Ngumisi si Jeremy sa nakitang mukha ng babaeng kasama. Sa totoo ay gustong-gusto niyang tumawa dahil tila susugod ito sa giyera dahil sa nakitang laman ng bag. Well, it's just his first move. Tignan lang niya kapag nakitang pero dress at mga skirt ang idadamit nito.
"What's funny!” malakas na sigaw ni George nang makita ang nakakalokong ngisi sa lalaking kaharap.
"You!"
"What?!"
"What I mean is that. Look at yourself. You're a girl Georgina. Take your stuff and suit yourself. Kung ayaw mong isuot ito," aniya sabay pang wagayway sa harap nito. "Then, huwag kang magpanty.”
"I'm going home," matigas ba saad nito.
Naalerto si Jeremy at mabilis na hinarangan ang babae. "You're not going anywhere.” Sabay dumipa sa harap nito.
"Get out on my way or I will punch you on your face," matigas na banta nito.
"Do it and I'll kiss you!” balik banta naman sa babae.
Napangiti na lamang si Jeremy nang tila nabahag ang buntot nito at bumalik na lamang sa silid nito ngunit bago ito nakalabas sa silid niya ay binato sa babae ang mga panty na binato sa kanya. "I think you forgot this."
Inis na inis si George sa lalaking kasama. Nang makalabas sa silid nito ay napatingin siya sa kawalan hanggang makita ang main door. Napangiti siya at mabilis na tinungo iyon ngunit mas lalo lamang siyang nainis ng malamang naka-lock iyon.
Habang na sa silid si Jeremy ay alam niyang tinungo ng babae ang main door. Dinig na dinig kasi ang nag-uunahang yabag nito na tinungo iyon. Akala naman nito ay matatakasan siya. Mas lalo pang lumuwag ang ngiti nang marinig ang malutong na mura nang hindi nito mabuksan ang pintuhang pakay.
"Makakalabas ka lang Georgina sa bahay na ito kapag babae ka na," aniya saka pumikit.
"s**t!” bulalas ni George nang walang paraan para makatakas sa bahay na iyon. Bumalik siya sa kuwarto habang bitbit ang underwear na binato kanina sa lalaki. "Makikita mo!” gigil na wika sa kawalan.
Muling inusisa ang bag na dala ng lalaki para sa kanya. Nanlalagkit na rin siya. Ngunit ganoon na lang ang inis niya ng makitang nighties ang pantulog na naroroon at ilang dress at miniskirt. "Punyeta! Talaga bang binubuwisit mo ako!” malakas na sigaw niya para marinig ng lalaking nasa kabilang silid lamang.
"Hindi naman masyado!” sigaw nitong balik na mas lalong nagpangitngit pa sa kanya.
"Ewwww!” aniya nang makita ang sexy na nighties. Ngunit wala naman siyang pantulog maliban doon. Sapo ang ulo habang pabagsak na naupo sa kama niya.
Tinitigan lahat ng damit na nagkalat sa paanan niya. Walang damit na gusto niya dahil lahat iyon ay pang babae nang maalala ang lalaki. Mabilis siyang bumangon at tinungo ang silid ng kasama. Bukas iyon at deretso siyang pumasok nang bigla siyang naestatwa.
Nabigla rin si Jeremy nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya. Hindi niya napaghandaang babalik ang babae sa kanyang silid. Sanay kasi siyang matulog ng naka-brief lang.
"What are you doing?” ani ni George habang tumalikod agad sa lalaki.
“‘Di ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan. What are you doing here?” balik tanong sa babaeng nakatalikod. 'First time sigurong makakita ng h***d na katawan ng lalaki,' aniya sa utak.
"I need some of your cloths," aniya sa kanyang pakat rito.
"Sorry but I don't share my cloth. Malay ko ba kung body odor ka," bruskong wika.
"Ah wow! Nahiya naman ako sa'yo. Eh kung dapat kasi ay nagdala ka ng matinong damit ko eh hindi ako nahiram sa'yo!” aniya na hindi pa rin naharap sa lalaki.
"Matino bang magdamit ka ng damit ng lalaki? Remember this, babae ka at dapat ka lang magdamit ayon sa iyong kasarian," aniya.
Muli ay talo na naman si George. Nangigigil na nilisan ang silid ng lalaki.
Kasunod noon ang ngitong tagumpay ni Jeremy sabay sabi. "Konting-konti na lang!"
Walang nagawa si George kundi ang piliing matulog ng walang suot kasya naman isuot ang mga nighties na naroroon. Inis na inis talaga siya sa lalaking nasa kabilang kuwarto. "s**t!" aniya nang maalala ang hitsura nito kanina habang nakahilata sa kama.
Mas lalo yata siyang iniinis nito dahil tila pinamukha nitong wala siyang 'ganoon' katunayang lalalaki talaga siya.
Kinabukasan ay tanghali na nang magising si George. Lulugo-lugo siyang bumangon nang biglang makita ang kabuuan ng sarili. Wala nga pala siyang damit. At nang tumambad ang h***d na katawan ay tila nagising nga siya.
"Putcha! Hindi ito maaari," aniya saka mabilis na naghanap ng isusuot. Bakit ba niya tinignan ng ganoon ang sarili. Akalain bang maisip pang seksi pala siya.
Nailabas na lahat-lahat ang laman ng bag ngunit wala siyang puwedeng isuot sa mga iyon. Paano kung hindi dress ay tube o sleeveless. Sa inis ay sinabunutan pa ang sarili. Saka mabilis na tinungo kung saan ang damit na pinaghubaran kagabi. Inamoy niya iyon. Mabaho na gawa ng maghapong suot ito.
Wala siyang choice kundi ang isuot ang isang maiksing short at sleeveless. "For God sake masasakal talaga kitang Jeremy ka!” aniya habang nanlalaki ang mga butas ng ilong sa galit.
Sumilip muna siya sa pintuhan niya at tinignan kung naroon ang lalaki. Maswerteng wala ito kaya malaya siyang nakalabas. Gutom na gutom na rin kasi siya gawa nang wala pang kain mula kahapon.
Nang marating ang kusina at napangiti siya ng may handa nang pagkain nang may mabasa siyang note.
Pinagluto na kita mahal na prinsesa. Pumunta lang ako sa palengke para sa supply natin ng pagkain. Enjoy your food. Anyways, dahil ikaw ang babae. Simula mamaya ay ikaw na ang magluluto.
Your Prince Charming Jeremy the pogi!
Basa sa note nito. Mabilis iyong nilamukos at binato iyon sa kung saan. Magluluto raw siya. She never cooked. She don't even know how to cook rice tapos paglulutuin siya nito. 'What the heck!'
Hindi niya sana kakainin ang hinanda ng lalaki ngunit pinagkakanulo na siya ng kanyang tiyan kaya nilantakan na lamang iyon.
Saka nagmamadaling tinungo ang pintuhan. Muli ay naka-lock ito. Maging ang mga bintana ay may bakal kaya wala talaga siyang kawala. Ang sunod na pinuntahan ay ang kuwarto ng lalaki ngunit maging iyon ay naka-lock.
"Buwisit! Buwisit!"
Mabilis na bumalik sa silid at mabilis na kinuha ang iphone na nasa maliit na back pack. Doon lang nakita ang maraming misscall ng girlfriend na si Stacy. Napangiti siya ng kahit papaano ay may signal ng cellphone doon. Agad na tinawagan ang numero nito.
"Hi babe!" bungad dito.
"Where have you been? I waited for you yesterday. You’re not on your class today?" anito na may tinig pagtatampo pa rin.
"Sorry babe bec—” putol na wika nang biglang ma-low battery ang phone niya.
"Peste bakit ngayon pa!” aniya ng tuluyan itong namatay.
Mas lalo siyang nainis. Alam niyang mas lalong magagalit ang girlfriend niya sa hindi siya nito makontak.
Mabilis na nakabalik si Jeremy buhat sa palengke. Marami-rami rin kasi iyon. Pagbungad sa bahay ay nakahalukipkip at nakabusangot na babae ang nakita niya.
Awtomatikong napangiti siya nang makita ang suot nito. Kahit maiksing -maiksi pa ang buhok nito ay medyo bumagay naman.
"Anong nakakatawa?” tinig nito sa kanya.
"Wala. Bakit masama bang tumawa?” gagad sa babaeng ang pangit na naman ng timpla.
"Meron lalo na kung ako ang tinatawanan mo!"
"Bakit clown ka ba para tawanan ko? Huwag ka masyado mag-assume," ingus sa babae saka dinala sa kusina ang pinamili. Maging ang buhay na native na manok.
"Ikaw pala ang magluto ng tanghalian natin. I bring you this," aniya sabay taas sa manong na nakagapos.
"Whaaaaaattt? Magkakatay ako ng manok? No way!” matigas na turan.
"Yes, you will. Ikaw ang magluluto sa ayaw at sa gusto mo," anya saka tuluyang tinalikuran ito.
Natawa talaga si Jeremy sa hitsura ng babae kapag naiinis niya. That tomboy is blushing. He knows that. Lalong lumilitaw ang kaseksihan nito kapag nakasuot ito ng damit pambabae tulad ng suot niya ngayon.
Nang matapos iligpit ang pinamili ay mabilis siyang bumalik sa sala at sinaluhan ang babaeng nanunood ng pelikula. 'Kapag siniswerte nga naman' aniya sa isip nang makita ang eksena sa pinapanuod nito.
Bed scene iyon ng No Other Woman. Papatayin na sana niyo ang TV nang mabilis na kinuha ang remote.
"Give me that?!” utos nito.
"No!" Gagad namang turan.
"Give it to me," mariing wika habang papalapit sa kanya.
"No, I'm gonna watch this part," aniya saka umayos ng upo.
Ngunit tila ayaw magpadaig ang babae at nakikipag-agawan pa ng remote control. Tinago niya iyon sa likuran niya at nang nag-aagawan na sila ng babae ay hindi na nakontrol ni Jeremy ang sitwasyon.
Dahil sa pagpupumilit nitong makuha ang remote at aksidenteng nawalan ito ng panimbang at napahiga sa sofa. Sa kabiglaan ay nahila siya nito bago bumagsak. Kaya tuloy ay pumaibabaw siya sa babae.
Ngumisi siya ng nakakaloko. "Do you like to do what’s on the TV?” tudyo sa babae nang biglang may sumapok sa mukha niya.
"s**t!" bulalas sa kabiglaan.
"Don't dare teasing me or you'll dead!” anitong banta saka siya tinulak.
"Do you really think na hahalikan kita? Hindi ikaw ang tipo kong babae," ani ni Jeremy saka iniwan ito.
Talagang masakit ang panga sa ginawa ng babae. Sabagay buti na rin iyon at nagising siya. Muntik na niya kasi itong halikan at baka hindi mapigilan ang sarili. Mahirap sumuway sa utos ng ama nito. Ibabalik niyang buong-buo ito.
Tila naman natauhan si George. Mukhang nasaktan niya masyado ang lalaki kaya sinundan ito. Nakita niya sa kusina ito habang may ice pack na hawak.
Tumingin din ito sa kanya kaya nagbawi siya ng tingin. Pabalik na siya ng salas ng muling marinig nag tinig nito. "You're going to cook our lunch. Better start it now," utos nito.
Nakamata lamang siya. Hindi siya marunong ng kahit anong gawaing bahay dahil lima ang katulong nila. May taga linis, laba, luto, driver at ang yaya niya.
"Are you just going stare? Start preparing everything before lunch," ani ni Jeremy.
Walang nagawa si George kundi kunin ang kutsilyong bigay nito at magsimulang maggayat ng gulay. Hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin nang huliin ng lalaki ang kamay niya. Habang nasa likod siya nito at tinuro kung paano hiwain ang mga gulay.
Hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya sa sandalin nasa likod niya ang lalaki at hawak ang kamay na may hawak ng kusilyo. Masarap ang pakiramdam na iyon ngunit ayaw niyang maramdaman.
‘Hindi maaari ito!’ giit sa sarili.