AMARA
Mabilis pa sa alas kwatro ang naging kilos kung naglalakad papalayo sa dalawang taong naglalampungan. Ayaw kong makita kung gaano sila ka saya. Tila may kung ano’ng mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ko at napakabigat ng aking pakiramdam. Napaka walang hiya talaga ng lalaking ’yon. Kung makapagsalita siya sa akin akala nito ako ang may malaking kasalanan sa kanya. Gayong ako na nga ang niloko niya. Tapos ngayon ipinapamukha niya sa akin na masaya na siya sa piling ng iba.
“Ma’am, ano pong nangyari sa inyo? Bakit para yata kayong pinagbagsakan ng langit? Ayos lang po ba kayo?” usisang tanong ni May sa akin. Mabilis akong umiling, hindi na nila dapat malaman kung ano man ang namagitan sa amin ni Zach dati.
“Ayos lang ako, May. Huwag mo na akong alalahanin. Siya nga pala sumabay ka na muna sa kanila ni Levy. Mauna na muna ako sa inyo.”
“Sige po, Ma'am Amara. Wala pong problema. Mag-iingat po kayo.”
Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa kay Zach dahil alam ko naman busy sa pakikipaglampungan ng girlfriend niya.
Pagdating ko sa bahay kakaibang lungkot ang nararamdaman ko dahil hindi ko nadatnan si baby Athara at lola Olivia. Kahit sandaling mawalay sa akin ang anak ko parang pinapatay na ako nang lungkot. Ngunit wala akong ibang choice, mas makakabuti kong doon muna sila sa Isla hangga’t hindi pa natatapos ang pagtatrabaho ko sa bahay ng mokong na 'yon. Sa bawat araw na isipin kong nandito sa Cebu ang ama ng anak ko hindi mapapanatag ang aking kalooban. Natatakot ako na baka mapang-abot ang landas nila. 'Yan ang malaking bagay na kinatatakutan ko ang makita ni Zach ang anak namin.
Hindi na ako nag-abalang magluto pa ng pagkain. May natira pa namang pagkain kanina at pinaitan ko na lamang iyon sa microwave oven. Dalawang kutsara lang ang nakain ko dahil walan na ako nang ganang kumain nang muling sumagi sa isip ko si Zach. Nagtimpla na lang ako ng gatas at pagkatapos kong inumin umakyat na ako sa itaas. Dumiritsobna ako sa banyo para maligo. Nakasanayan ko ng gawin iyon dahil pakiramdam ko nanlalagkit ko sa pawis. Paano laging nakabantay sa bawat kilos ko ang damohong 'yon. Pinapahirapan talaga niya ako. Halos hindi na nga ako nito pagpahingahin.
Ginamitan ko na lang ng blower ang basa kong buhok para matuyo kaagad. Sinubukan kong tumawag sa kay lola pero walang sumasagot. Sinipat ko ang orasan na nakasabit sa dingding alas diyes na pala ng gabi kaya malamang tulog na sila ngayon.
Mabigat akong bumuntong hininga. I felt alone and empty. May mga panahong ganito ang nararamdaman ko lalo pa at wala sa aking tabi si Athara. Dati may kaunting pag-asa pa na nabubuo sa puso ko na baka dumating ang panahon na mayroong buong pamilya ang anak ko. Umaasa ako na may kasama akong magpapalaki sa aking anak at maging katuwang sa oras na pinanghihinaan ako ng loob at sa panahong nahihirapan ako. Pero ngayon ang pag-asang iyon ay tuluyan nang naglaho dahil alam kong hindi na iyon mangyayari pa. up
Kinuha ko ang malaking teddy bear ng anak ko. Siya ang naging kasama ko kapag nag-iisa lamang ako. Minsan ito na rin ang sinasabihan ko ng mga hinanakit sa buhay. Muling sumagi sa isip ko ang masayang mukha ni Rain habang sinusubuan ni Zach! Hindi dapat ako nakaramdam ng ganito. Bakit ako maiingit at magseselos? Matagal na akong naka move on sa kanya.
Pero iba ang sinasabi nitong tangang puso ko. Bakit nasasaktan pa rin ako ng ganito? Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at ipinilig ang aking ulo, mabilis kong iwinaksi sa aking isipan ang tagpo kanina. Kailangan kong madaliin ang aayos ko ng mansiyon ni Zach. Gusto kong matapos na ang ugnayan namin. Para bumalik sa normal ang buhay ko. Mabuti nang hindi na kami magkikita pang muli pagkatapos nito.
Nagsimulang bumigat ang talukap ng aking mga mata. Ngunit bago pa man ako tuluyang nalamunin ng antok inabot ko muna ang digital alarm clock ko na nakapataong sa ibabaw ng bed side table at sini-set ko ito ng 5:00 am. Baka hindi ako maagang magising bukas at maging issue na naman ng asungot na 'yon ang oras ng pagdating ko. Makatanggap na naman ako noon ng sandamakmak na panlalait sa akin.
*********
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog ngunit nararamdaman kong may mainit na palad na humaplos sa aking pisngi. Ipinagsawalang bahala ko lamang iyon dahil malamang nanaginip lang ako. Mag-isa lang ako rito kaya impossible itong naiisip ko.
Ngunit naging alerto ang aking buong sistema dahil muli, may humaplos sa aking pisngi. Nakapikit man ako ngunit nararamdaman ko ang isang presensiya, ang mga matang nakatitig sa akin. Kinakabahan akong dahan-dahan iminulat ang aking mga mata. Pero hindi ko pa man tuluyang naibuka ang mga mata ko ay may kung ano itong itinakip sa aking ilong dahilan na nakaramdamdam ako ng panghihina upang tuluyan akong nahulog sa mahimbing pagkakatog.
Napasiksik ako sa higaan dahil sa nakaramdam ako ng panlalamig. Nakalimutan kong pahina ang aircon dahil sa matinding pagod na nararamdan ko sa buong araw. Akmang itataas ko ang aking kamay para hagilapin ang aking kumot ngunit napatda ako dahil hindi ko maiangat ang aking kamay. Tuluyang nagising ang inaantok kong diwa. Nanlaki ang aking mga mata nang bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Kulay black and white ang pintura ng dingding samantalang lavander at gold naman ang sa akin. Mas lalo akong nanlumo dahil may tali ang aking mga kamay na ikinabit sa haligi ng kama.
Muling ipinikit ko ang aking mga mata
makailang beses kong kinagat ang aking pang-ibabang labi para siguraduhing hindi ito panaginip. Ngunit nararamdaman ako ng sakit sa aking ginawa. Kaya ibig sabihin totoong ang lahat ng ito. Hindi ito panaginip. Biglang bumundol ang malakas na kaba sa dibdib ko.
“Dios ko! Sino ang gumawa nito sa akin?” nahintatakutan tanong ko sa aking sarili. Ano ba ang naging atraso ko? Bakit nagawa nila sa akin ito? Sa pagkakaalam ko wala naman akong naging kaaway. Nag-unahang nagsilaglagan ang aking masaganang luha. Iniisip ko ngayon ang lola Olivia at ang anak kong si Athara. Baka ano pa ang mangyari sa kanila kapag nalaman nila ang nangyari sa akin.
Kahit nanghihina at nahihilo pa ako, sinisikap kong makabangon at pinipilit na tinanggal ang tali sa aking kamay. Ngunit tila mas lalo lang itong humihigpit sa bawat paggalaw ko.
“Pa-pakawalan ninyo ako rito!” sigaw ko. Nagbabakasaling may makarinig at tutulong sa akin. Ngunit wala man lang akong narinig. Nakakabingi ang katahimikan sa kinaroroonan ko. Maging ang tunog ng orasan ay nakadagdag sa kaba na aking nararamdaman. Alas dos pa lang ng madaling araw, madilim pa ang labas ngunit heto ako patuloy na tumatangis at desperadong makawala sa pagkatali sa akin habang patuloy sa pagtangis. Kailangan kong makawala rito, baka tuluyan na akong hindi makatakas o makalabas pa na buhay kapag tuluyang sumikat ang araw.