AMARA
NAPABALIKWAS ako nang bangon. Nang naramdaman kong may lumapat na mainit na bagay sa aking labi. Ngunit seryosong mukha ni Zach ang nabungaran ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya.
“I-ikaw? Ikaw ang dumukot sa akin? Bakit mo 'to ginawa, ha? Ano ba kasalana ko sa iyo?” galit kong tanong sa kanya. Matalim ko siyang tinitingnan nang hindi man lang ito sumagot sa tanong ko. Bagkus iniba nito ang usapan.
“I prefered our breakfast. Let's eat.” seryoso pa rin ang mukha nito.
“Ayaw ko! Hindi ako kakain! Kung gusto mo kumain ka mag-isa! Baka nilagyan mo pa 'yan ng lason!” mabalasik kong sigaw sa kanya. Pero parang balewala lang nito ang mga sinabi ko. Parang walang narinig dahil nagpatuloy ito sa kanya ginawa. Nilagyan nito ng pagkain ang platong nasa ibabaw ng mesa.
Nang nakahanap ako ng tiempo. Mabilis akong tumayo at kumaripas ng takbo papunta sa nakabukas na pintuan ngunit mas maagap ang naging kilos ni Zach, madali lang niya akong naharangan.
“What do you think you're doing?” seryosong mukhang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano’ng nakain niya bakit nagawa niya ito?
“Huh! What do you think I am doing?” panggagaya ko pa sa kanya dahil sa sobrang inis ko.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko, ha? Malamang uuwi na ako sa amin! Hinaha–” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil maliksi nitong hinablot ang braso ko at nakita sumilay sa kanyang mga mata ang galit.
“Hindi ka aalis dito! Hindi ka na puwedeng bumalik sa lalaki mo! Dito ka lang! At sa tingin mo makakatakas ka pa sa akin? Hindi 'yan mangyayari sweety.”
Buong tapang kong pinaksi ang kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin.
“Huh! Sino ka ba sa akala mo para diktahan kong ano’ng gagawin ko? Lalo nang wala kang karapatan para ikulong mo ako rito! May anak akong nangangailangan sa akin.Baka hindi mo alam kidnapping ginagawa mo! Puwede kitang ipakulong hayop ka!” sigaw ko sa kanya. Galit na galit ako. Pakiramdam ko biglang nagsiakyatan ang lahat ng dugo ko sa aking ulo.
“Go on! Ipakulong mo ako. Tingnan lang natin kung magagawa mo pa 'yan. Baka bukas hindi mo na gugustuhing makauwi pa sa inyo sa gagawin ko sa iyo.” Ngumiti ito ng nakakaloko. Mas lalong bumundol ang kaba sa aking dibdib sa kanyang sinasabi. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari sa kanya. Bakit bigla na lamang itong nagkaganito? Ano ba ang balak niya sa akin? Dios ko, papatayin ba niya ako?
“Baliw ka na ba, ha, Zach? Ano ba ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ’to ginagawa? Bakit hindi ka na lang maging masaya sa buhay mo! May Rain ka na at may asawa't anak na ako kaya huwag mo akong idadamay sa kung ano man ang trip mo sa buhay!” galit kong sigaw sa kanya. Natatakot man pero pinipilit kong maging matatag ang aking tinig. Ayaw kong makikita niya akong mahina. Ngunit tila kaagad na naglaho ang tapang na binuo ko kanina dahil sa mga matalim nitong tingin sa akin.
Sa bawat hakbang niya ay napapaatras ako. Hindi man lang tinanggal ang pagkatitig niya sa akin. Napalunok ako ng makailang beses, nangangatog ang aking mga tuhod. Naging malikot ang aking paningin sa paligid. Naghahanap ako nang ano mang bagay na puwede kong gamitin panlaban sa kanya.
“Don't you try to escape again, sweety. Dahil magsasayang ka lang ng lakas mo.” Napaigtad ako nang biglang paghawak niya sa baba ko at bahagya iyong itinaas upang magpantay ang aming paningin. Hindi ko siya nakitaan ng ano mang emosyon kaya mas lalo akong natatakot sa kanya. Hindi ko man lang nalaman na dumaloy ang luha sa aking pisngi. Pinahid niya iyong gamit ang kanyang mga daliri.
“Bakit natatakot ka na ba sa akin ngayon, Sweety? Ayaw mo na ba akong makasama?” may bahid nalungkot ang kanyang tinig na tanong sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Naguguluhan ako, bakit kailangan pa niyang gawin ’to lahat?
“A-ano b-ba ka-kailangan mo sa akin? Sa-sana kung ano man ang namagitan sa atin noon ka-kalimutan na lang natin ’yon.” nauutal kong saad sa kanya habang patuloy sa pagtangis.
“Ah!” napatili ako nang suntukin nito ang pader. Ang kaninang lungkot sa kanyang mga mata ay napapalitan ng galit.
“Kalimutan? Siguro ganoon na lang kadali sa iyo ang kalimutan ang lahat! Bakit, ha! Amara? Mas masarap ba siyang humalik kaysa sa akin? Magaling ba siyang bumayo kaysa sa akin? Mas malaki ba ang kanya kaysa sa akin? Kaya ka ba niyang paligayahin katulad kung gaano ka tumili at umungol sa bawat pagpapaligaya ko sa iyo? Ano sabihin mo? Tell me! Ano ba ang nakita mo sa lalaking ’yon na wala sa akin kung kaya nagawa mo akong iwan at ipagpalit sa kanya!”
“Baka hindi ka lang talaga marunong makuntento ng isang lalaki! Hindi ko alam baka hindi lang isa, dalawa o tatlo ang nagpakasasa sa katawan mo!” puno ng pang-uuyam nitong saad.
Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas. Isang malutong nasampal ang tumama sa pisngi niya. Nang hindi pa ako nakuntento, sinundan ko ng malakas na sampal ang kanyang kabilang pisngi. Nasasaktan ako sa bawat katagang binibitawan ni Zach. Hindi ko alam na ganoon pala ang tingin niya sa akin. Marumi at kaladkarin na babae.
Ngunit hindi man lang natinag si Zach sa aking ginawa. Tila ito isang matigas na pader na nakatayo sa aking harapan.
Nanginginig ang aking mga kamay, mas lalong bumalong ang masaganang luha sa aking mga pisngi. Napahawak ako sa pader dahil sa panginginig ng aking mga tuhod.
Nagtagangis ang aking bagang sa kanyang mga tinuran. Napakabastos niya. Bakit binaligtad niya ang kuwento. Gusto ko siyang sumbatan at sabihin sa kanya kung bakit mas pinili kong iwan siya at lumayo. Ngunit hindi ko magawang ibuka ang aking bibig dahil naisip ko si Athara. Magugulo ang buhay ng anak ko kapag nalaman ni Zach na anak niya ito.
Nang tumingin ako sa kanyang mga mata nanatili itong nakatitig sa akin. Kuyom ang kamao. Hilam man sa luha ang aking mga mata ngunit matapang kong sinalubong ang kanyang mga titig.
“Ganyan naman talaga kababa ang tingin mo sa akin! Alam mong hindi ako ganyang babae. Oo, mahirap lang kami pero pinalaki ako ni lola Olivia na marunong pahalagahan ang aming sarili at higit sa lahat may takot sa Diyos! Hindi ko magagawa ang binibintang mo sa akin!” Marahas kong pinahid ang aking mga luha.
At nanghihinang naupon ako sa gilid ng kama. Bakit ba ako nag-aksaya ng oras na magpaliwanag sa kanya. Wala akong pakialam kung ano ang tingin niya sa akin.
“I'm sorry, sweety. Hindi ko sinasadya.” Napatda ako sa kanyang ginawang mahigpit na pagyakap sa akin sabay bulong sa akin.
Napapikit ko nang naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga na tumama sa punong tainga ko. Mapakla akong ngumiti sa kanya sabay sabi.
“Bakit ka ba nanghihingi ng tawad? Sino lang naman ako? Mahirap at maruming babae lang naman ako sa paningin mo. And stop calling me sweety. Hindi ako ang girl friend mo!”