bc

FALLING INTO MY ARROGANT BOSS

book_age18+
689
FOLLOW
2.2K
READ
billionaire
HE
arrogant
drama
bxg
campus
office/work place
musclebear
addiction
like
intro-logo
Blurb

Amara Locsin, labing walong taong gulang. Lumaki mula sa pangangalaga sa kanyang lola. Pangarap niyang maiahon sa kahirapan ang matanda kaya naman nang alukin siya ni Donya Felimina na maging personal maid ng nag-iisang apo ng Donya, hindi siya nagdalawang isip na tanggpin ito kapalit ang pag-aaral niya sa kolehiyo.Zach Monterde, twenty four years old. The arrogant CEO of MONTERDE'S HOLDING INCORPORATED. Sa araw-araw na nakakasama niya ang inosenting dalaga na si Amara ay may kakaibang damdamin na uusbong.Ngunit paano kung bumalik sa kanyang buhay ang babaeng una niyang minahal at kinababaliwan nito noon. Handa ba siyang panindigan ang kanyang pangakong binitawan para kay Amara? Sino nga ba ang mas matimbang? Ang una o ang pangalawa?Sundan ang buhay pag-ibig ng nag-iisang Amara Locsin.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
Chapter one AMARA “Oh, ayan. Malinis at mas lalo na rin kayong gumaganda.” Napangiti ako habang pinagmasdan ang mga iba’t-ibang uri ng mga bulaklak. Natapos ko na silang kunan ng mga patay na dahon at ang iba kinu-cultivate ko na rin ang lupa. Napakalawak at napakaganda ng hardin ng mga Monterde. Narito ang iba’t -ibang klase ng mga orchids, rose at marami pang iba. Noon pa man mahilig na talaga ako sa mga tanim kaya kapag walang klase, sasama ako kay lola Olivia rito sa mansiyon. Hindi pa man gaano sumisikat ang araw tagaktak na ang pawis ko. Pero walang pakialam kong pinahid gamit ang aking braso. Sabado ngayon walang pasok kaya alas singko pa lang nandito na kami ni lola sa mansiyon. Taga luto ang lola ko sa malaking bahay na ito. Samantalang ako naman itong hardin talaga ang inaalagaan ko. Tinanggal ko ang suot kong goma na gloves. Ito ang gamit ko para mga may tinik na halaman kagaya ng rosas. Tinungo ko ang maliit na mesang kahoy na nasa gitna ng hardin na pinaglagyan ko sa aking dalang kape at pandesal kanina. Ngunit nanlaki ang aking mata nang namataan ko ang isang lalaki na kaupo sa may gazebo. Medyo may kataasan ang buhok nito, nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko nakita ang kanyang mukha. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tahimik ang kapaligiran dahil nasa loob ang lahat ng mga kasambahay. Biglang rumaragasa ang kaba sa akin dibdib dahil baka masamang tao ito. Tatlo lang ang mga lalaki rito. Ang guard, drayber at si Don Romano kaya imposible na ang nga binabanggit, ang nakikita ko. Dahan-dahan kong dinampot ang maliit na pala na aking ginamit kanina sa lupa at buong ingat na naglalakad palapit sa lalaki. “Huwag kang kikilos ng masama kung ayaw mong matamaan sa akin! Sino ka? Bakit ka nandito?” buong tapang na asik ko sa lalaki. “Who are you?” galit nitong tanong sa akin. “Hoy, huwag mo akong ma english-english lalaki. Ikaw ang tinatanong ko kaya huwag mo akong tanungin pabalik!” “Will you, please out of my sight! At tumigil ka sa kakasigaw mo nakakarindi iyang boses mo,” asik nito sa akin pabalik na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Mataman kong tinitigan ang lalaki, matangos ang ilong, may mapulang labi at makapal na kilay. Kung titingnan hindi mo talaga masasabing may masama itong pakay. Pero kahit na, uso na ngayon 'yan ang ganyang mudos. Kunyari mukhang mayaman iyon pala ay certified na gumagawa ng masama. “Done checking on me?” tila naiinis nitong saad. “Sabihin mo sa akin ano'ng ginagawa mo rito? Hindi porke't may kagwapuhan ka, maniniwala na ako sa iyo! Siguro magnanakaw ka ano? Sagot!” asik ko sa kanyang muli. “Why I am telling you? Sino ka ba sa akala mo? At bakit ko ako nagnanakaw sa sarili kong pamamahay, aber?” Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Pamamahay raw niya? If I know, binubudol lang ako nito. Kahit sa picture ko lang nakikita ang kaisa-isang apo ni Donya Felimina. Alam kong gwapo iyon hindi katulad nito parang rock star ang buhok at medyo mataas na rin ang balbas nito. “Amara! Apo!” napabaling ang atensiyon ko sa kinaroroonan ni lola Olivia na tumatawag sa akin. “La, nandito lang ako," tugon ko kay lola. Ayaw kong iwan ang lalaki dahil baka masama ang balak nito. “Sus, nandito ka lang pa lang bata ka. Kanina ka pa pinapatawag ni Donya Felimina. Ano ba ang ginagawa mo rito?” Napalingon ako sa gawi ng lalaki ngunit bigla na lang itong nawala. Na saan na kaya ag lalaking iyon? ani ng aking isipan. Nalingat lang ako sandali nawala na ito. Hindi kaya multo ’yung nakakausap ko kanina? “Sino bang sinisilip mo riyan?” “Ah, ano, wala po. Pasensiya ka na, lola. Naaliw kasi akong inaalagaan ang mga bulaklak sa hardin,” pagsisinungaling ko kay lola. “Na hala! Bilisan mo na riyan. Maglinis ka ng kamay at puntahan mo kaagad ang Donya. At ako'y pupunta na ng kusina kailangan ko ng magluto ng paboritong ulam ni Senyorito Zach." Napa O-shape ang bibig ko sa aking narinig. Gumapang kaagad ang excitement sa aking dibdib. “Totoo po, lola? Darating ngayon ang cru- ay este ang senyorito?” hindi maitagong tuwang sambit ko na ikinakunot naman ng lola. “At ano'ng reaction iyan? Naku! Amara apo, ngayon pa lang sasabihin ko na sa iyo 'to. Pigilan mo iyang naramdaman mo. Huwag ka ng mangarap pa na mapansin ka ng senyorito dahil dapat alam natin kung saan tayo lumugar. At isa pa langit ang mga Monterde samantalang tayo ay nasa lupa. Kaya tigil-tigilan mo na ’yang kahibangan mo. Ayaw kong masasaktan ka lang. Para ka lang isang aso na tumatahol sa bilog na buwan.” mahabang pangaral ng aking lola kaya nakangiting inakbayan ko siya papasok sa kusina ng mansiyon. “Naku! Lola ang haba na po ng sinasabi ninyo. Wala po akong sinabi na may pagtingin ako ng amo natin, noh. Hindi ko pa naman iyon nakikita, eh, paano ako magkakagusto sa kanya? At isa pa alam ko naman po ang agwat natin sa kanila, Lola.” Naiiling kong tugon. “Naku, huwag ako ang lokohin mo apo. Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Iyang klase ng ngiti mo na 'yan tapos iyong mga ningning ng mga mata mo pagkarinig mo sa pagbanggit ng pangalan ni senyorito. Kulang na lang maghugis puso iyang singkit mong mata.” “Hay, si Lola talaga dinaig pa si madam Auring.” Nagtatawanan kaming maglola. Ngunit kaagad napalis ang ngiti ko dahil nadatnan namin ang lalaking masungit na nakita ko kanina sa gazebo. “Senyorito, napaaga ang dating mo. Nagugutom ka na ba? Saglit lang ipaghahanda ko kayo ng makakain,” si lola kaagad ang nagsalita. Napanganga ako sa aking narinig. Hindi ako makapaniwala na siya pala ang senyorito Zach. Ang nag-iisang apo ni Donya Felimina. Iba na pala ang hitsura ngayon. Sabagay mukhang teenager pa lang siya sa kanyang larawan na nakakabit sa kanyang silid. “No, thanks, Nana. Busog pa ako.” Lumapit ito kay lola Olivia at nagmano. Nana ang tawag nito kay lola dahil maliit pa lang ito dito na nilbihan ang lola Olivia. Ngunit nang nag-high school na ito lumipat ito sa Maynila. At hanggang ito na ang namahala sa kanilang Kompanya. Minsan lang ito kung umuwi rito sa Bicol at bumalik din ito kaagad sa siyudad kaya hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makita ito. “Who is she, Nana?” tanong nito kay lola habang mataman akong tinitingnan. Naiyuko ko tuloy ang aking ulo dahil pakiramdam ko nanunuot sa aking kalamnan ang mga titig nito. Napayuko ako sa aking ulo, gusto kong humingi ng tawad sa pang-aakusa ko kanina sa kanya na magnanakaw. “Naku! Senyorito. Si Amara, iyong apo ko.” “I see, iyong batang iyakin na palaging dadalhin mo dati." Napatango-tango pa ito. Nanlaki naman ang mata ko sa aking narinig. Grabe naman sa iyakin. Nahulog ako sa pag-iisip posible kaya na nakita na niya ako noon? Pero bakit hindi ko siya natatandaan. “Amara, ano pa ang hinihintay mo puntahan mo na ang Donya.” Untag sa akin ni lola kaya nagmamadali akong umakyat sa hagdan. Muntik na nga akong matisod dahil kahit hindi pa ako lumingom ramdam ko ang mata ni Senyorito Zach na nakasunod sa akin. Kumatok muna ako ng tatlong beses. Bago pinihit ang door knob. Nadatnan kong nasa reclainer chair nakaupo ang matanda habang nagbabasa ng Business magazine. “Ahm, Donya Felimina, pinapatawag mo raw ako," kuha ko nang kanyang atensiyon. Tumango ito sa akin at nilapag ang kanyang binasa na magazine. Lumipat ito sa pandalawaha it isng upuan na nasa loob ng kanilang silid ni Don Romano.Tinapik niya ang bakanteng space hudyat na sa tabi niya ako umupo. Hindi naman ako nagdalawang isip na sundin ito. “Nabalitaan kong ilang araw na lang makapagtapos ka ng high school? At gusto mo raw mag-aral sa kolihiyo. Tama ba ako, hija?” Napatango ako kay Donya Felimina tanda ng pagsang-ayon ko sa kanyang mga sinasabi. “Will, I have an offer for you. Gusto kong tuparin ang pangarap mo.” Napakurap-kurap ako sa aking narinig. “Po?” Napangisi ito sa aking reaction. “Makapag-aral ka ng kolihiyo at ako ang bahala sa mga gastusin mo,” ulit nitong sabi. Oo, gets ko naman iyong sinasabi niya kanina pero hindi lang talaga ako makapaniwala na makapag-aral na ako. “Talaga, po. Donya Feli? Maraming salamat,” napaluha ako sa tuwa at hindi ko mapigilan ang hindi yakapin ito. Ngunit napatigil ako ng may biglang tumikhim sa likuran ko. “Ahem!” nakita kong nakapasok na pala ang apo nito. “Zach, Apo!” Nababakas sa mukha ni Donya Feli ang kasiyahan nang makita ang apo nito. At the same time may mga luha rin ang kanyang mga mata ng yakapin nito si senyorito. “Nagtatampo na ako sa iyo, Apo. Bakit ngayon ka lang dumalaw ulit dito?” may himig na tampong ani ng matanda. Matagal na raw kasi nang huli siya pumunta rito sabi ni lola Olivia. “I'm sorry, La. Masyado akong na busy sa company. Alam mo naman na hindi ko basta-basta maiwan iyon." nakita ko ang pag-ingos ng matanda sa sinabi ng kanyang apo. “Hmmp, huwag ka ng magsinungaling sa akin, Apo. Akala mo ba hindi ko alam kung ano'ng katarantaduhan ang ginagawa mo? Tingnan mo nga iyang sarili mo, napabayaan mo na.” “Kalimutan mo na ang Rain na iyon. Hindi siya nararapat sa iyo, kaya huwag mo ng sirain ang sarili mo.” Kaagad nagpalit ang ekspresyon ng mukha nito sa narinig. Dalawang emosyon ang nababanaag kong nakapinta sa mukha nito. Lungkot at galit. Bigla tuloy akong na-curious sa kung sino si Rain. “By the way, hijo. This is Amara, siya ang makakasama mo pabalik sa Maynila.” “Hindi ko na kailangan ang kasama, Lola. Kaya ko na ang sarili ko. Baka embes na ako ang asikasuhin ako pa ang baby sitting sa kanya.” Napaismid ako sa kanyang sinabi. Ano’ng akala niya, bata ako na walang muwang? Napatawa naman si Donya Felimina sa sinabi ng kanyang apo. “Hijo, huwag ka ng kumontra sa akin. Gusto ko lang naman na may umaasikaso sa iyo pagkauwi at pagpasok mo ng trabaho. And besides Amara isa very intillegent girl. Maganda at masipag pa.” Papuri sa akin ng Donya na ikinapula ng mukha ko. “Kayo po ang bahala, Lola.” walang kontrang tugon nito pero halata sa mukha ang pagkadisgusto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook