ay may karelasyong babae." Matigas at tila pinal na wika ng ama bago pinausad ng driver bodyguard nito ang sasakyan. Umirap siya rito. "It will not change anything. God makes you a woman, so act like a woman. I want a grandchild in due time." Sa sinabing iyon ng ama ay tila gusto niyang magwelga. "Apo? Kalokohan," bulong sa sarili. "It's not a joke. I really wanted a grandchild. And who will give that to me kung kapwa mo babae ang karelasyon mo?" Muling litanya na naman ng ama. Papasok na sila sa malaki nilang bahay pero hindi matapos tapos ang sermon nito. Pagkababa nila ng sasakyan ay agad na pumasok sa loob. Ngunit hinabol pa siya nito. "Hiwalayan mo ang babaeng iyon?" "No." "Do it!" "Dad?" Angil rito. "You know me Georgina," madiing wika. Nakipagsukatan siya ng titig sa ama.ang kasintahan na nga lang ang nagpapasaya sa kaniya tapos mawawala pa. "No!" Salubong sa titig ng ama. "You're professor called me that you're not entering in your classes. What is this Jeremy?" Inis na turan ng ama habang nasa harap sila ng almusal nila. Napangisi si Jeremy. Ginawa talaga iyon lalo na sa professor na iyon dahil kaibigan ito ng ama. He knows na magsusumbong at hindi nga siya nagkamali. "I told you dad. I am not you? I am Jeremy not Jerico. I want to an engineer and have my engineering firm. Not a law firm," giit ni Jeremy sa ama. "You're not listening to me. In this profession we are here to back you up. Your grandpa is judge and I am a lawyer. At least you will be guided in this profession. The office gonna be yours in due time," maigting ding wika ng ama. "Did you asked me if I want to be a lawyer? No! You enrolled me in that course without my knowledge. Dad, this in not what I want." Naiiyak na wika sabay lingon sa mama niyang natitigilan. "Sorry dad but I have my own decision. I am shifting," wika saka tumalikod. Narinig niya ang bahagyang pagtawa ng ama. "Do it! Wala kang matatanggap mula sa amin," hamon nito. Lumingon si Jeremy sa ama. Lumapit siya rito. "Okay dad. If that's what you want. I will prove to it na kaya kong tumayo sa sarili kong paa," aniya saka tuluyang iniwan ang ama. "We'll see. I know you. You grew up having everything in your life." Dinig pang wika nang ama. "No dad. I grew up without you. You don't even know me well," aniya rito saka sila nagsukatan ng tingin. "That's enough!" Awat ng mama niya. Ayaw niyang nakikita itong nasasaktan pero ayaw naman niyang gawin ang bagay na hindi naman iyon ang gusto. Yes, he will be guided at that profession but is he happy? He hated if people manipulated his life. Iyong bawat galaw ay ididikta nila. 19 years old na siya kaya kaya na niyang magdesisyon para sa sarili. He really wanted to be an engineer. Kaya gagawin niya ang lahat para makapagtapos at ipapakita sa ama na kaya niya na magtatagumpay siya sa propesyong pinili. "Makikita mo Dad. Makikita mo." Pagod na pagod si Jeremy sa pagtatrabaho sa fast food na iyon. Kasabay pa ng maghapong tutok sa pag-aaral halos apat o limang oras lamang ang tulog. Ngunit kahit anong hirap ay gagawin maipakita lang sa ama na kaya niyang magtagumpay. Ayaw niyang lumapit sa mama niya dahil tiyak na sasabihin ng ama na wala siyang isang salita, na nilamon niya lahat ang sinabi rito. Patang pata ang katawan at pabagsak na inihiga sa kanyang kama nang magring ang cellphone niya. Tinatamad na kinuha iyon at sinagot. "Hello," aniya na antok na antok. "Hijo, kumusta ka na. Tito Romualdo mo ito. Nagkita kami ng iyong ama kanina at sinabi—" litanya ng nasa kanilang linya. "Sinabing naglayas ako," dugtong niya. Tumawa ang nasa kabilang linya. "Hijo, mukhang pagod na pagod ka ah," usisa pa nito. "Opo, full time kasi ako sa trabaho ko at full din iyong units ko," aniya rito. "Saan ka naman nagtatrabaho?" Usisa ulit nito. Napakunot noo siya dahil interesadong interesado ito. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman malalaman ng papa mo. May trabaho kasi akong ipapagawa sa'yo. Mas madali at mas malaki ang kita," anito. Siya naman ang natigilan sa sinabi ng kausap. "Ano po iyon tito?" Mabilis na tanong dito. "Seduce my daughter," matatas na wika. "Again?" Aniya na tila hindi narinig ang sinabi nito. "You heard me right Hijo. Paibigin mo ang anak ko at babayaran kita ng sampong milyon," anito. "You're kidding me?" Hindi mapigilang sabad rito. "I'm serious," anang naman ng kausap. Paano niya paiibigin ang anak nito eh mas lalaki pang umasta at masaklap mas guwapo pa ito sa kanya. "Tito mukhang impossible ang pinapagawa mo," alinlangang wika. "Walang impossible Jeremy. Babae ang anak ko. At ang babae ay para sa lalaki," anang pa nito. Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. Para sa kanya impossibleng mapaibig ang isang katulad ni George. "Pag-isipan mo Hijo. Sampong milyon. Makakapag-aral ka na may pangtayo ka pa ng engineering firm mo," pangungumbinsi nito. "Pag-iisispan ko po." Pero kahit anong isip ay napaka-impossible ang inuutos nito. Lalaking lalaki kasi ang anak nito tignan idagdag pang kaliwa't kanan ang girlfriend nito. Baka nga ibalibag lang siya nito kapag nagtangka siyang hawakan man lang ito. Paibigin pa kaya. "Pag-isipan mo hijo. Ayaw kong mawalan ng pag-asa at gusto kong magkaapo," dagdag pang wika nito. Gusto niyang tumawa sa narinig buhat sa kaibigan ng ama. Nagpapatawa ba ito. Magkaapo. t**i na nga lang ang kulang eh lalaki na ang anak nito. "May nakakatawa ba?" Untag ng nasa kabilang linya. Hindi niya namalayang napatawa nga pala siya sa sinabi nito. "Wala po tito. Wala!" Mabilis na sagot rito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Law of Love (Buenaventura Series #1)

read
40.6K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
858.5K
bc

Game of Love (Buenaventura Series #3)

read
31.3K
bc

Shotgun Wedding (Tagalog)

read
1.5M
bc

The Billionaire's Disguise (Filipino)

read
434.7K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
418.1K
bc

His Cold Heart [On-Going ]

read
39.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook