AMARA
KASALUKUYAN akong nasa entertainment room sa ikatlong palapag ng bahay. From the paintings, furnitures, cushion pillows at center tablepieces ay napalitan ko na. Napangiti ako nang pinagmasdan ko ang aking natapos. Minimalist ang theme sa loob, simple yet elegant. Mula sa kulay brown na book shelves and made in narra tree sofa. At ang earth colors na paint sa dingding. Napakagandang combination.
Ngunit kaagad na sira ang mood ko dahil sa may biglang nagsasalita sa likuran ko.
“AMARA, care to tell us ano ba ang nangyari sa iyo? Bigla ka na lang kasing nawala.”
Napaismid ako sa aking narinig. Ano bang pakialam niya sa akin? First and formost hindi ko naalala na naging mag-close kami. Hindi ko na lamang sana siya papansin ngunit muli na naman itong nagsalita.
“It’s okay kung hindi ka pa handang magsabi sa amin. I'm sorry, for being tactless. But you know, I'm just a little bit curious sa buhay ng naging Ex ni Zach. Totoo ba ang balita na nabuntis ka raw? At may asawa na ngayon? I mean, bakit ka umalis kong hindi ka totoong buntis?” Napataas ang kilay ko sa aking narinig. Hindi lang pala ’to epal. Certified chismosa rin pala ito, may lahi rin itong Marites. Mabuti sana kong totoo lahat nang nasagap niyang mga balita. Pumihit ako para sa kanilang dalawa ni Zach at ngumiti ako ng napakatamis.
“Wow! naman po, Ma’am. Updated ka po pala sa buhay ko. Hindi halatang may lahi ka po palang Marites. Keep up the good work po. Bagay sa iyo! At sana matuto rin po kayong mag fact check sa mga nasasagap ninyong balita para hindi ka makapag pakalap ng fake news. Masama po kasi ’yan.at sana rin matuto tayong huwag makialam ng buhay nang may buhay,” Pang-aasar ko pa sa kanya. Nakita ko ang pagdilim ng kanyang anyo dahil sa aking sinabi.
“Marites, who? I don't know her and will you stop dragging my name with that stupid person. And FYI hindi ako nagpapakalap ng fake news dahil may e—” hindi na natuloy ang nais sabihin ni Rain dahil sa dumadagundong ang boses ni Zach sa loob ng entertainment room.
“Stop it!”
Mabilis akong nagbawi ng tingin dahil sa aksidenting napagawi ang paningin ko sa mukha ni Zach na tila dinaanan ng sampung bagyo, hindi maipinta. Pero mas ikinakatuwa ko ang kanilang reaction. Mas lalong naging pilyo ang aking isipan, akala siguro ng babaeng ito na magpapa api ako sa kanya. Hindi ako pinalaki ni lola na walang respeto pero bilin din niya sa akin na huwag akong magpapa api sa kahit na sino.
“Will, naitanong mo na rin lang po. I am proud to say that I'm happily married now to the man that I love." Mas lalong dumilim ang anyo ni Zach. Rinig na rinig ko ang tunog ng kanyang nangangalit na panga. Hindi ko alam kung apektado ba siya sa sinabi ko. Dahil kulang na lang kainin na niya ako ngayon ng buhay dahil sa matalim nitong mga titig sa akin.
“Oh, that’s good to hear.” Napairap ako sa kawalan. Sus, napaka plastic talaga ng babaeng ’to. Kung hindi ako makapagpigil baka kanina ko pa ito sinilaban. Parang hindi ko alam kung gaano siya kainis sa akin. Ilang ulit ko na nga siyang nakitang nakairap sa akin. Sarap tusuking ng tinidor ang kanyang malaking mata.
“Kami rin ni, Zach. Were planning to our marriage soon. Hindi ba babe?” malanding baling nito kay Zach at ikinawait pa nito ang kanyang braso sa leeg ng kaharap. Ngunit hindi man lang ito sumagot kay Rain bagkus nanatiling matalim na nakatitig ito sa akin. Napanguso si Rain dahil sa gawa ni Zach sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ba ang trip ng lalaking 'to? Hindi ko tuloy maiwasang kabahan at 'di ko rin mapigilan ang biglang panlalambot sa aking mga tuhod. Tila hinuhukay ang aking kaloob-looban at tila hinihigop nito ang lakas gamit ang kanyang nakakamatay na tingin.
Mataray na tumingin muli sa akin si Rain at pinaikot ang mga mata. May ibinunulong ito ngunit hindi ko narinig Gusto ko siyang pagtawanan dahil sa kanyang pagkakapahiya. Pero mas pinili kong isarili na lang ang aking pagbubunyi. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang magtataka kung bakit limang taon na ang nakalipas hindi pa rin sila kasal dalawa. Matagal ng napapabalita sa television sa tuwing may interview sila na matagal na silang may planong magpakasal pero hanggang ngayon hindi pa rin nagawa ni Zach.
Kaagad kong sinupil ang aking sarili dahil hindi ko maikakatwa may kunting saya ako dahil sa aking nalaman. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito.
“So, proud ka pa sa ginawa mong paglalayas dahil kung ano-ano ang inuuna? Mas inuuna pa ang kalandian kaysa pag-aaral!” may bahid na pang-uuyam ang tanong na 'yon. Ramdam na ramdam ko ang galit sa kanyang tinig. s**t! napamura ako sa akong isipan dahil mas lalo bumilis ang t***k ng aking puso at lumakas ang dagundong sa aking dibdib.
Pero muli na naman uminit ang sulok ng aking mga mata. Talaga ba na kasalanan ko pa? Ako ang nasaktan at naargabyo pero bakit ako pa ang nagmumukhang kaladkarin, malandi at masama? Baka nakakalumitan niya na siya lang ang lalaking pinag-alayan ko ng aking puri at dangal. Tapos ito pa ang maririnig ko sa kanya.
“Bakit mayaman din ba siya? Mas kaya ba niyang higitan ang kamayanan ko kaya ka sumama sa iba?” Napaigtad ako nang malakas nitong hinampas ang maliit na mesa na pinagpatungan ng mga gamit ko. Maging si Rain naging kalmado na rin ang expression ng kanyang mukha. Nababanaag ko ang takot niya kay Zach.
“Hindi man mayaman ang mister ko pero hindi naman niya kami pinabayaan. Masipag at nagsusumikap siya para sa amin. Hindi naman lahat tungkol sa pera o kung gaano kayaman ang taong mapapangasawa ko. Ang mahalaga hindi siya mapagpanggap at manloloko. Inaalagaan at minahal niya ako ng totoo!” Buong tapang kong tugon kay Zach. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang ko sa pagsagot ko sa kanya. Wala akong pakialam kung ano pa ang ipaparatang niya sa akin ang mahalaga alam ko sa sarili ko wala akong ginawang masama.
Napatigalgal si Zach sa aking mga tinuran. Lihim akonh humihingi ng tawad kay Lord dahil sa nagawa kong pagsinungaling. Nagawa ko lamang iyon para matigil na sila at para proyektahan ang anak ko.
“Kung wala na po kayong tanong.Excuse me po dahil marami pa akong gagawin.” Hindi ko na hintay ang kanilang mga sagot at pumihit na ako patalikod sa kanila.