AMARA
ALAS DOSE ng tanghali nagpahinga muna kami para na rin makakain ng tanghali. Napangiti ako nang inilabas ko ang aking baon binalutan pa ako ni lola Olivia ng Pinangat.
“Oy, Murag lami lagi ning sud-an nemu, baby," puna kaagad ni Levy. Hindi na ito naghintay ng abiso ko. Kumuha na ito ng kutsara at kaagad nilantakan ang dala kong ulam. May papikit-pikit pang nalalaman ang loko.
“Siyempre, paborito ni nako. Pinangat ang pangalan ani. Isa ni sa espeyalti sa among mga Bicolan,” buong pagmamalaking saad ko. Sa loob na limang taon kong paninirahan dito sa Cebu naging bihasa na rin akong magsalita ng bisaya.
“Hmmmp, sobrang sarap! You know Tin, you should eat this. Sobrang sarap.” Napailing-iling na lamang ako sa inasta ni Levy. Sana'y naman ako sa ugali niya lalo na ang pagtawag niya sa akin ng baby. Kambal silang dalawa ni Tin at parehong Civil Engineer ang kinuha nilang kurso. Kaso magkaiba ang ugali nila si Levy na medyo immature at maloko kabaligtaran naman kay Tin na laging seryoso ang mukha, mas mature mag-isip kay Levy pero minsan nakipagbiruan naman din ito sa amin. Hindi pa man naka graduate noon sila Levy at Tin sa akin na sila nagtatrabaho. Magkapit bahay kaming tatlo sa Bantayan mas matanda ako sa kanila ng dalawang taon. Akala ko noong nakapasa sila nang board exam for Civil Engineering iiwan na nila ako.
Pangarap nilang dalawa na makapag trabaho abroad pero sabi nila saka na nila ako iiwan kapag nakahanap na ako ng tutulong sa akin dito sa aking negosyo.Hindi naman puwede si Japeth dahil alam kong busy din siya sa kanyang kompanya sa Manila.
Minsan na nga lang siya makauwi ng Cebu dahil sa napaka hectic ng kanyang schedules sa opisina. Pero naghahanap naman din siya ng paraan para makauwi rito kahit paano.
Pero kahit papaano umuwi pa rin naman sjya dahil ayaw kasi nitong magtatampo sa kanya ang anak ko. Napaka suwerte ng babaeng mapapangawa ni Japeth. Bukod sa guwapo, makisig, mayaman. Isa sa pinaka hinahangaan ko sa kanya ay walang pinipiling tao na kanyang tutulungan. Kung puwede pa lang matuturuan ang aking puso kung sino ang aking mamahalin ginawa ko na. At hindi pa rin ako handang pumasok ulit sa isang relasyon.
“Naku! Sabihin mo matakaw ka lang talaga, Levy.” Napatawa ako nang makita ko ang hitsura ni Levy na nakasimangot habang nakatitig sa kanyang kakambal.
“Baby, oh. Inaway ako ni Tin.” Parang batang sumbong sa akin ni Levy. Yumakap ito mula sa aking likuran. Ewan ko sa dalawang ito parang aso’t pusa hindi magkasundo. Pero pagdating sa trabaho, parehong professional naman silang dalawa.
“Tumigil na nga kayong dalawa para kayong bata. Hindi na kayo nahiya kat ma'am, Amara!" saway ni May sa kanila.
“Hayaan muna sila, May. Sana'y na ako sa kakulitan ng mga 'yan. Lalo na itong si Levy.” Kinurot ko na parang batang paslit ang pisngi nito.
“A-aray! Baby. Sinasaktan mo naman ako. Masakit, kilangan halikan mo ito.” reklamo ni Levy sa akin na ikinatawa naming lahat. Ngunit tila ako natuod sa aking kinatatayuan nang may tumikhim sa likuran namin. Hindi ko man nakita ang mukha nang tao pero alam na alam ko na kung sino ito. Base sa biglang abnormal nang pagtibok sa puso, kilalang-kilala pa rin talaga siya ng aking puso.
Napilitan akong pumihit paharap sa aking likuran dahil ngumuso sa akin si May. Malamig at walang emosyon naukha ni Zach ang sumalubong sa akin. Napabaling ang tingin ko sa kanyang katabing babae.
Bigla akong nakaramdam ng inis nang makita ko si Rain na nadaig pa ang toko kung makakapit kay Zach. Akala naman may aagaw sa asawa niya.
“Ahem, binabayaran ko kayo rito para magtrabaho hindi ’yong maglandian lang kayo sa pamamahay ko.” Tahimik lang si Tin at Levy ngunit ramdam ko ang inis sa kanilang mga tingin.
“I’m sorry, Mr. Monterde. Pero oras po ng pananghalian kaya wala po kaming sinayang na oras sa pagtatrabaho,” buong tapang kong tugon sa kanya. Ako na ang sumagot dahil ayaw kong magkagulo pa. Kilala ko si Levy palaban din ito at ayaw magpa- argabyado. Oo, binayaran niya kami pero hindi kami tauhan niya na basta-basta na lang pagsasalitaan ng kung ano-ano. Kita ko ang pagkuyom sa kanyang mga kamao maging ang pagtaas ng kilay ni Rain ay hindi nakaligtas sa akin.
“Sisiguraduhin mo lang Ms. Amara na nasusunod ang lahat ng gusto ko. And one thing, sana matuto ka rin magkaroon ng delikadesa para sa sarili mo,” Napanting ang tainga ko sa aking narinig. Ano ang nais niyang palabasin? Na masama akong babae? Mababaw at kaladkarin. Nag-iinit ang dalawang pisngi ko, ako pa ngayon ang masama sa kanyang paningin. Kung tutuusin siya ang may malaking kasalanan sa akin. Kung hindi lang ako natakot na madamay ang anak ko . Matagal ko na siyang sinumbatan sa lahat ng ginawang panloloko niya sa akin. Sa lahat ng pagkukulang niya bilang ama kay Athara. Ngunit sinikap kong maging kalmado, ayaw kong magpapadala sa galit ko at baka makagawa pa ako ng isang bagay na pagsisihan ko bandang huli.
Masama ang tinging ipinukol ko sa kanila. Tinalikuran na nila kami ngunit bago pa sila tuluyang nakalayo kita ko ang ngiting tagumpay ni Rain subalit kaagad din nagpalit ng emosyon. Matalim itong nakatingin sa akin habang papalayo sila ni Zach.
Mabilis kong pinahid gamit ang aking mga palad nang tuluyan ng bumagsak ang aking mga luhang kanina ko pinipigilan. Nilingon ko si Levy at Tin na nasa gilid ko na ngayon. Magkabilang hinawakan ang aking kamay. Ngunit ang kaninang luhang pinahid ko ay muli na namang rumaragasa sa aking pisngi. But this time, napaiyak ako dahil sa hindi lang si Japeth at lola ang nagmamalasakit kundi pati sina Levy, Tin at May.
“Ma’am Amara, ayos ka lang po ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni May. Marahan akong tumango at pinabatid sa kanila na okay lang ako.
“Umalis na tayo rito. Hindi natin kailangan ang ganitong klaseng kliyenti. Hambog!” Hindi mapigilang maglabas ng galit si Levy. At kahit tahimik si Tin alam kong galit din ito kay Zach base sa kanyang mahigpit na pagkakuyom ng kanyang kamao.
“Tama na, Lev. Okay lang ako.”
“Sige papalagpasin ko ang ginawa niya. Pero sasusunod nabastusin ka pa niya. Makakatikim talaga siya sa akin.”
Binilasan na lang namin ang pagkain at pagkatapos balik trabaho na naman.