ZACH
“Babe, say ah," malambing na saad ni Rain sa akin. Ngunit mabilis kong inagaw ang hawak nitong kutsara na may lamang cookies and cream flavor ice cream nang tumingin si Amara sa aming kinaroroonan.
“No! Let me feed you, babe." I used my sweet voice to Rain. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Rain. Hindi nito inaasahan ang sinabi ko.
“Really, babe? Ah, you did not even change, babe. Your still so sweet. That's why I love you,” Rain's excited voice.
“Of course babe. I want to take care of you,” mas lalo ko pang pinalambing ang aking tinig. And I guess, I get Amara's attention, pero kaagad din itong tumalikod at naglakad papalayo na tila ba wala lang sa kanya ang nakitang sweetness namin ni Rain.
I hate her down to my core! Why is she so numb? Ganyan na ba siya ka manhid? Why is she trying to act like that? Na tila ba wala na siyang pakialam sa akin? Malakas kong ibinagsak sa center table ang hawak kong table spoon na lumikha nang malakas na ingay. Wala akong pakialam ng tumilapon ang lamang ice cream sa carpet floor.
“Hey, babe. What happened? I thougth your going to feed me?” biglang sabat ni Rain. Matalim ko siyang tinitigan. Isa po ’to! Bakit ba ako naniwala sa suhistiyon niya?
“Shut up, Rain! Stop acting that you are my real girlfriend because you're not! Alam mong palabas lang 'to kaya huwag kang masyadong assuming!” I can't hold my anger towards her.
Simula nang umalis si Amara naging madalas na ang paglapit sa akin ni Rain. Ayaw ko rin naman siyang itaboy dahil after all may pinagsamahan naman kami. Pero sometimes naging clingy na siya. Magagalit ito kapag may kasama o makausap akong ibang babae. Kaya hindi ko maiwasang mainis sa kanya.
Yes, we have s*x several times, and that's because of her. Inihain niya ang sarili niya sa akin. And who am I to refuse? Lalaki ako, lalo na at lasing ako. At ang buong akala ko si Amara ang kasama ko sa kama kaya mas lalo akong ginanahan. But from the very beginning, klinaro ko na ang lahat. Walang ano mang relasyon na namagitan sa aming dalawa. It's pure lust with no feelings attached.
Ayaw kong umasa siya na maging kami pa ulit because that will never happen. I can’t see myself loving another woman. Nang iniwan ako ni Amara dinala niya pati ang puso ko at sinira niya buhay ko. I almost lost the company, ang kompanyang pinaghirapan ng Lolo Romano ko. Dahil napabayaan ko na lang ito at naging top priority ko ang paghahanap kay Amara. Mabuti na lang at nakabawi rin ako kaagad. Pero dahil sa pagkawala niya pakiramdam ko nawala na ang kakayahan kong maging masaya at magmahal ulit.
“Okay, I'm sorry. Alam ko naman kung ano ang papel ko sa buhay mo, Zach! I am just a stupid ex of yours! And now your f**k body!” tila hinging paumahin ni Rain. But I know she wants more than that. Alam ko kung ano ang gusto ni Rain.
“But you can't blame me kung umasa man ako na sana ako na lang ulit. Ako na lang sana ang mahalin mo! I am the one who stands by your side in your downful moments. Simula ng iwan ka ng babaeng haliparot na 'yan, ako na ang nasa tabi mo. Hindi na kita iniwan. Zach! Tinalikuran ko ang lahat, even my modeling career," nagsimulang tumulo ang mga luha nito na mas lalong ikinainis ko.
“Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan si Amara. Yes, I hate her but it dosn't mean na puwede mo na siyang tawagin ng kung ano-ano sa harap ko. Naiintindihan mo ba?” Mabangis akong lumapit sa kanya at hinablot ang kanyang mga braso. Napangiwi ito sa sakit dahil sa mahigpit kong pagkakahawak sa kanya.
“Zach, Ano ba! Bitawan mo nga ako! Bakit napakadali para sa iyo na saktan ako? Iniwan ka na nga ng babaeng ’yon. Siya pa rin ang pinagtatanggol mo! You keep saying that you hate her pero ang totoo umaasa ka pa rin na babalikan ka niya.”
“For God sake, may asawa at anak na 'yong tao. Why can't you set her free? Huwag ka ng umasa pa na babalikan ka pa niya dahil hindi ’yan mangyayari! A- ako 'yong nasa tabi mo, Zach. Ako na lang ang mahalin mo,” puno ng pagsusumamong tinig ni Rain. Mabilis ko siyang binitawan. I felt guilty for what I have done. Marahas kong ibinagsak ang aking katawan sa gilid ng kama. Marahan napahilamos ako sa aking mukha.
“I'm sorry, Rain. Pero hindi ko maibibigay ang gusto mong pagmamahal. Matagal na tayong tapos. Wala na akong nararamdaman para sa iyo. Si Amara lang ang mamahalin ko. At hindi ko basta-basta isusuko ang pagmamahal ko sa kanya." desperate words spit out of my mouth. Imposible man na makuha ko pang muli si Amara but I will make it possible. Dahil walang impossible sa taong nagmamahal.
“You're crazy, Zach! Asshole, loser! Kahit ano’ng gawin mo hindi na siya babalik sa iyo! And mark my words, darating din ang oras na hahanapin mo rin ako!”
Rain wipes her tears, and grabbed her things out of the room. Hindi na ako nag-abalang tapunan siya ng tingin. Gulong-gulo na ang isip ko, kakaisip ng paraan kung paano ko mabawing muli si Amara.
It's already twelve midnight but here I am heading my car to Amara's house. Call me crazy or what. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba sa gagawin ko kay Amara. Ang mahalaga sa akin ngayon ay makukuha ko siyang muli.
Minabuti ko munang magmanman bago lumabas ng sasakyan. Nakapatay na ang lahat ng ilaw sa loob at tanging ang mga ilaw na lang sa labas ng bahay ang nanatiling nakasindi. Sabi ng private invistigator wala ngayon ang kanyang lalaki bagay na pabor sa akin. Pero hindi ko mapigilang magalit sa lalaking ipinalit niya sa akin dahil hindi man lang nito iniisip ang kaligtasan ng kanyang mag-ina. Hindi man lang ito kumuha ng mga security para safety nila Amara. Paano kung may ibang mga masasamang loob ang pumasok lalo na at wala siya. Kaya tama lang na kukunin ko sa kanya si Amara. Kinuha ko lang ang pag-aari ko.
Nang makasiguradong wala ng tao mabilis akong umibis ng sasakyan. Buong ingat kong inakyat ang kanilang bakod. At dumaan ako sa terrace, papasok sa kanyang silid. Nakalimutan na nga nitong e-lock ang bintana. Mula sa liwanag galing sa ilaw sa labas malaya kong napagmasdan ang mahimbing natutulog na si Amara. Tila may kung ano'ng humaplos sa aking puso. Bakas sa mukha nito matinding pagod. Nakonsesiya tuloy ako sa ginawa kong pagpapahirap sa kanya.
I can't help myself to carress her beautiful face.
“Si-sino ka? A-ano'ng ginagawa mo sa silid ko?”